Inday TrendingInday Trending
Isang Manunulat at ang Kanyang Numero Unong Taga-Hanga

Isang Manunulat at ang Kanyang Numero Unong Taga-Hanga

Mula pagkabata ay sumikat na si Van dahil sa galing nito sa pagsusulat ng mga istorya. Ang kanyang galing ay namana niya pa mula sa kanyang mga magulang na sikat ring mga manunulat. Sa edad na dalawampu’t pito, lagpas limampu na ang mga nobelang naisulat at nailathala nito.

“Van, isa na namang aklat mo ang pumatok sa mga tao,” masayang bati ng kanyang ama.

“Thank you, dad. Salamat sa pagturo sa akin maging magaling na manunulat,” sagot ni Van.

“Wag mo akong pasalamatan, ang pasalamatan mo yung mama mo. Siya rin ang nagturo sa akin maging manunulat,” banggit nito habang itinuturo ang ina na nagluluto sa kusina.

“Oo nga pala, anak. Patanda ka na nang patanda, wala ka pa ring naipapakilala sa amin kahit isang babae. Baka tumanda kang mag-isa niyan ha?” sabat naman ng ina nito habang inaayos ang kanilang hapunan.

“Nako ma, mas gusto kong tumanda ng mag-isa kaysa problemahin ang pag-ibig na ‘yan. Sakit lang sa ulo ‘yan e!” sagot naman nito. Pagkatapos ng kanilang usapan ay dumeretso na sila sa hapag kainan at pinagsaluhan ang kanilang hapunan. Nagmadali si Van na kumain dahil hahabulin pa nito ang kanyang Meet and Greet with Fans sa isang mall sa Quezon City. Pagdating niya roon ay agad siyang pinaligiran ng mga security guard at ng ibang mga fans nito.

“Van! Mahal na mahal kita!” sigaw ng isang babae sa kalayuan.

“Anakan mo ano, Van!” sigaw ng isa pang nagpupumilit sumiksik sa mga guwardyang nakapaligid sa kanya.

“Mr. Van, I’m your number 1 fan!” sabi ng isang dalaga sa binata. Pagkatapos nito ay aksidenteng natulak ang dalaga at nadapa sa harapan ni Van.

“Ok ka lang, miss?” tanong ni Van, sabay alok ng kanyang kamay upang alalayan patayo ang babae.

“Ok lang po, sorry po at naka-istorbo ako sa inyo. Pero pwede po bang magpapicture kasama kayo?” nahihiyang sabi ng babae habang unti-unting tumatayo.

“Oo naman, kahit ilan pa. Anong pangalan mo?” muling tanong ng binata na tila nabighani sa natatanging ganda ng dalaga.

“Nadine po,” mahinghing sagot ng dalaga.

“Napakagandang pangalan. Maaari ba kitang yayain kumain mamaya pagkatapos ng event?” nakangiting alok ni Van. Hindi niya maintindihan ngunit tila ba may kakaiba siyang nararamdaman sa mga ngiti ng dalaga.

“Talaga po? Oo naman po,” masayang sagot nito habang pinipigilan ang kilig na nadarama. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay inanyayahan ni Van si Nadine na tumabi sa kanyang upuan para makasama niya itong magsaya sa kanyang event. Agad naman na pumayag ang dalaga dahil tulad nga ng sinabi niya, number 1 fan siya ni Van. Lahat ata ng naisulat ni Van ay kanya nang nabasa.

Pagkatapos ng meet and greet ay umalis na si Van kasama ang dalaga, isinakay niya ito sa kanyang sasakyan at nagpunta sa isang mamahaling restawran. Matapos kumain, hinatid din ng binata si Nadine sa kanilang bahay kung kaya’t pinakita ng dalaga ang kwarto niya na punong punong mga librong isinulat ni Van. Pinakilala rin ni Nadine ang binata sa mga magulang niya.

“Ma! Pa! Si Van po, yung sikat na author ngayon na sobrang idol ko!” pagmamalaki ni Nadine.

“Ay oo nga, ‘no? Bakit kasama mo siya dito?” nagtatakang tanong ng mga magulang nito.

“Magandang gabi po, niyaya ko lang po kumain ang anak ninyo kanina. Napansin ko po kasi yung natatangi niyang mga ngiti. Kakaibang ganda, sa totoo lang. Sana po ay wag niyo ang pigilan na makipagkita sa kanya,” sagot ni Van sa mga magulang ni Nadine. Agad naman na sinang-ayunan ito ng mga magulang ng dalaga dahil alam nila kung gaano ka-gusto ni Nadine si Van. Pagkatapos ng kanilang usapan ay nagpaalam ng umuwi ang binata para umuwi sa kanilang bahay.

Pagkauwi nito ay agad siyang sinalubong ng kanyang mga magulang para kamustahin ang kanyang lakad.

“Kamusta ang lakad mo?” salubong na tanong ng ina habang nagmamano ang binata.

“Ayos naman po. Masaya ako at ang mga tao sa event kanina,” sagot naman nito.

“E yung babae na kasama mo?” naka-ngiting tanong ng ama.

“Po? Paano niyo po nalaman yun?” gulat na tanong ni Van.

“Kitang kita sa social media, lahat ng tao ay nagulat na may kasama kang babae sa event mo. Kami rin ng mama mo ay masaya para sa iyo,” sagot ng ama. Niyaya ng mga magulang ang anak na dalin ang dalaga sa bahay para makilala kaya agad ni Van si Nadine. Kinabukasan ay nagpunta si Nadine sa bahay nila Van at sinalubong naman ito ng naka-ngiting mga magulang nito.

“Good evening po,” masayang bati ng dalaga.

“Good evening din, Nadine,” sagot ng dalawa.

“Tara, tumuloy ka sa bahay namin. Kumain ka na ba? Nagluto ako ng masarap na pagkain,” sabi ng ina ni Van. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay tumuloy na sila sa loob. Masayang masaya ang mga ito ng makilala si Nadine. Unang pag-uusap pa lamang nila ay nagustuhan agad nila ang ugali ng dalaga kaya naman ay kinukulit nila ito na pumayag na makipagkasintahan ka Van.

“Mama naman, wag mo naman po ako ipahiya,” nahihiyang sabi ng binata habang pinipilit ngumiti para hindi ipahalata ang pagka-hiya.

“Ok lang yan, anak. Mukha naman bagay kayo ni Nadine,” kinikilig na sagot ng ina. Pagkatapos ng masayang kainan ay inihatid na ni Van ang dalaga pauwi.

“Bago ka bumaba ng kotse, may itatanong sana ako sa iyo,” nauutal utal na sabi ng binata.

“Ano yun?” tanong naman ng dalaga.

“Maaari ba kitang ligawan?” muling tanong nito. Nagulat si Nadine ng marinig ang tanong nito.

“Nagpapatawa ka ba? Sus! ‘Wag mo na akong ligawan, matagal naman na kitang gusto. Van, ikaw na ang boyfriend ko,” masayang sagot ni Nadine.

Napuno ng saya ang puso ni Van, labis itong nagpasalamat sa dalaga. Hindi niya akalaing ang puso niya ay mabibihag ng numero uno niyang tiga-hanga. Noong una’y buong akala niya ay wala siyang kakayahang magmahal dahil makakasagabal lamang iyon sa pagsusulat niya, napagtanto niyang nagkakamali siya. Dahil magmula nang magkakilala sila, lalong naging inspired si Van na magsulat. Na siya namang dahilan kung bakit hindi lang ito sumikat sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang parte rin ng Asya.

Advertisement