Ganoon na Lamang ang Pagkalungkot ng Ina Nang Malamang Nagdadalantao ang Anak na Dalagita; Sino nga Kaya ang Ama?

Ganoon na Lamang ang Pagkalungkot ng Ina Nang Malamang Nagdadalantao ang Anak na Dalagita; Sino nga Kaya ang Ama?

HeartbreakingKarmaStories

“Carmen. Umuwi ka na rito sa probinsiya. Buntis ang anak mong si Melba.”

Dalawang ulit na tinawag ng kundoktor ng bus ang atensyon ni Carmen para sa ticket niya. Malayo ang tanaw ni Carmen. Hinayaan niyang hampasin ng hangin ang kaniyang mukha, sa tulin ng pagpapatakbo ng higanteng sasakyan. Pabalik siya ng Batangas. Naalarma siya sa text message na ipinadala ng kanilang kapitbahay at kaibigang si Juliet. 

Nagtatrabaho bilang kasambahay si Carmen sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Naiwan ang anak na dalagitang si Melba sa pangangalaga ng kaniyang mga biyenan. Ang kaniyang asawa, na ama ng kaniyang anak, ay sumakabilang-buhay na. 

15 taong gulang pa lamang si Melba. Hindi niya malubos-maisip kung anong nangyari rito. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil pakiramdam niya, naging pabaya siyang ina. Gusto niyang ibalik ang kahapon at naisin na lamang na manatili sa tabi nito. 

Sa kabilang banda, nais din niyang sisihin ang mga biyenan. Subalit anong magagawa niya? Parehong matanda ang dalawang iyon. Ang totoo, hindi niya kasundo ang dalawa, wala lamang siyang pamimilian, wala siyang mapagbibilinan sa anak. Sa wari niya, tiyak na hindi naman nila pababayaan ang kanilang apo. 

Ngunit sa mga nangyari, tila nagkamali siya. Maling-mali. 

Makalipas ang tatlong oras na paglalakbay, at dagdag na 30 minuto sa tricycle, nakarating na rin sa bahay ng kaniyang mga biyenan si Carmen. Napakatahimik. Nakakabahala. Nakakatigatig. 

“O? Gusto mong makita ang malandi mong anak?” bungad kaagad ng kaniyang biyenang babae na si Aling Lerma. Muntik nang magpanting ang tenga ni Carmen.

close up of indonesian senior woman - furious asian old lady stock pictures, royalty-free photos & images

Buti, nakapagtimpi siya. Biyenan mo ‘yan, biyenan mo ‘yan, galangin mo, usal niya. 

“N-Nasaan ho si Melba? Melba! Melba!” 

Tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay si Carmen. Dumiretso sa kuwarto nito. Nakita niyang nakahiga sa kama. Agad niya itong niyakap. Napalingon ito. Bumangon at mahigpit na yumakap sa kaniya. Pumalahaw ng iyak. 

“Hayan… mahilig makipagkaibigan sa mga lalaki ang anak mo. Kung sino-sinong lalaki ang sinasamahan. Minsan hindi pa natutulog dito ‘yan. Baka nga hindi pa niya alam kung sinong ama ng dinadala niya,” walang prenong paliwanag ni Aling Lerma. 

Hinawakan ni Carmen ang dalawang pisngi ng anak. Pinakatitigan niya ito sa mga mata. Nakita niyang punumpuno ng lungkot at takot ang mga mata nito. 

“T-Totoo ba ang mga sinabi ng lola mo, anak?”

Subalit hindi sumagot si Melba. Patuloy lamang ang pagbalong ng luha sa kaniyang mga mata. Niyakap na lamang ni Carmen ang anak. 

“Akala ko ho mababantayan ninyo ang anak ko. Akala ko ho, sapat na ang mga padala kong pera dito para alagaan siya,” lakas-loob na sumbat ni Carmen. 

Nandilat ang mga mata ni Aling Lerma. 

“Hoy, hoy, hoy Carmen! Naririnig mo ba’ng sarili mo? Tama ba ang dinig ko na sinisisi mo kami kung bakit nabuntis iyang dalahira mong anak? Unang-una, hindi kami yaya niyan. Kita mo na ngang matatanda na kami! Bastos ‘to ah!” 

Marami pang mga sinabing masasakit na salita si Aling Lerma subalit hindi na lamang iyon pinakinggan at inintindi ni Carmen. Tahimik niyang inimpake ang mga gamit ng anak. Buo na ang desisyon niya. Baka mangupahan na lamang muna sila, o kaya naman, isama na lamang sa Maynila. Pakiusapan ang amo na mag-stay out na lamang siya. Bahala na. Ang mahalaga, mailayo ang anak sa dalawang biyenan, na kung pakikinggan, parang hindi nila kadugo si Melba. 

Naraanan nila Carmen at Melba si Mang Constancio, ang kaniyang biyenang lalaki. Tahimik lamang itong nakaupo sa labas, sa tabi ng mga nagtambak na buslo. Nagsisigarilyo. Malayo ang tanaw. Nagtaka siya dahil tila takot na takot si Melba nang makita ang lolo. 

Nakahanap sila ng isang maliit na apartment sa bayan.

Matuling dumaan ang mga araw. Isang linggo na silang magkasama ng anak, subalit hindi ito kumikibo sa kaniya. Gusto sana niyang usisain ang anak kung may boyfriend ba ito, o kung may katotohanan ang mga paratang ng biyenan, na sumasama sa mga kaibigang lalaki ang anak. 

May ilang mga gabing umiiyak na lamang at nagigising sa pagkakatulog si Melba; parang pumipiglas, parang may kinatatakutan. Kapag ginigising niya, bigla lamang yayakap sa kaniya at iiyak. 

mother consoling crying daughter - asian woman hugging a crying woman stock pictures, royalty-free photos & images

“A-Anak… tulungan mo naman ang sarili mo… hindi ko na alam ang gagawin sa ‘yo. Ano bang nangyari sa ‘yo? Anong nangyari noong wala ako? Sino ba ang ama ng dinadala mo?” hindi na rin napigilan ni Carmen ang kaniyang emosyong matagal na niyang kinimkim. Siya naman ang naghisterya. 

“S-Sasaktan niya tayo… natatakot ako…”

Napahinto si Carmen  sa pag-iyak. Sa wakas, nagsalita na nga si Melba. Hinawakan niya ang anak sa magkabilang balikat. Hinarap niya ito. 

“A-Anak… makinig ka sa akin. Kung anuman ang nangyari sa iyo, narito si Nanay, susuportahan kita. Kung nagi-guilty ka, kalimutan mo na ‘yon. Ang mahalaga, hindi natin sasaktan ang magiging anak mo. Wala siyang kasalanan. Sino ba ang ama? Boyfriend mo ba o kaibigan mo?”

Tumulo na naman ang luha sa mga mata ni Melba. Umiling-iling ito. 

“K-Kung gayon… s-sino?” kinakabahang tanong ni Carmen. 

Ibinulong ni Melba ang pangalan ng ama ng kaniyang anak. Nagdilim ang paningin ni Carmen. Tila siya pinagbagsakan ng langit at lupa. 

“Hayop ka!!! Ang kapal ng mukha mo!!!”

Matunog na sampal, buntal, at suntok sa mukha ang tinanggap ni Mang Constancio mula kay Carmen nang magkaharap sila sa presinto. Wala na itong nagawa nang dakpin ng mga pulis sa salang pananamantala sa sariling apo. Siya ang itinuring ama ng pinagbubuntis ni Melba, mula mismo sa dalagita. Hindi rin nakaligtas sa mga kamao at palad ni Carmen ang biyenang babaeng si Aling Lerma, na kasabwat pa umano. Kasama rin itong dinakip ng mga pulis. 

Sa paglilitis ng kaso, tila madudurog ang puso ni Carmen sa salaysay ni Melba. 

“Paulit-ulit po akong pinagsamantalahan ni Lolo Constancio… wala pong araw na hindi niya ako ginagalaw… at si Lola Lerma pa po ang nagpupumilit na galawin ako ni Lolo… huwag na huwag raw akong magsasalita dahil sasaktan daw nila ako at si Nanay…” testimonya ni Melba. 

Matibay ang kaso dahil marami rin palang mga nakasasaksing mga kapitbahay sa ginagawang mga bagay ni Mang Constancio sa kaniyang apo, kahit na nasa paligid lamang ang asawa, na kinukunsinti naman nito. Maraming nakakakita sa tuwing [email protected] ng matandang lalaki ang dalagita sa maseselang bahagi ng katawan nito.

Hindi na ito tungkol sa kung sino ang dapat managot sa ipinagbubuntis ng anak. Tungkol na ito sa kung sino ang dapat managot sa mata ng Diyos at batas.

Nakamit nina Carmen at Melba ang hustisya. Napiit ang dalawang matandang biyenan. Reclusion Perpetua. Abot-langit ang pagsisisi at paghingi ng kapatawaran ng dalawa, subalit tanging oras at panahon lamang ang makapagpapahilom sa sugat na idinulot nito. 

Image result for court hammer

Pumayag ang mga amo ni Carmen na maisama niya ang anak sa trabaho. Kahit na madilim ang mga susunod na araw sa buhay ng anak, pangako niya sa sariling hindi niya idadamay ang dinadala nito, at habang nabubuhay siya, hinding-hindi na niya iiwan ang anak. Siya ang magsisilbing tanglaw nito. 

More Stories