Ikinahihiya ng Batang Ito ang Kanyang Tatay Dahil Mahirap Sila, Napahiya Siya nang Makita Kung Ano ang Trabaho Nito
Sa isang paaralang elementarya, may labing-isang taong gulang na estudyanteng ang pangalan ay Danilo.
Ang nanay niya ay nasa bahay lamang dahil inaalagaan nito ang kanyang mga mas nakababatang kapatid.
Ang tatay naman niya ay nagtatrabaho bilang kargador sa palengke.
Isa sa kanyang mga kaklase ay walang ginawa kundi ang magyabang ng mga bagong gamit at laruan, si Bryan.
Ugali na ni Bryan ang magdala ng kanyang mga gadgets at iparangya ito sa mga kaklase kaya naman lahat ay gustong-gustong makipagkaibigan sa kanya.
Hindi rin naman isang malaking sorpresa na may mga ganitong laruan at gamit si Bryan dahil ang tatay niya ay isang napakayamang businessman.
Si Danilo naman ay palihim na naiinggit dito, bakit ba kasi hindi na lang maging katulad ng daddy nito ang mga magulang niya?
Isang araw, parte ng kanilang class assignment ay ang magsulat ng tungkol sa trabaho ng kanilang mga tatay.
Si Bryan ay walang dudang pinagyabang ang kanyang tatay. Sinabi niya sa kaniyang sulatin na ang tatay niya ay isang CEO, may-ari ng maraming kumpanya ang nagda-drive pa ng isang Mercedes Benz.
Habang ang lahat ng mga nasa klase ay bilib na bilib sa storya ng tatay ni Bryan, si Danilo naman ay tahimik lamang na nakaupo sa kanyang upuan. Iniisip niya kung ano ng ba ang isusulat niya tungkol sa tatay niyang nagtatrabaho bilang kargador at delivery man.
Napansin ni Bryan na sa lahat ng kanyang mga kaklase, si Danilo lamang ang hindi interesadong makinig. Kaya siya’y lumapit dito at tinanong, “Oy, Danilo, ikaw? Anong trabaho ng tatay mo?”
Hindi napansin ni Danilo ang paglapit ng kaklase kaya naman nagulat ito ng marinig ang boses niya. Kinabahan siya sa kung papaano niya sasagutin ang tanong nito.
Hindi katulad ng tatay ni Bryan na palaging nakabihis ng maayos na ‘suit’, na mayroong sariling driver para ihatid siya sa kanyang opisina, ang tatay niya ay mayroong luma at pasira nang motorsiklo para magpadala sa mga bahay-bahay.
Kahit kailang hindi niya nakitang maayos ang pananamit ng kanyang tatay. Palagi lamang siyang nakasuot ng sira-sira at lumang damit kasama ang paborito at nag-iisa niyang asul na pantalon na dahil sa sobrang luma ay mas mukha ng grey kaysa sa asul.
Doon, mas nahiya si Danilo sa katauhan ng kanyang tatay.
At ang katotohanan pa niyan, siya lamang ang nag-iisa sa kanilang klase na ang tatay ay hindi nagtatrabaho sa isang maayos na opisina at may maayos na damit.
Hindi niya naamin na isa lamang siyang anak ng delivery man.
Para hindi maging katawa-tawa sa mga kaklase, sinabi ni Danilo kay Bryan na, “CEO din ang tatay ko ‘no. Parehas pa nga sila ng kotse ng tatay mo. Parehas na parehas.”
Nang marining ni Bryan na parehas mayaman ang kanilang mga magulang, karaamihan sa kanyang mga kaklase ay nagduda. Kaya naman tinanong nila kay Danilo na pumunta dapat ang kanyang tatay sa kanilang ‘Parent’s Day’.
Si Danilo naman ay gulat na gulat sa hiling ng kanyang mga kaklase. Kinabahan siya dahil baka mahuli siya sa kanyang kasinungalingan na mayaman sila pag nagpunta ang kanyang tatay sa eskwelahan.
Pinakiusapan niya ang tatay niya na pumunta sa kanilang eskwelahan sa Parent’s Day noon pa. At ang tatay niya ay ‘di mapigilan ang kasiyahan habang papalapit na ng papalapit ang araw.
Ngunit, noong araw na iyon din ay nagmamadaling umuwi si Danilo para lang sabihin na wag na wag nang pumunta kanyang tatay.
Litong-lito ang tatay nito at nagtataka kung bakit biglang nagbago ang isip ng anak. Kaya naman sinabi na ni Danilo ang totoong dahilan. Ngunit ng marinig ito ng tatay niya, hindi niya mapigilan ang pagtawa ng pagtawa. At sinabi niya rin na huwag mag-alala ang anak dahil siya ang bahala.
Nang dumating na ang araw ng kanilang Parent’s Day, matindi ang kaba ni Danilo dahil malalaman na ang kanyang sikreto.
Malalaman nilang lahat na mahirap lang pala talaga sila at wala naman siyang CEO na tatay.
Kabadong-kabado at kumakabog ang kanyang dibdib na ang tibok ng puso niya’y rinig sakanyang tenga. Nakatitig na lamang siya sa bintana ng kanilang silid at umaasa na sana ay hindi na dumating ang kanyang tatay.
Nang bigla niyang makita ang isang lalaking naka-itim na suit na naglalakad papalapit sa kanilang classroom.
Nang matanaw niya kung sino ito, laking gulat niya ng tatay pala niya ang lalaking ito.
Naka-pormal na damit ang kanyang tatay, may mamahaling relo, at mayron din siyang maayos na leather na sapatos.
Nagulat siya ng makitang tatay niya ito, ngunit masaya na rin siya dahil nakatakas ito sa kanyang kasinungalingan.
Nang biglang sumagi sa kanyang isipan na baka malaman ng mga kaklase niyang wala namang Mercedes Benz ang kanyang tatay.
Handa ng mapahiya si Danilo sa kanyang mga kaklase habang naglalakad sila palabas ng parking ng kanilang eskwelahan.
Nang nakita nilang lahat ang isang itim ni Mercedes Benz, at ang tatay niya ay papalapit doon.
Walang masabi si Danilo noong sinabihan siya ng tatay niya na sumakay na sa loob ng sasakyan na para bang ito ay normal lang.
Ang tatay niya ay minaneho ang sasakyan papunta sa isang kanto na malayo na sa kanyang eskwelahan.
“Oh, kamusta naman? Ayos ba?” tanong ng boss sa tatay ni Danilo pagkababa nila ng sasakyan.
“Oo, boss okay naman po ang lahat, salamat pala sa pagpapahiram ng sasakyan,” nakangiting sagot ng kanyang ama.
“Ito ba ang anak mong si Danilo?” tanong nito at nakatingin sa bata.
“Oho, siya na nga po,” proud na proud na sagot ng kanyang ama.
“Ah! Marami akong narinig na tungkol sayo, hijo, makikisuyo nga ng buhat ng sako na yan sa tabi mo,” utos nito sa bata.
Sinubukan ni Danilo buhatin ang iniutos sa kanya, ngunit sa bigat nito ay napaka-impossible.
Naisip niya kung paano kaya nabubuhat ng tatay niya ang ganoong kabigat na sako, araw-araw?
“Ganyan kabigat ang trabaho ng tatay mo, araw-araw,” biglang sabi ng boss sa bata.
Napahiya ang bata sa iniasal nito. Hindi siya nakaimik at ang nagawa na lamang niya ay humingi ng tawad sa kanyang tatay.
Simula nang sinabi niya ang totoo sa kanyang mga kaklase, palagi na niyang ibinibida ang masipag at responsable niyang tatay sa kanyang mga kaklase.