Tiwalang-Tiwala ang Babae sa Nobyo na Tapat Ito at Hindi Magloloko; Nawindang Siya nang Mahuli Niya ang Nobyo at Best Friend Niya na Gumagawa na Pala ng Milagro

Apat na taon nang magkarelasyon sina Lissy at Jerome. Nagsasama na sila sa iisang bubong at nagpaplano nang magpakasal sa nalalapit na hinaharap.

Hindi perpekto ang kanilang relasyon, subalit naging matatag naman ang dalawa. Pero paano na lang kung yanigin sila ng isang napakalaking problema? Makabangon pa kaya sila?

Isang sabado ng gabi, kumakatok ang best friend ni Lissy na si Erika sa kanilang pintuan, dala ang maleta at ibang gamit. Mugtong-mugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.

“Erika? A-anong nangyari?” gulat na tanong ni Lissy.

Agad namang tumakbo si Erika at niyakap ang kaibigan. Umiyak ito ng umiyak sa balikat ni Lissy. Binigyan niya ng tubig ang babae at pinakalma muna.

“Si Tom… naghiwalay na kami,” bungad ni Erika.

“Anong nangyari?” tanong muli ni Lissy.

“Mahabang istorya, Lis. May malaking pabor muna sana ako sa’yo na hihingiin, pero sobrang nakakahiya,” saad ng kaibigang babae.

Advertisement

“Ano iyon? Maaari ka naman humiling sa akin. Para na kitang kapatid. Alam mo ‘yan!”

“Pwede bang manatili muna ako dito? Kahit sandali lang? Pinaalis kasi ako ni Tom sa condo namin. Promise, hindi ako magpapabigat, Lis,” pakiusap ni Erika.

“‘Yun lang naman pala. Walang problema!” nakangiting tugon ni Lissy.

Maya-maya ay dumating na si Jerome galing sa trabaho. Binati naman agad nito si Lissy at Erika.

“May magandang bisita pala tayo e,” biro ni Jerome.

“Oo nga, babe. Siya nga pala, bakante naman yung isang kwarto natin, nakiusap si Erika na makituloy muna rito. ‘Di kasi sila okay ni Tom,” pakiusap naman ng babae sa nobyo.

“Walang problema! O siya, mag shower lang ako tapos mag o-order ako ng dinner natin ha?” nakangiting sabi ng lalaki.

Kumain silang tatlo ng salu-salo noong gabing iyon. Nagkakwentuhan, nagtawanan at kaunting kantahan. Lingid sa kanilang kaalaman, iyon na pala ang hudyat ng malakas na pagyanig sa relasyon ng bawat isa sa kanila.

Advertisement

Naging abala si Lissy sa trabaho kaya palagi itong overtime. Tuwing uuwi siya’y nadadatnan na niyang tulog ang kasintahan. Sa umaga nama’y hindi na sila gaanong nagkakausap dahil pareho silang nagmamadali upang pumasok.

Naghahapit na rin si Lissy upang makaipon din para sa nalalapit na kasal. Magiging magarbo kasi iyon kaya’t ganoon na lamang ang paghahapit niyang kumita, ngunit nawawalan naman siya ng oras para sa nobyo.

Isang gabi, umuwi si Jerome sa kanilang apartment. Gutom na gutom siya at pagod galing sa trabaho. Wala si Lissy noon at tanging si Erika lamang ang naiwan. Agad naman siyang binati ng babae.

“Jerome, nandyan ka na pala. Kumain ka na ba?” tanong ng babae.

“Hindi pa nga e. Gutom na nga ako. Kaso wala pa pala si Lissy,” malungkot na sabi naman ng lalaki.

“Don’t worry. Ako na ang bahala! Magpahinga ka na lang dyan,” nakangiting sabi ni Erika.

Nagtali ng buhok ang babae at saka nagtungo sa kusina. Doon nagluto ito ng mabango at masarap na ulam. Dahilan upang lalong magutom si Jerome.

“Jerome, pumunta ka na rito! Okay na yung ulam,” pagtawag ni Erika.

Advertisement

Agad pumunta si Jerome. Nakita niya ang masarap na ulam. Kaya’t umupo agad siya.

“Mukhang masarap ‘to ah?” biro ng lalaki.

“Masarap talaga! Kaya pag natikman mo ‘tong putahe ko, hahanap-hanapin mo talaga!” malagkit na pagkakasabi ni Erika.

Napatigil naman si Jerome at bahagyang tumingin sa babae. Naka-spaghetti na pantaas ito at labas ang likod na tinernuhan ng napakaikling shorts. Kita ang maputi at makinis na balat ng babae.

Pinaghain ni Erika ang lalaki. Ipinatong nito ang plato sa lamesa at saka ikiniskis ang malaking dibdib sa braso ng lalaki. Tila ba naistatwa naman si Jerome sa ginawa ni Erika.

Nahulog ang tinidor na sana’y ilalagay ng babae sa plato. Dahan-dahan niya itong pinulot. Halos lumuwa naman ang dibdib niya nang lumuhod siya para pulutin ito.

Napalunok na lang si Jerome. Hindi niya maipaliwanag ang dapat maramdaman nang panahong iyon.

“S-salamat Erika… m-masarap y-yung ano mo… yung luto mo,” utal-utal na sabi ng lalaki.

Advertisement

“Walang anuman! Basta kung gusto mo pa ng masarap na putahe, sabihan mo lamang ako at ihahain ko sa’yo!” sagot ng babae sa malagkit na tono at saka kumindat.

Napalunok si Jerome at mabilis na tumalikod. Pinili niyang ‘wag na lang munang sabihin sa nobya ang nagaganap.

“Babe, sorry kung medyo busy ako ha? Pangako babawi ako sa’yo. Kailangan muna natin kumayod para sa kasal e,” paghingi ng paumanhin ni Lissy sa kasintahan isang gabi bago sila matulog.

“Naintindihan kita, babe…” yumakap ng mahigpit si Jerome at saka hinalikan ng madiin si Lissy. Nais sana ng lalaki na makipagniig sa kasintahan.

“Sorry, babe. Pagod talaga ako ngayon. Maaga pa ako sa work bukas,” pagtanggi naman ng babae sa nais gawin ng nobyo.

Tumango lang si Jerome at saka tumalikod. Ilang linggo na rin nilang hindi nagagawa ang bagay na iyon at bilang lalaki, alam niyang may pangangailangan din siya.

Isang gabi, muling umuwi si Jerome na pagod galing sa trabaho. Nag-unat siya’t binanat saglit ang mga braso at likuran.

“Masakit ba ang likod mo? Magaling ako magmasahe,” bungad naman ni Erika. Nakasuot itong muli ng maikling shorts at hapit na pangtaas.

Advertisement

“H-hindi.. okay lang,” tanggi naman ng lalaki.

Lumapit si Erika at saka tinulungang hubarin ang coat na suot ng lalaki.

“Magshower ka na. Ima-massage kita para mawala yung pagod mo,” bulong babae.

Tumalikod lang si Jerome at saka naligo. Matapos ay nagpunas siya at nagbihis ng boxer shorts at manipis na pantaas lamang.

Laking gulat ng lalaki na nasa loob na ng kwarto si Erika at nakaupo sa kama.

“Late daw darating si Lissy. Higa ka na muna rito. Para makarelax ka. Ito lang pwedeng kong isukli sa pang-aabala ko sa inyo e,” pahayag naman ni Erika.

“O-okay lang talaga ako. Mawawala rin itong pananakit ng likod ko,” naiilang na sabi ng lalaki ngunit nagpumilit pa rin si Erika.

Pinadapa ni Erika ang lalaki sa kama at nagsimula nang haplusin ang katawan nito. Tunay nga magaling magmasahe si Erika. Tila ba sanay na sanay talaga ito.

Advertisement

Medyo nailang si Jerome dahil nararamdaman niyang tumatama ang hinaharap ng babae sa kanyang katawan ngunit pinagpatuloy pa rin ni Erika ang paghaplos sa katawan ng lalaki.

Habang tumatagal at tinatamaan na ng kamay ni Erika ang mga sensitibong parte ng katawan ng lalaki. Dahilan para ipatigil ito. Ngunit ‘di nagpatinag si Erika.

“Erika… okay na, salamat!”

Tila ba walang narinig si Erika. Tuloy-tuloy pa rin ito. Nakaramdam na ng matinding init si Jerome sa katawan kaya’t nagpaubaya na siya sa babae.

Dahan-dahang lumapit si Erika at ipinadama ang maiinit na hininga sa balat ni Jerome hanggang makarating siya sa may labi nito.

Hinalikan ni Erika si Jerome ngunit inalis agad siya ng lalaki.

“M-mali ito… best friend mo si Lissy. Hindi natin pwedeng gawin ito,” pagpigil ng lalaki.

“Oh come on, Jerome! Alam kong gusto mo. Hindi ka na nga napagbibigyan ni Lissy ‘di ba? Gawin mo sa’kin lahat ng gusto mo hanggang magsawa ka,” pang-aakit naman ng babae at muling hinawakan ang katawan ng lalaki.

Advertisement

Naging mahina si Jerome at kumagat sa temptasyon. Nagpalitan sila ng mapupusok na halik at saka ginawa ang isang bagay na hindi naman talaga dapat nangyari.

Nakatulog si Jerome matapos ang maiinit na tagpo. Lumabas si Erika at saktong nakitang kararating lamang ni Lissy.

“E-Erika?” tanong ni Lissy na tila ba naguguluhan kung bakit galing ito sa kanilang kwarto.

“Lis, nandyan ka na pala! Masakit daw yung likod ni Jerome, pinatulak lang sa’kin kanina. Don’t worry,” nakangiting sabi ng kaibigan.

Tumango lamang si Lissy. Ayaw niyang mag-isip ng masama, ngunit hindi maganda ang pakiramdam niya nang makita ang kaibigan na lumabas sa kwarto kung saan naroroon ang kanyang nobyo.

Ilang beses pang naulit ang makasalanang tagpo kina Erika at Jerome. Mainit at puno ng kapusukang mga tagpo. Ilang beses na rin silang muntikan mahuli ni Lissy, ngunit madulas pa sa dalag kung gumawa ang dalawang ito. Hanggang isang araw…

“Babe, one week akong mawawala for work. Magpakabait ka ha? Pangako pagbalik ko, I’m all yours. Last project ko na ‘tong sa Davao. Hindi na ako busy pagkatapos,” pagpapaalam ni Lissy na paalis upang lumipad patungong Mindanao.

“Naiintindihan kita, babe. Don’t worry, behave ako dito,” tugon naman ng lalaki na tila ba ay walang ginagawang kasuklam-suklam.

Advertisement

Humalik na si Lissy sa kasintahan at nagpaalam na rin kay Erika.

Ilang minuto lamang pagkaalis ni Lissy, nagpang-abot na naman ang mga labi at katawan nina Erika at Jerome. Solong-solo nila ang apartment ng isang linggo dahil wala si Lissy.

Nasa kalagitnaan sila ng maiinit na tagpo. Walang mga saplot at patuloy sa kawalanghiyaang gawain nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

“Babe, naiwan ko pala yung…” hindi na naituloy ni Lissy ang sasabihin nang makita ang ginagawa ng nobyo at nang best friend niya. “A-anong ibig sabihin nito?”

Mabilis namang nagkalas ang dalawa ang dali-daling nagtakip ng mga katawan. Bumalik si Lissy dahil hindi sinasadyang naiwan niya ang mga dokumentong kailangan para sa trabaho sa ibang lugar.

“K-kailan pa ito? P-paano niyo nagawa ito?” nagsimula nang pumatak ang mga luha ni Lissy.

“Babe, I-I can explain..”

Sinubukang lumapit ni Jerome sa nobya ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya nito.

Advertisement

“May idea naman ako… ramdam ko naman, pero ang sakit palang makita. Ang boyfriend ko at best friend ko, parehas akong pinagtaksilan! Ang bababoy ninyo! Paano niyo nagawa ito sa taong nagmamahal sa inyo?

Erika, itinuring kitang parang kapatid, pero bakit ginawa mo ito sa’kin? Bakit niloko mo ako tulad ng panloloko mo kay Tom? Oo, alam ko ang dahilan. Nakiapid ka kaya ka iniwan ni Tom, pero tinanggap kita ng buong puso dito dahil akala ko nirerespeto mo ako at parang kapatid mo rin ako, pero g*inago mo ako! G*inago niyo ako!” sigaw ni Lissy.

“Babe, I’m sorry!” nakaluhod na iyak naman ni Jerome.

“Sorry? Huli na ang lahat, Jerome. Hindi ko lang naibigay sa’yo ang gusto mo dahil abala ako para sa kasal sana natin. Para sa magiging buhay natin sa hinaharap. Pero nangati ka lang, nagpakamot ka na agad sa iba! Anong klase kayo? Alam niyo kung ano yung pinakamalaking pagkakamali na pwede niyong gawin sa isang tao?

Iyon yung saktan niyo sila kahit hindi naman nararapat at sirain yung tiwala na ibinigay sa inyo! Balang-araw, pagsisisihan ninyo lahat ng ito!” sigaw muli ni Lissy at saka umalis sa apartment.

Hindi maipaliwanag ni Lissy ang sakit na nadarama. Bakit kailangan mangyari sa kanya iyon? Bakit siya pa? Bakit kailangan pinakaimportanteng tao pa ang manakit sa kanya?

Umalis siya sa apartment at nagpakalayo-layo. Ilang araw, linggo, buwan hanggang umabot ng taon ang kanyang naging pag-usad. Napakahirap ng nangyari sa kanya.

Isang taon matapos ang masakit na pangyayari. Nakaupo siya sa isang bakanteng lugar. Tinitingnan ang wedding gown na sana’y gagamitin niya paglalakad sa altar noon. Kumuha siya ng gunting at ginupit-gupit ang gown.

Advertisement

Ngumiti siya at saka sinilaban ang gown. Hudyat na handa na siyang pakawalan at limutin ang lahat.

“Paalam na sa mapait na nakaraan,” bulong ni Lissy.

Pagkalipas ng halos tatlong taon… nakalakad din sa altar si Lissy. Suot ang puting-puting wedding gown at nakangiting sasalubong sa lalaking inilaan ng Diyos para sa kanya. Ang lalaking tumulong na hilumin ang puso niyang sugatan noon. At ang lalaking nagpatunay na hindi lahat ay sasaktan siya. Tinanggap nito si Lissy at ang nakaraan niya ng buong-buo.

Matapos ang matagal na panahong nagdusa sa sakit si Lissy, dumating din ang araw na muli siyang liligaya sa piling ng tapat at mapagmahal na asawa.

Naging masaya si Lissy sa napangasawa. Nagkaroon sila ng lalaking unang supling. Lahat ng sakit ng nakaraan ay napawi na. Doble-dobleng ligaya at pagpapala pa ang dumating.

Samantalang, sinubukan nila Jerome at Erika magsama noon ngunit hindi rin nagtagal dahil ilang beses nanlalaki si Erika.

Nasira ang buhay ni Jerome at sising-sisi na pinakawalan niya ang matinong babae at pinagpalit sa tulad ni Erika. Huli na talaga ang lahat bago pa niya naisip kung anong sinayang niya.

Napakadali talagang magpadala sa temptasyon sa mundong ito, subalit ang taong tunay at tapat na nagmamahal ay hinding-hindi kakagat sa tawag ng temptasyon.

Advertisement

Huwag ipagpapalit ang taong kaya kang mahalin habambuhay sa ilang minutong kaligayahan lamang. ‘Wag mo nang intayin na mawala pa siya bago mo malaman na hindi mo pala kayang wala siya sa buhay mo.

Mas malakas ang pag-ibig kaysa sa tukso. Kaya’t kung mahal mo, ‘wag kang magloloko!