Inday TrendingInday Trending
Naaksidente ang Anak ng Babaeng Ito Ngunit mas Nakakaiyak pa pala ang Matutuklasan Niya sa Huli

Naaksidente ang Anak ng Babaeng Ito Ngunit mas Nakakaiyak pa pala ang Matutuklasan Niya sa Huli

Halos dalawang oras na ring naghihintay ang mag-asawang sina Romel at Yssah sa ospital na magising ang kanilang anak mula sa isang malagim na aksidente.

“Si papa,” mahinang banggit ng anak nilang si Cedrick na kakagising lamang mula sa operasyon na pagtahi ng ulo nito, paanoy nalaglag ang bata sa ika-26 na palapag sa gusaling kanilang tinitirahan.

“Anak, Diyos ko! Salamat sa Panginoon at nagising ka na, nandito si mama at si papa, anak, nandito kami,” iyak kaagad ni Yssah sa bata na sampung taong gulang na.

“Si papa, siya ang may gawa kung bakit ako nalaglag. Gusto niya akong m@m@t*y,” nanghihina ngunit malinaw na sinabi iyon ni Cedrick.

“Anak, ano ‘yang pinagsasabi mo? Anak, huwag kang magsisinungaling, masama ‘yan!” gulat at galit na pahayag ni Romel sa bata ngunit itinuro siyang muli ni Cedrick kaya naman napilitan na tumawag ng pulisya ang mga doktor upang ipaaresto si Romel.

“Ma’am, magandang umaga po. Mukhang wala pa kayong pahinga baka gusto niyo po munang magkape. Ako nga po pala si Micah, ako po hahawak sa kaso niyo ng anak niyo,” pakilala ng dalagang si Micah kay Yssah na nakatulala lamang sa anak niyang natutulog ng mahimbing sa ospital.

“Kaso? Anong kaso ang pinagsasabi mo? Walang ganun sa pamilya ko. Ms, hindi ko alam kung anong nangyari sa anak ko pero maayos at perpekto ang pamilya ko. Wala kaming problema para umabot sa ganito,” mangiyak-ngiyak na tinig ni Yssah sa kaniya.

“Ibig niyo po bang sabihin ay nagsisinungaling ang anak niyo?” tanong ni Micah dito.

“Hindi ko pinalaking sinungaling ang anak ko at alam niyang ayaw ko sa sinungaling. Kamakailan lang ay sinama pa ni Romel ang anak namin sa company outing nila at napakalapit ng mag-ama ko para mangyari ito. Hindi ko na alam ano bang nangyayari.” iyak pang muli ni Yssah sa kaniya.

Sa ganitong klase ng kaso alam ni Micah na malaki ang posibilidad na hindi nagsisinungaling ang bata at marami na ring mga ganitong pangyayari kung saan ang mga magulang din mismo ang salarin sa mga aksidente ng kanilang anak kaya kahit na sinabi ng mga nakakataas kay Micah na pakinggan na lamang ang bata at ikulong ang ama nito ay hindi niya iyon sinunod bagkus ay hinintay niya na magising muli ang bata at saka ito kinausap mag-isa.

Habang sa paghihintay niya napag-alaman niyang mataas na ang katungkulan ng ama ng bata sa isang kumpanya at may sarili negosyo ang nanay nito. Hindi mapagkakailangan hindi problema sa kanila ang pinansiyal na usapin at totoo rin ang sinabi ni Yssah sa kaniya na lubos na malapit sa isa’t-isa ang mag-ama kaya naman hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa tatlo.

Hanggang sa nagising muli si Cedrick at malumanay niya itong kinausap.

“Cedrick, sigurado ka bang si papa mo talaga ang tumulak sa’yo?” tanong ni Micah dito.

“Wala nang iba,” sagot ng bata saka ito umiwas ng tingin sa kaniya.

‘“Alam mo bang makukulong ang papa mo dahil sa mga sinasabi mo ngayon? Handa ka na bang mawalan ng papa?” tanong muli ni Micah sa bata.

“Matagal na akong walang papa,” bulong na sagot nito sa kaniya. Saglit na tumahimik si Micah at inobserbahan lamang ang bata saka niya hinawakan ang mga kamay nito.

“Pwede kang magsabi sa akin ng totoo, Cedrick. Kung si papa mo talaga ang tumulak sa’yo ay buong puso kitang paniniwalaan pero kung may iba siyang kasalanan sa’yo at sa tingin mo ay ito ang pinakaparusa mo sa kaniya, hayaan mo ring tulungan kita,” sabi niya sa bata at umupo ito sa tabi niya.

“Makikinig ako,” dagdag pang muli ni Micah.

Saglit na napaluha si Cedrick saka ito dahan-dahan na tumayo.

“Perpekto raw ang pamilya namin. Iyan ang laging sinasabi ni mama at alam kong mahal na mahal niya kami ni papa pero hindi alam ni mama na niloloko na siya ni papa.Nung sumama ako sa outing nila nung nakaraan ay nakita kong may babae siya at nahuli ko rin na pinag-uusapan nila kung kailan niya hihiwalayan si mama at kung paano ako kukuhanin ang loob ko ng bago niyang babae. Alam kong masama magsinungaling pero ito lang ang nakikita kong paraan para protektahan si mama kay papa,” iyak ni Cedrick sa kaniya.

Hindi nagsalita si Micah at naiyak na lamang din ito sa hinagpis ng bata. Saka umamin si Cedrick na hindi siya tinulak ng kaniyang ama at aksidenteng nadulas siya sa hagdanan. Pinakawalan na si Romel ngunit sinabi ni Micah ang lahat ng mag sinabi ni Cedrick sa mag-asawa na siyang nakapagpalaya sa dalawa. Hindi nagtagal ay naghiwalay ito ngunit nakita niyang mas naging masayahin si Cedrick kapiling ng kaniyang ina.

Mahirap nga siguroa ang magkaroon ng hindi buong pamilya ngunit mas mahirap kung buo nga ito pero hindi naman totoo.

Advertisement