Inday TrendingInday Trending
Tay, Pwede na Ba Akong Mag-Boyfriend? Trenta na Ako!

Tay, Pwede na Ba Akong Mag-Boyfriend? Trenta na Ako!

“Papa, gusto mo ba talaga akong maging isang matandang dalaga? Aba eh trenta y siyete na ako, ayaw mo pa rin akong pa-ligawan! Papa naman pang-kwarentang lalaki na yung pumunta dito para lang suyuin ka lagi mo na lang sinusungitan at pinagbabantaan.” pagrereklamo ni Kath.

“Aba eh ang papangit nang mga lalaking iyon! Ang iba pa ay walang mga trabaho. O paano ka papakainin noon aba? Anong kakainin niyo? Yung pagmamahal ninyo? Maiibsan ba yang gutom mo ng isang halik ha? Sumagot ka!” galit na wika ni Mang Ener.

Madalas iniiwan nang mga lalaki si Kath dahil sa istrikto nitong tatay. Kahit na may edad na itong si Mang Ener, maskulado at matangkad pa rin. Kilalang boksingero ang matanda noong araw sa kanilang lugar kaya naman nanginginig sa takot ang mga manliligaw ng dalaga lalo na’t kapag mainit ang ulo nito.

Madalas na may hawak na gulok itong si Mang Ener kapag nakikipag-usap sa mga manliligaw ng anak. Kung minsan pa ay ipapakita niya sa mga binata kung paano niya iyon hasain habang nagkukwento kung paano niya ito ginagamit noon sa pagkitil sa mga baboy.

Kaya naman walang lalaki ang tumatagal sa bahay nila. Lahat ay takot na baka masugatan ni Mang Ener.

Ngunit tila ba nakahanap ng katapat itong si Mang Ener nang manligaw si Lito sa kaniyang anak. Maskulado, gwapo at security guard ang lalaki sa isang pribadong paaralan malapit sa pinagtatrabahuhan ni Kath.

“Tatay, iba talaga yung karisma nang anak mo no. Manang mana sayo. Aba sigurado ako napakagwapo mo noong kabataan mo no?” pambobola ni Lito.

“Tatay tatay ka dyan. Tatay mo mukha mo. Hindi kita anak. Kung ako sayo, aalis na ako at magtatrabaho, baka tumakas yung paaralang binabantayan mo.” pang-iinis ni Mang Ener habang hinahasa ang gulok nito.

“Syempre tatay ka ng mapapangasawa ko, tatay na rin kita. Isa pa, dapat nga bilib ka sakin, paaralan nga nababantayan ko hong maigi, anak mo pa kaya?” biro naman ni Lito na hindi alintana ang patutsada ng matanda.

“Aba magtigil ka dyan kung ayaw mong maranasan ang bangis ng gulok ko.” galit na sabi ni Mang Ener.

Natigil ang pag-uusap nang dalawa noong lumabas si Kath. Napakaganda nito, hindi halatang may edad na. Umalis na ang dalawa at naiwan si Mang Ener habang naghahasa pa rin ng kaniyang gulok.

“Pwede na itong lalaking ito. Sana naman ay huwag niyang saktan ang anak ko. Sobrang ganda, mabait at maunawain ang anak kong ito. Napakamasunurin pa. Kahit na hindi ko palaging pinapayagan mag nobyo ay sumusunod pa rin kahit nasa tamang edad na siya. May katabaan lang talaga itong anak kong to eh. May kalakasan lang sa pagkain kaya dapat may trabaho ang mapangasawa bago ako sumakabilang buhay.” sabi ni Mang Ener sa sarili.

Nakauwi si Kath mag-aalas dose ng gabi. Hinatid siya nang manliligaw na si Lito sa may pinto ng bahay nila. Nakita ito ni Mang Ener at napasabing, “Tunay kang ginoo.”

Nag-iisa lamang si Lito sa mga manliligaw ni Kath na naghatid sa kaniya pauwi kahit na pinagsungitan pa ito nang nakakatakot nitong tatay.

Lalo pang nakilala ni Mang Ener si Lito noong dumalas ang pagbisita nito sa kanilang bahay. Minsan pa ay dumadalaw nito sa bahay nila kahit wala ang dalagang si Kath. Tinutulungan niyang magkumpuni ng bahay si Mang Ener kada wala siyang pasok at nagdadala ng ulam pagkatapos ng trabaho niya sa paaralan.

Minsang nag-inuman itong si Mang Ener at Lito, doon nalaman ng lalaki ang dahilan ni Mang Ener kung bakit ganoon na lamang siya kahigpit sa anak.

“Alam mo kasi Lito, si Kath na lang ang tanging alaala nang aking pinakamamahal na si Linda. Para yan silang photocopy ng isa’t isa. Magkamukhang-magkamukha, pati nga ugali nang nanay niya namana niya rin. Parehas lamang talaga silang malusog at malakas kumain. Parehas silang mahilig sa taba kaya maaga nawala ang asawa ko eh, nabalutan nang taba ang puso.

Kaya itong si Kath, alagaan mo mabuti ha. Kung pwede yayain mo mag gym para naman maging okay ang katawan niya saka pakainin mon ang masusustansiyang pagkain. Kung pwede lang huwag kayo kakain ng baboy na may taba para syempre mas mahaba ang pagsasamahan niyo.” pagbibilin ni Mang Ener.

“Isa pa kaya ganon na lang ang paghihigpit ko dyan sa batang yan, kilala ko kasi ang mga galaw ng lalaki. Aba ang ilan ay aangas-angas sakin paglabas ko nang gulok biglang sasabihin naiihi o natatae kung minsan magpapaalam sakin ang dahilan ay tawag ng nanay.

Aba eh paano niya mapagtatanggol anak ko diba? Sakin pa lang tiklop na, eh paano kung may magsamantala sa anak ko, tatakbo rin sila. Hay Diyos ko ang mga lalaki ngayon. Tapos yang si Kath, sabihan lang na mahal siya, aba naniniwala na agad, mahal ba siya nong mga yon eh nakita lang ang gulok ko kumaripas nan ang takbo!” dagdag ni Mang Ener.

Talagang natauhan si Lito sa mga bilin at kwento ni Mang Ener kaya naman pinangako niya sa sarili niyang aalagaan niya mabuti si Kath, kahit anong mangyari, kahit anong hirap ang maranasan.

Walang pagdududa na ang tanging gusto lamang ng mga magulang ay ang kabutihan ng kanilang mga anak. Kahit pa kung minsa’y nauudlot ang kasiyahan ng anak, marapat lamang na alalahanin na ang lahat ng paghihigpit, pagbabawal, at panenermon ng magulang natin ay dahil rin sa kanilang pagmamahal.

Images courtesy of www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement