Inday TrendingInday Trending
Si Cindy at ang Kanyang Sugar Daddy

Si Cindy at ang Kanyang Sugar Daddy

Huling taon na sa kolehiyo ni Cindy, ngunit sakto ring nawalan ng trabaho ang kanyang ama. Sa mga oras na ito, hindi na niya alam ang kanyang gagawin kaya naman kinausap niya ang kanyang nakakaluwag sa buhay na kaibigang si Mitch.

“Girl! Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera. Kailangan na naming magbayad para sa thesis namin. Biglaang nawalan ng trabaho si papa. E kung maaga-aga ko sana nalaman e nakapaghanap ako ng trabaho,” kwento ni Cindy kay Mitch.

“Ganon ba? Girl, mapapautang naman kita. Kaso, baka gusto mo itong iaalok ko sa’yo. Pakiramdam ko’y makakatulong ito sa’yo ng sobra,” sagot ng babae.

Nagtaka naman ng labis si Francheska. Kaya naman agad niyang tinanong kung anong trabaho ang iaalok ng kaibigan. Ngunit laking niya nang marinig ang alok nito.

“HA? BALE MAGIGING SUGAR DADDY KO SIYA?” bulalas ni Cindy.

“Oo, ganoon na nga. Tingnan mo ako ngayon. Ang ginhawa ng buhay ko, hindi nauubusan ng laman ang wallet ko, at isa pa’y nakakapag-aral ako ng libre. Lahat nang ‘yan ay dahil kay Daddy Tommy ko!” pagmamalaki pang sabi ni Mitch.

Naghahanap daw kasi ng babae ang isang kaibigan ni Tommy na si Gregorio. Animnapu’t dalawang taong gulang na ang matanda, biyudo na’t may sari-sarili nang pamilya ang dalawa niyang anak. Agad naisip ni Mitch na pwedeng-pwede si Cindy dahil sa taglay nitong alindog na parang supermodel at mukhang tila ba isang anghel.

“Isang date lang naman muna. Kung ayaw mo sa kanya, edi wag! Di ‘yon namimilit. Sa totoo lang, napakaraming dalagang nagkakandarapa doon. Mas mayaman pa siya sa Daddy Tommy ko, sa totoo lang. Kaso ayaw niya sa’kin e. Di ata ako pasado sa standards niya,” natatawang sabi ni Mitch.

“O sige na nga,” pagpayag ni Cindy sa kaibigan.

Kinabukasan, nagkita na si Cindy at Gregorio. Nang masilayan ni Gregorio ang dalaga, agad itong nahumaling sa kanya.

“Hi, Cindy. Tama nga si Tommy at mukhang anghel ka,” sabi ni Gregorio.

“Salamat po, ano po palang itatawag ko sa inyo?” nahihiyang tanong ni Cindy.

“Daddy Greg ang itawag mo sa akin. Ayaw ko rin ng po at opo na manggagaling sa iyo,” sagot ng matanda. Pagkatapos nilang magkita ay dumeretso sila sa isang mamahaling kainan at muling kinausap ni Gregorio si Cindy.

“Cindy, bakit ka nga pala nirekomenda ni Tommy sa akin?” muling tanong nito.

“Kasi biglang nawalan ng trabaho ang papa ko, kamakailan ko lang din nalaman. Yun pala ay umaalis na lang siya ng bahay para mangutang kung kani-kanino,” paliwanag ng dalaga.

“Ganun ba? O sige, pagkatapos natin kumain ay ibigay mo sa akin ang presyo ng tuition fee mo at kung magkano ang utang ng papa mo. Babayaran ko na lahat ‘yan ngayon,” naka-ngiting sabi ng matanda.

“Talaga? Gagawin mo talaga yun?” gulat na tanong ni Cindy kaya halos mapa-iyak ito sa kanyang kinauupuan.

“Oo naman, madali lang naman magkaroon ng pera eh. Ang mahirap, yung wala kang kasama sa buhay,” sabi ni Gregorio. Pagkatapos nilang kumain ay binigyan ng matanda si Cindy ng 200,000 pesos na cash para mabayaran lahat ng utang ng kanilang pamilya. Binigyan niya rin ito ng 50,000 para sa allowance sa isang buwan. Hinatid rin ni Gregorio si Cindy sa bahay nila ngunit hindi na muna ito bumaba para hindi magulat ang kanyang pamilya.

“Papa, nakauwi na ako!” sigaw ni Cindy habang ibinababa ang mga gamit sa lamesa.

“Oh, bakit ginabi ka? Tsaka sino yung naghatid sa’yo?” nagtatakang tanong ng ama.

“Hindi na yun mahalaga, ang mahalaga po ay mababayaran niyo na yung mga utang niyo tapos mababayaran ko na yung tuition ko,” pagpapaliwanag ng dalaga. Iniabot niya ang 150,000 sa ama at dumeretso na sa kwarto nito. Pagkapasok naman ni Cindy sa kwarto ay napaka-bilis ng tibok ng kanyang dibdib dahil sa kaba na baka mahuli siya ng ama. Pero dahil sa hirap ng buhay ay na iyon alintana sa kanya.

Kinaumagahan, nagkita si Mitch at Cindy sa eskwela. Dito, pinag-usapan nila ang unang pagkikita ni Greg at ng dalaga.

“Kamusta? May nangyari na ba agad sa inyo?” kinikilig na tanong ni Mitch.

“Huy, hinaan mo naman yung boses mo. Wala pang nangyayari sa amin, pero binigyan niya na agad ako ng 200,000 kagabi. Nabayaran agad namin lahat ng utang tapos nabayaran ko na rin tuition ko kanina,” sagot naman ni Cindy sa kaibigan.

“Grabe ah. Ang galante naman pala ni Daddy Greg. Baka magkita kayo mamaya, alam mo na ha? Prepare mo na yung katawan mo, malaki binayad sa’yo, baka mapagod ka,” panloloko ng kaibigan. Pagkatapos ng klase ay sinundo nga ni Gregorio ang dalaga. Habang nagmamaneho ay kinausap niya ito.

“Cindy, pwede ka bang gabihin ngayon?” tanong ng matanda.

“Pwede naman. Bakit?” tanong ni Cindy kahit alam niya na ang mangyayari sa kanila.

“Malungkot kasi ako sa bahay kasi mag-isa lang ako, gusto kong samahan mo muna ako,” nakangiting sagot ni Greg.

Sumang-ayon naman ang dalaga sa plano. Naghanda na rin siya sa mga maaaring mangyari sa gabing iyon. Kaya naman laking gulat niya nang natapos lamang ang buong gabi nang walang nangyayari sa kanilang dalawa. Nagkwentuhan lamang ang dalawa ng tungkol sa kani-kanilang buhay, dahilan upang magkakilanlan silang mabuti.

“Maraming salamat Cindy sa pakikinig sa akin ha? Gusto ko lang naman ng makakausap, ng makakakwentuhan. Ng kasama hanggang sa pagtanda ko,” ika ni Greg.

“Nag-enjoy akong kakwentuhan ka. Hindi ka gaya ng inaakala ko,” nakangiting sagot ni Cindy.

Hating gabi na kinabukasan nang ihatid ng Gregorio si Cindy sa bahay kaya naman ay niyaya muna niya itong magkape sa kanila. Pumayag naman ito sa paki-usap ng dalaga. Laking gulat naman ng ama ni Cindy dahil nakita niya ang kanyang anak na may ka-hawak kamay na halos kasing tanda niya lang.

“Cindy, ano ‘to? Sino yang kasama mo?” gulat na tanong ng ama.

“Papa, si Gregorio po pala, boyfriend ko,” sagot ni Cindy. Nagulat naman ang matanda dahil imbes na ikahiya siya ay ipinagmalaki pa siya ng dalaga.

“Totoo pala ang mga chismis na mayroon kang sugar daddy,” malungkot na sabi nito.

“Hindi po sa ganon, papa. Totoo na mas matanda siya sa akin, na halos doble ang edad ko sa edad niya. Totoo rin po na noong una’y nagkakilala kami noong panahong kailangang kailangan ko ng pera. Sinubukan kong iiwas ang nararamdaman ko pero siya pa rin ang tanging laman ng puso ko. Napakabuti niyang tao at nagmamahalan po kami ng tapat,” pagkatapos sabihin ni Cindy ang mga ito ay nakumbinsi niya ang kanyang ama na totoo ang nararamdaman niya sa matanda.

Pumayag naman ang ama nito sa relasyon at sinuportahan. Hiningi rin ni Gregorio ang kamay ni Cindy sa ama at agad niya itong inaprubahan dahil alam niya na mas giginhawa ang buhay ng kanyang anak sa matanda. Hindi rin pinabayaan ni Gregorio ang pamilya ni Cindy dahil pagkatapos ng kasal nila ay binilan niya ito ng bahay malapit sa tinitirhan nila.

Tunay ngang hindi nasusukat sa edad at sa estado sa buhay ang pagmamahalan ng dalawang tao.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement