“Ben, nasa tamang edad kana, aba manligaw ka naman ng babae para may makatuwang ka naman sa buhay!” ika ni Mang Hulyo, tatay ni Ben.
“Eh ‘tay, saka na po yan. May mga batang kalye pa na umaasa sakin.” nakangiting pagpapaliwanag ni Ben.
“Aba e bahala ka. Kapag ikaw ay naubusan, iyak ka.” biro ni Mang Hulyo habang himas-himas ang kanyang manok panabong.
Si Ben ay pinuno ng isang non-government organization na naglalayong turuan ang mga batang kalye ng mabuting asal, kung paano magsulat at magbasa.
Tuwing Linggo ay nagpupunta ang grupo ni Ben sa palengke upang doon magturo. Parating pa lamang sila ay nag-uunahan na ang mga batang kalye sa pagsalubong.
Halos Linggu-linggo ay ganito ang ginagawa ni Ben at ng kanyang grupo kaya naman para sa kanya, wala na siyang oras para sa pag-ibig na laging ipinapaalala ng kanyang tatay.
Dumating ang panahon na marami ang naantig sa pagtulong na ginagawa nila, nakilala sa buong bansa grupo nila Ben. Dumami ang mga nagbibigay sa kanila ng mga pagkain, school supplies o kahit mga damit na maaaring gamitin ng mga bata.
“Tila dininig ng Panginoon ang mga panalangin natin ha. Nawa’y huwag magsawang tumulong satin ang mga kapwa nating Pilipino. Ang mga batang ito ang pag-asa ng ating bayan. Marapat lamang na matamasa nila ang kanilang mga karapatan.” minsang sambit ni Ben sa kanyang mga kasamahan.
Mas lalo pang ginanahan ang buong grupo ni Ben na tumulong sa mga batang kalye. Kung dati ay sa palengke lang sila, ngayon pati sa dumpsite at sa may sementeryo ay nagtuturo na rin sila.
Hindi nagtagal, nakilala sa ibang bansa ang pagsasakripisiyong ginagawa nila Ben. Naanyayahan si Ben at ang ilan sa kanyang mga kagrupo na magtungo sa Norway at doon ibahagi ang kwento ng kanilang grupo.
Excited si Ben pati na ang dalawa niyang kasama na magbahagi sa Norway ng kanilang mga ginagawa. Alam kasi nila na mataas ang posibilidad na magbigay kahit na maliit na tulong ang namumuno sa bansang ito. Sapat para gamitin ng grupo upang makatulong pa sa mas maraming batang kalye.
Nabigyan nga sila Ben ng mga donasayon galing sa mga Norwegians, mga damit, tsinelas, bag, sapatos at marami pang iba.
Doon nakilala rin ni Ben ang prinsesa ng bansa. Si Princess Pia, napakagandang babae at tila ba may gusto kay Ben. Madalas silang nagkukwentuhan pagkatapos kumain tungkol sa mga ginagawa ni Ben sa Pilipinas. Dahil doon, nahulog ang loob ng prinsesa sa kanya.
Ilang oras bago ang uwi nila Ben sa Pilipinas, tinanong siya ng prinsesa kung may gusto ba ito sa kanya. Umamin naman siya na nahulog na rin siya agad sa prinsesa ngunit ikinabahala niya ang mga sumunod na sabi ng dalaga.
“Stay here and marry me, I am deeply in love with you.” buong pusong anito.
Napaisip naman si Ben.
Siguro nga ito na ang sinasabi ng Tatay na pag-ibig para sakin. Sobra sobra pa ang binigay ng Panginoon dahil halos lahat nasa kanya niya na. Pero paano ang mga batang naghihintay sakin sa palengke kung dito na ako maninirahan? sambit ni Ben sa sarili.
Nakatitig lang ang prinsesa sa kanya saka niya naalalang naghihintay nga pala ito ng sagot niya. Kaya kahit sobrang nanghihinayang at kabado si Ben, dineretso niya ang prinsesa.
“Princess Pia, I love you too..but I am sorry. We are here to collect donations to help the street children in our country, I just can’t give up on them.” paliwanag ni Ben.
Nagulat ang prinsesa sa mga narinig. Agad itong nagtungo sa silid at doon umiyak. Hindi niya matanggap na tinanggihan siya ng isang lalaki. Habang ito naman si Ben, maluha-luhang nag-empake ng kanyang gamit dahil ilang oras na lang ay uuwi na sila ng Pilipinas.
Tuluyan na ngang nakabalik sa bansa sila Ben. Nag-iwan siya ng sulat sa prinsesa na nagsasabing, “I am really sorry. The kids need me.”
Masakit man para kay Ben ang mawalan ng minsang daplis ng pag-ibig, pinagpatuloy niya pa rin ang pagtulong sa mga batang tanging siya na lang ang pag-asa.
Lumipas ang mga taon, nagulat na lamang si Ben noong isang araw ay makita niyang naka-uniporme ang mga batang minsan nilang tinuruan.
“May isang magandang babae po Kuya ang tumulong samin! May mga pagkain pa nga po kami eh, pangbaon namin!” pagmamalaki ng isang batang babae.
“Saka nga pala Kuya, kasama namin siya eh. Gusto ka daw niyang makita.” ani Ruben, ang pinakamatandang naturuan nila Ben.
Doon nakita niya ang isang magandang dalaga na may bitbit na mga pagkain. Papalapit ito sa kanya ng may mga ngiti sa labi.
“What is our topic for today?” anang babae.
Niyakap niya ito ng mahigpit. Ang bilis bilis ng tibok ng kanyang puso, paano ba naman.. nasa harap niya na ang babaeng akala niya ay hindi niya na makikita pang muli. Ang nagmamay-ari ng kanyang puso, si Princess Pia. Pumunta ito sa bansa para lang makita siya.
Minsan ay susubukin ng Diyos ang ating hangarin, bibigyan tayo ng mga pagsubok. Ipinakita ni Ben na hindi siya makasarili, na higit niyang inisip ang kalagayan ng mga nangangailangan kaysa sa sarili niyang kaligayahan. Dahil doon ay ginantimpalaan siya ng Panginoon.
www.google.com
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!