Hindi Inaasahan ng Babae na Sariling Kapamilya Pa Niya ang Gagawa ng Ganito sa Kaniya; Nakakamangha ang Ganting Ginawa Niya
Lumaki si Michelle na wala sa tabi niya ang kaniyang ina. Hiwalay ang mga magulang kaya’t sa puder ng ina niya siya naiwan. Tanging ang Tiya Lourdes lamang ang nag-aasikaso sa kaniya.
Ang ina ni Michelle ay namamasukang kasambahay sa Maynila habang siya ay nasa probinsiya. Sa murang edad ay naranasan na yata niya ang lahat ng klaseng kal*aswaan sa kamay mismo ng sariling kamag-anak.
Pitong taong gulang noon ang babae nang una siyang min*lestiya ng kaniyang tiyo, asawa ng kaniyang Tiya Lourdes.
“T-Tiyo, bakit p-po? Ano pong g-ginagawa ninyo?” takot na tanong ni Michelle.
“Wag kang maingay! Tatamaan ka sa akin!” galit na bulong naman ng lalaki.
Nanginig ang buong katawan ni Michelle at tila ba naestatwa sa sobrang takot na naramdaman. Dala na rin ng takot, hindi na niya nagawang magsumbong.
Bakasyon noon nang dumalaw si Michelle sa Maynila sa kaniyang ina. Hindi niya inaasahan na mayroon na pala itong kinakasama roon.
“Ah, anak, eto pala si Tiyo Randy, siya ang katuwang sa buhay ni nanay rito sa Maynila,” pagpapakilala ng ina ni Michelle.
“Hello Michelle! Napaka-cute na bata mo naman pala. Tawagin mo na lang akong Tatay Randy, tutal parang anak na rin naman ang ituturing ko sa iyo,” nakangiting sabi ng balbas-sarado na lalaki.
Bago umuwi mula sa pamamasukan ay suma-sideline ang ina ni Michelle ng pagtitinda sa may Quiapo. Kaya’t kadalasan ay wala ito sa kanilang tahanan.
Hapon noon nang magisnan ni Michelle na may humahaplos ng maselang bahagi ng kaniyang katawan. Sa sobrang gulat ay nahampas at nasipa niya ang humih*po sa kaniyang katawan, hanggang sa bumungad sa kaniya ang mukha ng kaniyang stepfather.
Sa sobrang takot ay mabilis ma tumakbo si Michelle papunta sa kanilang kapitbahay. Pilit siyang sinundo ng stepfather ngunit ayaw talagang umuwi noon ng babae. Hanggang sa dumating ang ina ni Michelle.
“Ano bang nangyayari sa’yo, Michelle? Bakit ayaw mo raw umuwi?!” tanong ng ginang habang kala-kaladkad ang bata pauwi.
Dinala ni Michelle ang ina sa kwarto at doon ipinagtapat ang totoo.
“S-si Tiyo Randy po kasi… nagisnan ko po na hinih*puan ako,” umiiyak na sabi ng bata.
“H-hindi totoo yan! ‘Wag kang gumagawa ng kwento ah! Kung ayaw mo akong mag-asawa sabihin mo, hindi yung naninira ka pa ng tao!” sigaw ng ina ni Michelle.
“Totoo po, nay! Hinahaplos niya po yung mga pribadong parte ng katawan ko!” iyak pa ng babae.
Isang malakas na sampal naman ang dumampi sa mukha ni Michelle. Hindi siya pinaniwalaan ng sariling ina sa pag-aakalang nagsisinungaling ito.
Hindi pa man tapos ang bakasyon ay dinala nang muli si Michelle sa probinsiya. Dahil sa ayaw nang muli pang maulit ang malagim na pangyayari, inilihim na lamang niya ang lahat. Ayaw na rin naman niyang magkagulo pa.
“Michelle, iiwanan muna kita sa tiyuhin mo ha? Mamamalengke lamang ako,” saad ni Tiya Lourdes.
“Tiya, sasama na lamang po ako. Hindi po ako magkukulit,” sabi pa ni Michelle.
“Hindi na. Dagdag pamasahe pa,” tugon naman ng ale.
Napalunok na lamang si Michelle dahil malagkit na ang mga tingin sa kaniya ng asawa ng tiyahin.
Umalis nga si Tiya Lourdes at naiwan si Michelle. Nakangising namang lumapit ang lalaki at saka hinaplos ang kaniyang buhok.
“Ang tagal mo namang bumalik dito. Na-miss ka ng tiyo,” nakakakilabot na bulong ng lalaki.
“Tiyo, ayaw ko po! Ayaw ko na po!” umiiyak na pagmamakaawa ng bata.
“Subukan mong ilakas pa, tatamaan ka sa akin!” galit naman na sabi ng tiyuhin.
“Tiyo wag po!” sigaw pa ni Michelle.
Tinutukan ng patalim ng lalaki si Michelle kaya’t wala siyang magawa kundi itapon na lamang ang katawan sa kawalanghiyaang nais gawin ng tiyuhin. Naulit nang naulit ang mga pangyayari hanggang si Michelle ay magdalaga.
Nang magkaroon na ng sariling isip at magdalaga ay lakas-loob na ipinagtapat ni Michelle sa tiyahin ang totoo. Ngunit hindi niya inaasahan ang isasagot nito.
“Pabayaan mo na ang tiyuhin mo. Hindi ko kasi kayang ibigay ang hilig niya. Inopera ka kasi ang mga matres ko kaya’t hindi ko magawang makipagn*iig sa kaniya.
Ayaw mo ba noon? Pare-pareho tayong nagpapakinabangan rito. Ibigay mo na lamang sa tiyo mo ang hilig niya. Sa susunod bibigyan kita ng pera,” wika pa ni Tiya Lourdes.
Napaluha si Michelle sa narinig. Hindi niya lubos-maisip na sariling pamilya ay hayop ang turing sa kaniya. Binababoy na siya ngunit wala pang ginagawa ang mga ito.
Isang gabi, sa edad na 16, tinangka ni Michelle na tumakas. Lumayas siya at nagpakalayo-layo. Hindi na bale kung saan siya pulutin basta makaalis lamang siya sa impyernong kinalalagyan.
Namasukan siya sa isang maliit na kainan sa kabilang probinsiya. Pilit na tinalikuran ang mapait na nakaraan upang makapagsimulang muli. Ngunit may mga gabi na pilit nagpapakita kahit sa panaginip ang masamang karanasan.
Nagpatuloy si Michelle sa trabaho at kumuha ng vocational na kurso. Nang makahanap ng ibang trabaho na mas malaki ang sahod ay itinuloy naman niya ang pag-aaral ng kolehiyo.
Buong sikap na iginapang ng dalaga ang kaniyang pag-aaral. May nais siyang patunayan. Lumipas pa ang mga gabing walang tulog upang magsunog ng kilay, nakapagtapos si Michelle. Pero hindi pa roon natigil ang lahat, nais pa niya ng mas mataas na karangalan, kaya’t nag-aral pa siya.
Kayod-kabayo ang dalaga para makamit ang inaasam-asam.
“Congratulations, attorney!” bati sa kaniya ng isang propesor matapos makapasa ng bar exam.
“Para sa mithiin!” tugon naman ni Michelle.
Nakahinga ng maluwag si Michelle noon dahil dami ng hirap at pagsubok na kaniyang sinuong.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi naibibigay ang hustisya,” bulong ng babae.
Ang kauna-unahang kasong naipanalo ni Michelle ay laban sa tiyuhin na mismong gumawa ng kawalanghiyaan sa kaniya. May nagsampa ng kaso laban rito dahil sa pangmom*lestiya ng menor de edad din. Napatunayan rin na tulak ito ng ipinagbabawal na gam*t. Kaya’t tanging rehas ang hihimasin nito sa mahabang panahon.
“Simula ngayon, ilalaan ko ang buhay ko para sa mga nangangailangan. Ipaglalaban ko ang karapatan lalo na ng mga kababaihan,” saad ni Michelle.
Isa nang ganap na abogado si Michelle at nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga babaeng biktima ng kar*ahasan. Pilit niyang inabot ang pangarap kahit na nakapahirap upang mabigyang hustisya hindi lamang ang mapait na karanasan niya, kundi upang makatulong din sa iba pang tulad niya na biktima ng mga mapang-abu*song mga tao.