Nanirahan ang Pamilyang Ito sa Thailand; Hindi Siya Makapaniwala na Dito Niya Makikilala ang Lalaking Magpapatibok sa kaniyang Puso
Taong 1989.
“Amelia, gumising ka na,” wika ng kaniyang ina.
Pagtingin niya sa kaniyang orasan ay alas 6:00 na ng umaga, oras na upang maghanda dahil may pasok siya ngayon. Siya si Amelia Chen, 18 na taong gulang, isang Pilipina na nakatira sa Bangkok, Thailand. Limang taon na ang nakakaraan nang lumipat ang kanilang buong pamilya sa Thailand, dahil sa trabaho ng tatay niya.
Isa siyang guro dito sa Thailand habang ang kaniyang ina naman ay real estate broker.
Habang naglalakad patungo sa kaniyang paaralan, naisipan niyang basahin ang mensaheng isinulat para sa kaniya ni Memory, ang kaniyang penpal.
Codename niya lamang iyon. Siya naman ay si Sampaguita. ang itinuturing na pambansang bulaklak ng Pilipinas. Sabi ng kaniyang ina, para daw siyang isang sampaguita; maliit, simple, ngunit namumukad ang ganda.
Ang totoo niyan, wala siyang plano sa pakikipagsulatan dahil wala siyang interes na makipagkilala sa kahit na sinumang lalaking dayuhan. Kung papipiliin lamang siya, mas pipiliin niyang umuwi sa Pilipinas at doon manatili. Ngunit wala naman siyang magagawa dahil ayaw naman niyang maiwanan ng kaniyang buong pamilya.
Nagsimula ang kanilang pagsusulatan noong mga nakaraang buwan, dahil habang papauwi si Amelia mula sa paaralan ay napadaan muna siya sa isang convenience store. Bumili siya ng makakain dahil naabutan na siya ng gutom. Pagkaupo sa isa sa mga mesang laan para sa mga customers ay may liham na nakalagay sa isang envelope sa ilalim ng naturang mesa. Nabuksan ang kaniyang kuryosidad. Kinuha niya ang liham at saka binasa ang laman.
Nakasulat doon na kung sino man daw ang makahanap ng liham na iyon ay gusto niya maging kaibigan. Noong una, tinawanan niya lamang ito, ngunit naisip din niya na magandang ideya din ito dahil sa tinagal niya sa Thailand, eh hindi man lamang siya nakahanap ng totoong kaibigan.
Kaya’t sumulat siya pabalik. Iniwan niya ang kaniyang sagot sa ilalim ng mesa. Hindi naman tinukoy sa liham kung babae ba ito o lalaki.
Hanggang sa lumipas ang ilang buwan. Patuloy lamang ang kanilang pagsusulatan. Hindi niya mapigilang mapaisip kung sino ba talaga ang kaniyang kasulatan. Lalaki ba siya o babae? Mas matanda o mas bata sa kaniya?
Pagpasok sa eskwelahan ay napakagulo sa gusali. Napakaraming mga mag-aaral na tumatakbo at mga guro na nag-iikot-ikot. Pagdiriwang na pala ng foundation day ng kanilang paaralan. ng eskwelahan namin. Hindi ko rin gaano ma-enjoy ito dahil wala rin naman akong kasama sa mga booth at events. Umupo ako sa isang gilid at sumulat ng mensahe para kay Memory. Ginagamit ko ang pangalang “Iya” bilang code name. Oo, alam ko na dapat hindi ko siya masyado pinagkakatiwalaan, pero siya ang nagsisilbing sandalan ko kapag nahihirapan ako sa buhay. At dahil hindi kami magkakilala sa personal, pakiramdam ko ay hindi niya ako hinuhusgahan.
Ikwinento ko sakanya ang mga nangyari saakin nung mga nakaraang araw. Nagtungo ako sa convenience store at iniwan ang liham para kay Memory. Baka napapaisip kayo kung bakit ni isang beses eh hindi ko naisipang mag antay doon para makita kung sino nga ba ang tunay na sumusulat saakin. Sinubukan ko na gawin yun ng ilang beses, ngunit ginabi at nabigo lamang ako sa kakaantay.
Pag uwi ko sa aming bahay ay narinig kong nanamang nagsisigawan ang magulang ko. “Ano ba ang akala mo? Natutuwa kami ng anak mo na lumipat tayo dito?” sigaw ng aking ina. “Nabawasan na nga ang problema natin sa pera, nagrereklamo ka parin?” sagot ng aking ama. “Isipin mo naman si Lia! Hindi nga natin kailangang mamroblema sa pera, hindi naman siya masaya dito!” sabi ng aking ina. Umakyat agad ako sa aking kwarto at nagpahinga na.
Nagdaan ang maraming araw at naging busy na rin ako sa mga gawain sa eskwelahan. Ngunit nung isang araw pag uwi ko sa aming bahay ay wala ang aking ina. Ang gulo at nagkalat ang iba’t ibang gamit sa aming sala. Naabutan ko ang aking ama na nakatayo malapit sa bintana. “Tay, okay lang po ba kayo? Asan po ang Inay?” tanong ko. “Mamili ka kung kanino ka sasama.” sagot ng aking ama. Wala akong maintindihan. Litong-lito ako sa nangyayari.
“Maghihiwalay na kami ng nanay mo.” yun ang huli kong narinig bago ako umakyat ng aking kwarto. Hindi ko mapigilang umiyak. Ang pamilya ko ang isa sa mga rason kung bakit ako nakakaramdam ng saya. Hindi ko maisip ang rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Matapos ang ilang linggo ay hindi na sumasagot si Memory sa mga liham ko sakanya. Halos maipon na ang mga sulat sa lagayan ngunit hindi na talaga siya sumasagot. Magkahalong galit at lungkot ang naramdaman ko habang ako’y papauwi sa aming bahay. Wala akong makausap at tila nanghihina na ako dahil sa mga nararamdaman ko.
Dalawang buwan na ang nakalipas at hindi na kami nagpapalitan ng liham ni Memory. Nasanay na rin ako, baka totoo nga ang sinasabi ng iba, wala talagang may gustong makipagkaibigan sa akin. Papasok ako ngayon sa eskwelahan, at tinawag ako ng school counsellor namin na si Khun Cuevas. Siya’y isang Pilipino din kaya’t pa minsan minsan ay nakakapag usap din kami ni Khun Cuevas. Pumasok ako sa opisina at may nakitang isang lalaki na ka edad ko, mukhang bago siya dito. “Maupo ka Amelia.” wika ni Khun. Cuevas. Binati ko ng wai ang lalaki bago umupo.
Tila gulat na gulat ang lalaki nung marinig niya ang pangalan ko. “Elijah, ito si Amelia. Galing din siya ng PIlipinas at lumipat dito 5 taon na ang nakalipas.” sambit ni Khun Cuevas. Tinignan ko ang lalaki at bahagya akong ngumiti. “Galing si Elijah sa isang eskwelahan na malapit lang din dito. Naisipan ng magulang niya na ilipat siya dito. Amelia, samahan mo muna si Elijah, kahit ilang araw lang, hanggang sa masanay siya dito.” siyempre, pumayag ako.
Pagkalabas namin ng opisina ay naglakad lang kami papunta sa main building. Walang nagsasalita at sobrang naiilang na ako. Pagdating namin sa main building ay inabot niya sakin ang kamay niya, “Elijah Lee” tinanggap ko naman ito “Amelia Cheng”. Parehas lang kami iskedyul kaya’t madalas ko siyang kasama at kakwentuhan.
Isang buwan na ang makalipas at ganap na magkaibigan na kami ni Elijah, kakaiba ang nararamdaman ko dahil parang matagal na kaming magkakilala kahit na nung nakaraang buwan lang kami nagkita. Para bang, pamilyar saakin ang ugali niya.
Nalaman ko na ang mga magulang niya ay naisipan din na dito magtrabaho nung siya’y bata pa. Kaya’t sinama din siya dito, sa Thailand. Mayroon siyang dalawang kapatid. Matalino siya, magaling tumugtog ng instrumento, at naglalaro ng basketball. Naalala ko sakanya ang dati kong ka pen pal, tila bang lahat ng interes ni Elijah, ay interes din ni Memory.
Isang araw, pagkatapos ng klase namin ay inaya niya akong kumain ng Pad Thai. Nagulat ako dahil dinala niya ako sa convenience store na dati naming pinag-iiwanan ng liham ni Memory. Habang kumakain ay bigla siyang nagkwento “Sobrang espesyal saakin ng lugar na ‘to.” sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko, “Bakit naman?” tanong ko. “Sa’yo ko lang sasabihin ito.” sabi niya habang tumatawa. “May ka pen pal ako noon, pero alam ko na parehas lang kami na taga dito. Si Lia.” sambit niya habang nakangiti.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako naramdam ng ganitong saya, Andito na siya sa harap ko. Yung taong handang makinig saakin. Ang nagiisa kong kaibigan.
“Memory.” wika ko. Tila gulat na gulat siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Matapos ang ilang buwan ay nakilala ko na din ang tunay kong kaibigan. Si Elijah Lee.