Inday TrendingInday Trending
Napunta sa Madrasta ang Pangangalaga sa Tinedyer na Ito nang Sumakabilang Buhay ang Ama; Natuklasan Niya ang Itinatagong Tunay na Ugali ng Babae

Napunta sa Madrasta ang Pangangalaga sa Tinedyer na Ito nang Sumakabilang Buhay ang Ama; Natuklasan Niya ang Itinatagong Tunay na Ugali ng Babae

“Simula sa araw na ito Jenny, ako na ang susundin mo, at ako na ang masusunod sa bahay na ito.”

Hindi makapaniwala si Jenny, 14 na taong gulang, sa mga pahayag ng kaniyang madrasta na si Adriana. Sumakabilang-buhay ang kaniyang Papa, at dahil si Adriana ay legal na asawa na nito, ito na ang may karapatan sa bahay at sa ilan pang mga ari-ariang naiwan ng kaniyang papa.

“Dahil dalawa na lamang tayo, ikaw ang gagawa sa lahat ng mga gawaing-bahay rito. Samantalang ako naman ay magtatrabaho. Ibinilin ka sa akin ng Papa mo bago siya mawala kaya kailangan kong panindigan ang pag-aalaga sa iyo. Huwag kang pasaway.”

Hindi makapaniwala si Jenny na ganito pala ang tunay na karakas ng kaniyang madrasta. Noong panahong nabubuhay pa ang kaniyang Papa, halos napakabait ng pakikitungo nito sa kaniya, hindi makabasag-pinggan.

Subalit ngayon nga, ipinakikita na nito ang tunay na ugali.

“Huwag kang magkakamaling magsumbong sa mga kamag-anak ninyo ng Papa mo. Kapag ginawa mo iyan, hindi ko ibibigay ang manang para sa iyo. Nakasaad sa testamento ng Papa mo na ibibigay ko lang ang bahagi ng mana mo kapag nasa 18 taong gulang ka na. Kaya lahat ng gusto ko, susundin mo, maliwanag ba?”

Napatango na lamang si Jenny sa kaniyang madrasta. Takot na takot siya noon. Wala pa siyang sapat na lakas upang lumaban.

Huminto sa pag-aaral sa Jenny at nagsimulang maging kasambahay sa mismong bahay nila, dahil na rin kay Adriana. Walang ginawa si Adriana kundi mag-uwi ng kung sino-sinong mga lalaki sa gabi, matapos ang pagtatrabaho nito sa umaga. Minsan, nakikita pa mismo ni Jenny ang mga kah@layang ginagawa nila sa mismong sala ng bahay.

Lumipas ang isang taon. Walang pagbabago sa naging pakikitungo ni Adriana kay Jenny. Mas lumalala pa nga.

Minsan, habang naghuhugas ng mga pinagkainan si Jenny, tinawag siya ni Adriana.

“Hoy Jenny. Magpunta ka sa kuwarto ko. Ngayon na.”

“B-Bakit po?” nahihintakutang tanong ni Jenny. Alam niyang bangag na naman sa ipinagbabawal na gamot ang kaniyang madrasta, pati na ang apat na lalaking inimbitahan nito.

“Basta sumunod ka na lang! Daming satsat!” galit na galit na sabi ni Adriana. Pulang-pula ang mga mata nito.

Sumunod naman si Jenny. Nagulat siya nang makita ang apat na lalaking kasama ni Adriana na pawang hub*’t hub@d. Namumula rin ang mga mata. Mukhang hayok na hayok sa laman.

“Oh guys, enjoy! Bubot at sariwa pa ‘yan!” tuwang-tuwang sabi ni Adriana, sabay tulak paloob sa kuwarto kay Jenny. Isinarado nito ang pinto.

“Tita Adriana! Tita Adriana! Maawa po kayo sa akin! Tita!” nakahihilakbot ang naging paghingi ng saklolo ni Jenny, nagtitili siya nang walang humpay, hanggang sa maya-maya ay kalabugan na ang mga narinig, mga nakalolokong halakhakan ng mga lalaking tila mga lobong hinagisan ng sariwang karne…

Samantala, hindi na pala natiis ng mga kapitbahay ang mga naririnig nila, kaya naman tumawag na sila ng barangay tanod, at bago pa maisakatuparan ang maitim na balak ng apat na lalaki kay Jenny, ay nasukol na sila ng mga ito. Wala silang nagawa dahil kitang-kita ang mga ebidensya: nagkalat ang mga pakete ng ipinagbabawal na gamot gayundin ang iba pang mga kasangkapang ginagamit nila sa paghithit nito.

Lalo pang tumibay ang kaso nila dahil sa ginawa nila kay Jenny. Mabuti na lamang at naagapan at hindi nailugso ang kaniyang kapurihan.

Sa tulong ng mga kapitbahay gayundin ng mga kaanak ng kaniyang Papa at Mama, sinampahan nila ng kaso si Adriana gayundin ang apat na lalaking nagtangkang lumugso sa kapurihan ni Jenny, bukod pa sa paggamit nila ng ipinagbabawal na gamot. Patong-patong ang kasong iyon.

Isa sa mga lalaking kinasuhan ay umaming si Adriana ang nag-utos na ipapasl*ng ang Papa ni Jenny, dahil siya ang benepisyaryo ng hinuhulugan nitong bahay. Nakasaad kasi sa kontrata na kapag sumakabilang-buhay ang nagbabayad nito, awtomatikong mapupunta ang bahay sa benepisyaryo nito.

Dahil mabigat ang mga ebidensya, matapos ang pagdinig sa korte ay nakulong si Adriana at ang apat na lalaki. Habambuhay na pagkakabilanggo ang gawad sa kanila, na walang benepisyo ng parole. Napunta si Jenny sa pangangalaga ng mga kaanak ng kaniyang Papa. Minabuti rin nilang ipasailalim sa pagsusuri ng sikolohista ang bata upang hindi ito ma-trauma sa kaniyang mga pinagdaanan.

“Patawarin mo kami Jenny kung naging kampante kaagad kami sa hayop mong madrasta. Akala talaga namin ay mabuti siyang tao at aalagaan ka niya bilang isang tunay na anak. Nagkamali kami. Maling-mali kami,” naluluhang saad ni Tiya Isabel, ang kapatid ng kaniyang Papa.

Naging maayos naman ang paglaki ni Jenny, nakapagtapos ng pag-aaral, at sa gulang na 18 taong gulang ay napasakaniya na ang manang iniwan sa kaniya ng Papa.

Advertisement