
Isasakatuparan ng Babaeng Ito ang Kaniyang Binitiwang Babala sa Mister, Hustisya ang Mananaig sa Huli
“Hindi ko alam kung paano pa kami mabubuhay ng mga anak ko ngayon na sila na mismo ang nakatuklas sa panglalalaki ng tatay nila. Pakiramdam ko napakasama kong babae at napakawalang kwentang ina at asawa!” iyak ni Hannah, kaibigan na pinuntahan nila upang damayan ito.
“Hindi na ikaw ang pinili, hindi pa ba malinaw sa’yo? Kailangan mong matutunang mabuhay nang matapang, malakas at hindi umaasa sa kaniya. Kailangan mo na simulan ‘yan ngayon kaysa sa sayangin ‘yang mga luha mo,” matabang na pahayag ni Teresa sa babae at mabilis naman siyang hinampas ni Rica.
“Pagpasensiyahan niyo na itong si Teresa, alam mo naman na dragona ito at may perpektong pamilya kaya hindi niya tayo naiintindihan,” patawang balik ni Rica sa mga kaibigan lalo na kay Hannah.
“Totoo naman, kung hindi ko ito sasabihin sa’yo ay para saan pa at pumunta ako ngayon? Sasabihin mo rin ba sa aking hihintayin mong bumalik ‘yung babaero mong asawa at tatanggapin mo siya para sa mga anak niyo? Lumang tugtugin na ‘yan, gising na, hindi na ganoon ang mga babae ngayon! Dapat mas palaban na tayo dahil hindi naman tayo nagkulang sa kanila o kung nagkulang man ay hindi pa rin sila dapat naghahanap ng iba! Hindi mo ito maririnig sa kanila at tanging sa akin lang manggagaling ang mga brut@l na salitang ito kaya namnamin mo! Bumangon ka, tama na ang pag-iyak, hindi ka na bata! Asawa lang ‘yan pwede mong palitan ‘yan!” baling ni Teresa sa kaibigan at saka ito pinandilatan.
Saglit na hindi nakapagsalita ang iba at nagulat na biglang napatayo si Hannah at pinunasan ang kaniyang mga luha.
“Sana huwag mangyari sa’yo ang lahat ng pinagdadaan ko lalo na pag dumating ka sa puntong may anak kayo na gusto mong protektahan. Sana, sana talaga, Teresa, magkaroon ka ng masayang pamilya, habambuhay,” wika nito sa kaniya saka sila pinaalis at kailangan daw muna nitong magpahinga ngunit mas pinili ni Teresa na siya na lang ang umalis para na rin sa ibang mga kaibigan.
“Sus! Parang gusto niyang sabihin at hilingin na maranasan ko rin ‘yung pinagdadaanan niya. Paano naman mangyayari sa akin ‘yun e hindi naman ako kasing t@nga at martir niya!” kwento ni Teresa sa kaniyang mister na si Allan.
“Ikaw naman kasi, hindi mo man lang dinamayan ‘yung tao kaya nagkaganoon. Alam niyo naman kayong mga babae, iyakin,” sagot nito sa kaniya habang nagluluto ang lalaki.
“Sila oo, pero ako hindi. Bakit ko sasayangin ang luha ko sa mga manlolokong tao?” ismid ng babae sa kaniya.
“Tandaan mo at huwag na huwag mong kakalimutan ang sinabi ko noon. Sa oras na malaman kong may babae ka o niloloko mo ako ay hindi ako magdadalawang-isip na p@t@y!n ka! ‘Di bale nang maging kr*minal ako kaysa naman maging masaya kayo!” dagdag pa nito saka nilakihan ng mata ang asawa niya.
Hindi na nagsalita ang lalaki at hindi na rin niya ito pinansin. Pumasok siya sa kwarto upang ayusin ang mga maruruming damit na lalabhan niya kina-umagahan at habang nagliligpit siya ng mga pantalon ng mister ay may maliit siyang papel na nakita. Isang resibo na pinunit na.
“Hindi ako maaring magkamali, resibo ito galing sa isang hotel,” tinig niya sa sarili. Mas lalo pang kumabog ang kaniyang dibdib nang makitang may bakat ng lipstick ang likod ng damit ng kaniyang asawa.
“May babae kang g@go ka!” sigaw niya sa kaniyang isipan at mabilis na tumayo para puntahan ang kaniyang mister.
Kaagad niyang kinuha ang k*ts!lyo saka diretsong tinanong ang kaniyang mister.
“Unang beses ko lang itong itatanong sa’yo, kaya magsabi ka ng totoo. May babae ka ba o wala? Huwag mo nang subukang magsinungaling pa,” seryoso at nanginginig sa galit ang kaniyang boses nang tanungin niya ang lalaki.
“Ibaba mo nga ‘yan! Baka ano pang mangyari sa atin. Ibaba mo ‘yan at pag-usapan natin ang problema,” nanginginig ding sagot ni Allan sa kaniya habang lumalayo sa asawa.
“Sumagot ka! May nakita akong resibo ng hotel at lipstick sa damit mo! Napakalumang tugtugin pa ng paraan para malaman ko! Put@ng !na, Allan! May babae ka ba?!” sigaw ni Teresa at galit na galit ito sa kaniyang asawa. Namumula na ang kaniyang mukha at alam na ni Allan na hindi biro ang sitwasyon niya sa mga oras na iyon.
“Magpapaliwanag ako, magpapaliwanag ako, Teresa, hindi naman seryoso ang relasyon namin. Hindi ko sya mahal, ikaw lang ang mahal ko. Please, huwag ka namang ganiyan!” pagmamakaawa ni Allan habang palayo pa rin siya nang palayo sa kaniyang misis.
Hindi na sumagot pa si Teresa at mabilis na ibinato ang kuts!lyo sa lalaki na kaagad namang tumama rito. Ilang minuto lamang ang pangyayari at napakabilis nito na hindi namalayan ni Teresa ang mga sumunod na ginawa niya.
Hanggang sa…
“Teresa, ayos ka lang ba? Teresa?” malambing na tanong ni Allan sa kaniya.
“Ha?” namumutlang sagot ng babae sa kaniya.
“Kanina ka pa nakatulala riyan at kanina pa kita tinatanong pero hindi ka sumasagot. Ano ba ‘yang iniisip mo at nakatitig ka sa k*ts!lyo natin?” tanong pang muli ni Allan sa kaniya.
Hindi nagsalita ang babae at mabilis itong pumasok muli sa kwarto. Hindi siya makapaniwala na sa sandaling oras ay nangyari ang lahat ng iyon sa kaniyang imahinasyon. Nanlalamig at nanginginig ang kaniyang mga kamay saka niya sinampal ang sarili at huminga ng malalim.
“Mag-isip ka ng tama!” baling niya sa sarili.
Lumipas ang mga araw at nag-imbestiga si Teresa, hanggang sa nakalikom siya ng sapat na ebidensya para sa pangangaliwa ng kaniyang mister at ginawa na niya ang nararapat niyang gawin. Inilapit niya sa tamang himpilan ang kaso ng asawa, naging matagal at maingay ang kaganapan na ito sa kaniyang buhay pero alam niyang mas tama ito kaysa sa ilagay niya batas sa kaniyang kamay.
Hindi nagtagal ay nagkahiwalay sila Allan at Teresa, kahit ilang beses man na humingi ng tawad ang lalaki ay hindi na niya ito pinagbigyan pa. Alam niyang maraming nagsasabing mali raw na kinasuhan niya ang lalaki at masyado siyang matigas at wala raw puso. Pero hindi niya ito pinakinggan dahil pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaang maloko ng asawa o nang kahit sinuman.