Inday TrendingInday Trending
May Pagka-Misteryosa ang Napangasawa ng Lalaki Dahil Palagi Nitong Suot ang Isang Kulay Puting Bandana; Mayroon Pala Itong Matinding Lihim

May Pagka-Misteryosa ang Napangasawa ng Lalaki Dahil Palagi Nitong Suot ang Isang Kulay Puting Bandana; Mayroon Pala Itong Matinding Lihim

Usap-usapan ng mga kapitbahay ang dalagang bagong salta sa kanilang barrio. Ito ay walang iba kundi si Lilian.

“Ang ganda talaga ni Lilian, ano?” wika ng isang lalaking tambay.

“Sinabi mo pa, pare, pero may napapansin lang ako riyan kay Lilian, Palaging nakalagay sa ulo niya ‘yung kulay puting bandana,” sambit ng kausap.

“Oo nga…parang hindi niya tinatanggal iyon sa ulo niya,” sabi pa ng isa pa.

Sa dami ng manliligaw ni Lilian, ang binatang si Jay ang pinalad na magustuhan ng dalaga. Matagal din itong sinuyo at nilgawan ni Jay hanggang sa mapasagot niya at naikasal sila.

Maging sa araw ng pag-iisang dibdib nila ay tampulan ng tsismis ng mga bisita si Lilian.

“Pambihira naman ang kasalang ‘yan, tingnan ninyo, kahit nakasuot ng belo ay hindi pa rin tinanggal ni Lilian ‘yung kulay puti niyang bandana sa ulo,” wika ng isang matandang babae na dumalo sa kasal.

“Yun daw kasi ang gusto ni Lilian eh, kaya sinunod ni Jay,” tugon ng katabing bisita.

“Sana ay hindi na lang nag-belo kung hindi naman hinubad ‘yung bandana sa ulo. Para tuloy siyang t*nga,” natatawa namang sabi ng isa pang babae.

Maging ang asawang si Jay ay labis na ring nagtataka sa babaeng pinakasalan.

“Bakit ba napakahalaga sa iyo ng bandanang iyan?” tanong ng lalaki.

“Dahil pamana pa ito sa akin ng yumao kong lola. May sentimental value ito sa akin,” sagot ni Lilian sa kaniya.

Makalipas ang ilang araw, bumisita sa bahay nila ang tiyuhin ni Jay na nagmula pa sa probinsya. Ikinagulat niya ang ipinakita nitong lumang litrato.

“Di ba sabi mo sa akin noon, gusto mong makita ang girlfriend ng lolo ng lolo ko, pamangkin? Ito, may nahalungkat pa akong litrato nila sa baul,” anito.

“Sige nga, tiyo, patingin ako,” sambit niya.

Nang ipakita sa kaniya ang lumang litrato ay laking gulat niya…

“Diyos ko, kahawig ni Lilian ‘yung babae sa litrato at nakasuot din ng bandana gaya ng suot niya!”

Pinagmasdang mabuti ng tiyuhin niya babae sa litrato.

“Oo nga ‘no! Kamukhang-kamukha ng asawa mo! P-pero imposibleng si Lilian mo naman ‘yan? Eh, panahon pa ng kupong-kupong ang litratong ‘yan,” sabi ng tiyuhin.

“Nahawig lang siguro kay Lilian ko, tiyo,” tugon na lang niya.

Minsan naman, nang dumalaw si Jay sa tiyahin niyang nasa Malabon ay mas lalo siyang nawindang nang may makita sa loob ng bahay nito.

“S-sino po ang nasa larawang iyan?” mangha niyang tanong.

“A, iyan ba? Larawan ‘yan sa kasal ng ninong ng lola ko. Kuha pa noong 1875,” sagot ng tiyahin niya.

“K-kahawig din ni Lilian ‘yung babae sa larawan at nakasuot din ng bandana sa ulo na tulad ng sa asawa ko. Ang dami namang kahawig ni Lilian at nabuhay pa noong unang panahon,” nagtatakang wika ni Jay sa isip.

Hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya. Paanong mangyayari na naroon sa lumang panahon ang asawa niya? Napaka-imposible talaga, kaya natitiyak niya na hindi si Lilian ang mga nasa lumang larawan.

Hanggang isang araw, may natuklasan siya sa mga lumang gamit ng kaniyang misis.

“A-ano ito? Mga litrato ni Lilian na iba’t ibang lalaki ang kasama at nakasuot din sa ulo niya ang bandana,” gulat niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga lumang litrato ni Lilian na nahalungkat niya sa aparador.

Mas ipinagtaka rin niya ang mga petsa sa litrato.

“P-pero ang petsang nasa litrato ay taong 1875 at 1900! Paanong nangyari ito?” mangha niyang tanong sa sarili.

Agad siyang nagkaroon ng hinala sa babaeng pinakasalan niya.

“Anong hiwaga mayroon si Lilian at ang suot niyang bandana? Kailangang tuklasin ko ito,” aniya pa.

Dahil sa nalaman ay agad niyang kinompronta ang asawa.

“Lilian! Anong ibig sabihin ng mga litratong ito?” galit niyang tanong.

“B-bakit nasa iyo ang mga iyan? Ang mga litrato kong pilit na itinago ay nakuha mo pa sa aparador?” gulat na tanong ni Lilian.

“Oo. Ang gusto kong malaman ay sino-sino ang mga lalaking ito na kasama mo sa mga litrato?” paangil na tanong ni Jay.

Hindi na magawang makapagsalita pa ni Lilian.

“A, eh…a-ano k-kasi, eh…”

Hindi na nakapagtimpi pa si Jay, sa labis na selos ay hinablot nito sa ulo ni Lilian ang kulay puting bandana.

“Ang l*ntek na bandanang ito, narito ang hiwaga ng buhay mo ‘di ba?” sambit ni Jay habang kumuha ng posporo.

Pinigilan siya ni Lilian sa balak niya.

“Huwag, Jay! Akin na ang bandana!” sigaw ng babae.

Sinindihan ni Jay ang posporo at sinunog ang bandana.

“Huwaag!”

Sa pagkawasak ng bandana…

“Huh?! T-tumatanda ang hitsura mo!” gulat na sabi ni Jay nang makita na biglang naging kulubot ang balat ng asawa.

At ipinagtapat na ni Lilian ang pinakatatago niyang lihim.

“Oo, Jay, sapagkat nasa bandanang ‘yan ang lihim ng buhay ko. Sa pamamagitan ng mahiwagang bandanang puti, ako ay hindi tumatanda. Nabuhay ako noon pang unang panahon, isang mabait na diwata ang nagbigay sa akin ng bandanang may mahika na kung sino man ang magsusuot ay magtataglay ng habang buhay na kabataan ngunit kapag nasira ang bandana ay maglalaho din iyon. Ngayon, wasak na ang bandana, tapos na rin ang pamamalagi ko rito sa mundo…paalam, Jay, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako kung inilihim ko sa iyo ang lahat,” bunyag ni Lilian na ‘di nagtagal ay binawian na rin ng buhay. Tuluyang naging kalansay ang babae.

“Patawarin mo ako, mahal ko, hindi ko kasi alam,” hagulgol niya habang yakap-yakap ang labi ni Lilian.

Labis ang pagsisisi ni Jay sa ginawa niya. Kung inintindi lamang niya ang sitwasyon at kinausap nang maayos si Lilian, buhay pa sana at kasama niya ang kaniyang mabait na asawa.

Advertisement