Inday TrendingInday Trending
Mahal na Mahal ng Dalaga ang Kaniyang Ama; Hindi Siya Makapaniwala sa Natuklasan sa Silid Nito

Mahal na Mahal ng Dalaga ang Kaniyang Ama; Hindi Siya Makapaniwala sa Natuklasan sa Silid Nito

“Via, anak, kain na tayo!” tawag ni Homer sa kaniyang anak, isang tanghali nang matapos siyang magluto ng kanilang pagkain dahilan upang agad itong magpunta sa kanilang kusina.

“Wow! Ang sasarap naman ng niluto mo, papa, at ang dami pa! Ano pong meron?” masayang pang-uusisa ni Via saka inamoy-amoy ang bawat putaheng niluto ng kaniyang ama.

“Ah, eh, nabalitaan ko kasing mataas ang nakuha mong marka ngayon, kaya ayan, nais kong ipagdiwang natin ‘yon,” sambit nito dahilan upang labis na tumaba ang kaniyang puso.

“Naku, kakaiba ka talaga, papa! Da best ka talaga! Ang swerte talaga ni mama sa iyo, ano? Sayang lang dahil maaga siyang kinuha, pero sigurado ako kung nabubuhay man siya, sobrang saya niya ngayon!” sambit niya na agad na ikinatuwa nito.

“Oo naman, anak, mantakin mo ‘yon, mabait na ako, napakagwapo pa! Kaya deds na deds sa akin ‘yon, eh,” wika nito habang hinihimas-himas pa ang makinis nitong mukha.

“Medyo mayabang lang,” biro niya dahilan upang sila’y maghalakhakan.

“Tumigil ka na nga, puro ka kalokohan! Kumain na tayo, dali, at baka lumamig pa ‘tong mga pagkain!” yaya nito saka siya inabutan ng plato dahilan upang tuluyan na silang kumain habang masayang nagkukwentuhan.

Maituturing perpekto na ang buhay ng dalagang si Heidi bago mawala ang kaniyang ina dahil sa sakit nito sa puso. Bukod kasi sa matagumpay nang mga negosiyante noon ang kaniyang mga magulang, pinaulanan pa siya ng mga ito nang labis na pagmamahal dahilan upang wala na siyang mahiling pa.

Ngunit nang mawala na ang kaniyang ina, unti-unti siyang nakaramdam ng kalungkutan at doon niya napagtantong wala talagang perperktong pamilya at buhay sa mundong ito.

Pero dahil sa pinapakitang katatagan ng kaniyang ama, unti-unti niya ring natanggap ang pagkawala nito at lalong napalapit dito.

Sa katunayan, simula nang wala ang kaniyang ina, tatlong buwan na ang nakalilipas, halos linggo-linggo siyang pinaglulutuan ng kaniyang ama ng mga paborito niyang pagkain at tuwing mayroon siyang maaabot na tagumpay, maliit man o malaki, ipinagdidiwang nito kaya naman ganoon na lang ang sayang tunay niyang nararamdaman.

“Maaga mang kinuha si mama, para bang andito pa rin siya dahil sa pinaparamdam na pagmamahal ni papa,” sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang ama niyang masayang kumakain sa tapat niya.

Noong araw na ‘yon, nang matapos silang kumain, agad na niyang hinugasan ang mga gamit na kanilang pinagkainan. Umalis na rin ang kaniyang ama upang dumalo sa isang pagpupulong dahilan upang labis siyang magtaka sa ingay na ginagawa ng aso niya.

“Si Papi talaga, wala namang kalaro, tahol nang tahol!” sabi niya saka agad na hinugasan ang kamay niya upang tignan ang alagang kanina pa gumagawa ng malakas na ingay.

Sinundan niya ang ingay nito at natagpuan niya ito sa silid ng kaniyang ama. May tinatahulan ito sa loob ng aparador kaya naman agad niya itong binuksan.

“Bakit ba, Papi? Wala namang kakaiba rito, oh, puro mga damit lang…” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagulat siyang makakapa ng door knob sa loob ng naturang aparador habang hinahawi ang mga damit na nakasabit dito.

Agad niya itong tinangkang buksan gamit ang kaniyang hair pin at laking tuwa niya nang matagumpay itong mabuksan.

Pagkabukas niya nito, sumalubong sa kaniya ang mabahong amoy dahilan upang bahagya siyang mapasuka, habang tuloy pa rin sa pagtahol ang kaniyang alaga.

Habang kinokondisyon niya ang sarili na huwag masuka, nakarinig siya ng mga kalampag kaya naman agad niya itong hinanap at laking gulat niya nang makita ang nawawala niyang tiyahing nakatali roon at puro pasa sa katawan.

“Vi-via, tumakas ka na rito at humingi ng tulong sa pulis, dalian mo, bago pa dumating ang walang puso mong ama na tumapos sa buhay ng nanay mo dahil sa negosyo!” uutal-utal na sabi nito habang umiiyak.

Dahil sa sobrang pagkataranta at pagkabigla sa mga bagay na natuklasan, hindi niya alam kung paano niya nagawang makapunta sa mga pulis.

Nanginginig niya itong inimbitahan sa bahay nila nang hindi man lang nagsasalita at nang makita ng mga ito ang tiyahing matagal nang nawawala, agad nang pinahanap ang kaniyang ama.

Nakita rin ng mga pulis sa silid na iyon ang huling damit na suot ng kaniyang ina at ilang pekeng dokumentong nagsasabing ito’y nawala dahil sa sakit ngunit ang totoo pala’y ito’y pinainom nito ng lason.

Hindi man niya alam ang gagawin, lalo pa’t mahal na mahal niya ang kaniyang ama, wala siyang magawa kung hindi ang ipahuli ito upang makuha ang hustisya ng yumao niyang ina.

Advertisement