Inday TrendingInday Trending
Nanlumo ang Ina nang Biglang Maaksidente ang Kaniyang Anak; Iyon Pala ang Magiging Daan Para Maabot nito ang Pangarap

Nanlumo ang Ina nang Biglang Maaksidente ang Kaniyang Anak; Iyon Pala ang Magiging Daan Para Maabot nito ang Pangarap

“Anak, bangon na at baka mahuli ka sa klase mo!” tawag ni Aling Linda sa kaniyang anak na si Gem.

“Opo, Inay.”

Dali-daling bumangon ang labing-dalawang taong gulang na si Gem. Ang kaisa-isang anak ni Aling Linda at ang tanging kasama niya sa buhay sapagkat ang kan’yang asawa ay maagang namaalam.

Mahal ng mag-ina ang isa’t-isa at nagtutulungan sila sa mga gawaing bahay. Masunurin, mabait at mapagmahal si Gem na labis na ipinagpapasalamat ni Aling Linda sa Poong Maykapal.

Puno rin ito ng pangarap. Isa sa mga mithiin ng dalaga ay makapunta siya sa ibang bansa upang makita ang kaniyang mga iniidolong artista.

Hinahayaan lamang ni Aling Linda ang anak sapagkat abot langit ang ngiti nito kapag napapanood na kumakanta at sumasayaw ang paboritong grupo na ngayon ay sikat na sikat sa buong mundo. Masaya siya kapag nakikitang masaya rin ang anak niya.

Laging ikinukwento ni Gem sa ina kung gaano kahusay kumanta ng napakagandang musika at sumayaw ng ang kaniyang mga iniidolo. Nagbitiw ng pangako si Gem na na mag-aaral siyang mabuti para makapunta silang dalawa sa South Korea at makadaupang palad ang kaniyang mga hinahangaan.

Pumasok si Gem na may ngiti sa labi matapos makapagpaalam sa ina. Sa kabilang banda, habang nagtitinda si Aling Linda sa palengke na siya nilang ikinabubuhay ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari at naroon ang kaba sa dibdib. Agad niyang inisip ang anak, gusto niya itong puntahan ngunit walang magbabantay sa kanilang paninda.

Makaraan ang ilang minuto ay biglang tumunog ang kan’yang telepono. Agad niya itong sinagot, pagkatapos makausap ang tumawag ay nabitiwan ni Aling Linda ang telepono dahilan upang mahulog sa sahig at mabasag. Tila bumagal ang pag-ikot ng kan’yang mundo sa narinig.

Hindi niya namalayan na dinala siya ng kan’yang mga paa sa paaralan kung saan nag-aaral ang anak. Nanginginig siya nang makita naiwan pang bakas ng pangyayari sa kalsada. Napahagulgol ito kaya nilapitan siya ng isang babae at tinanong.

“Misis, kayo ho ba ang ina ni Gem Baldovino?” tanong ng isang babae sa kaniya. Tumango siya rito.

“O-oo, nasaan ang a-anak ko? Nasaan si Gem?” nanginginig pang tanong niya.

Agad na pinasakay si Aling Linda sa sasakyan at nagtungo sila sa malapit na pagamutan. Doon ay nakita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng anak. Nakahiga ito sa higaan at duguan. May benda ang ulo nito na nagpaguho sa mundo ni Aling Linda.

Sinasabi ng doktor na maliit lang ang tyansa na mabuhay pa ito dahil sa namumuong dugo sa utak ng anak. Kailangan itong operahan sa lalong madaling panahon.

Hindi malaman ni Aling Linda ang gagawin. Wala silang sapat na pera at ’di niya alam kung saang kamay siya ng Diyos kukuha ng ipagpapagamot sa anak.

Isang araw, habang naghahanda si Aling Linda ng mga gamit na kaniyang dadalhin sa ospital ay bigla na lamang niyang nakita ang isang pamilyar na notebook. Pagmamay-ari iyon ng anak na si Gem.

Doon nito isinusulat ang mga kanta sa sarili nitong komposisyon. Naging inspirasyon kasi ni Gem ang kaniyang iniidolong grupo sa pagsusulat ng sarili niyang mga kanta sa pag-asang balang araw ay maiparirinig niya sa mga idolo ang mga iyon.

Naisipan ni Aling Linda na kuhanan ng litrato ang naturang notebook at i-p-in-ost niya iyon sa social media, kalakip ang kuwento ng sitwasyon ngayon ng kaniyang anak.

Dahil doon ay maraming mga kapwa nito tagahanga ng naturang grupo ang nag-share ng kaniyang post na kalaunan ay naging viral. Hanggang sa dumating sa punto na nakaabot na sa sikat na grupo ang naturang balita na agad namang nagbigay ng kanilang reaksyon!

Nagpaabot ng tulong ang mga ito kina Aling Linda at Gem at dahil doon ay nakakuha sila ng pambayad sa pagpapa-opera sa dalagita. Labis na natuwa si Aling Linda nang maging matagumpay ang operasyon ng kaniyang anak!

Nang magising si Gem ay ipinanuod ni Aling Linda sa kaniya ang mensahe ng mga kasapi ng grupong kaniyang hinahangaan. Walang paglagyan ng saya si Gem. Pakiramdam niya’y natupad ang kaniyang hiling. Lubos din ang pasasalamat sa ina dahil hindi ito umalis sa kaniyang tabi.

Bukod doon ay nagustuhan ng naturang grupo ang mga kantang kaniyang isinulat kaya naman nagpasiya ang mga ito na bayaran siya para doon. Nakatakdang ilabas ng mga ito ang kanilang panibagong album at isa sina Gem at Aling Linda sa kanilang VIP guests!

Advertisement