
Nagsusuka at Lumalaki ang Puson ng Dalagang ito, Hindi Siya Makapaniwala sa Pangyayaring Naging Dahilan nito
Ayos ka lang ba, Josephine? Narinig kong sumuka ka na naman kaninang umaga, ha? Hindi lang ako makatayo dahil sa sakit ng ulo ko, kakaidlip ko lang kasi no’n, eh,” tanong ni Gigi sa katrabahong kasama niya sa dormitoryo, isang hapon nang makita niya itong nagmemeryenda ng turon.
“Ayos lang naman ako, Gigi, hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito nitong mga nakaraang araw, tapos tignan mo, iba ang laki ng puson ko ngayon,” sagot ni Josephine saka ipinakita sa katrabaho ang kaniyang puson.
“Dinatnan ka na ba ng dalaw mo?” tanong nito, matapos hawakan ang kaniyang puson.
“Hindi pa nga, eh,” kamot-ulo niyang tugon.
“Hindi kaya nagdadalantao ka na, Josephine?” sambit nito na ikinatawa niya.
“Diyos ko, paano ako magdadalantao, eh, wala naman akong nobyo. Saka, alam mo namang wala pa akong sinusukuan ng bataan ko!” patawa-tawa niyang sagot dahilan upang bahagya na ring mapatawa ang katrabaho.
“Sabagay, mas mabuti na sigurong magpatingin ka na sa doktor baka mamaya, may sakit ka na sa matres, mahirap na kapag lumalala pa ‘yan,” payo nito sa kaniya.
“Oo nga, eh, balak ko na rin. Bukas, magpapatingin na ako, sakto wala akong pasok!” sagot niya saka na siya naghanda sa kanilang pagpasok sa trabaho.
Mag-iisang taon pa lang nagtatrabaho sa isang kilalang airline ng bansa ang dalagang si Josephine bilang isang flight attendant. Kahit sa maikling panahong nagtatrabaho sa naturang airline, marami na siyang nakapalagayan na loob na empleyado roon dahil sa kaniyang pagiging palakaibigan at kabaitan.
Sa katunayan, hindi na siya tinuturing baguhan doon dahil sa angking galing niya sa trabaho at pagiging magiliw sa kapwa empleyado at mga pasahero dahilan upang hindi siya nakalilimutang imbitahan ng kaniyang mga katrabaho sa tuwing may pagdiriwang, maliit man ito o malaking selebrasyon.
Ito ang dahilan upang sa loob upang halos linggo-linggo, siya’y lango sa alak at kasiyahan na labis niya namang ikinatutuwa. Pansin na pansin niya rin ang saya ng kaniyang mga katrabaho sa mga kalokohang ginagawa niya sa tuwing sila’y nag-iinuman.
Ngunit, nitong mga nakaraang buwan, hindi niya makondisyon ang sarili dahilan para hindi siya makasama sa mga pagdiriwang na nagaganap. Bukod kasi sa palagi siyang nahihilo sa trabaho at suka nang suka pagkauwi niya sa tinutuluyang dormitoryo, tila unti-unti pang lumalaki ang kaniyang puson na labis niyang ikinababahala.
Kinabukasan noong araw na siya’y payuhan ng katrabaho, agad siyang nagpatingin sa doktor at hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, “Wala ka namang sakit sa matres, Miss Josephine, sa katunayan nga, ikaw ay nagdadalantao. Tatlong buwan na siyang namamalagi sa sinapupunan mo,” dahilan upang labis siyang magulat at manlumo.
“Hindi maaari ‘to, sino ang nakabuntis sa akin?” tanong niya sa sarili habang wala sa sariling naglalakad pauwi sa kanilang dormitoryo.
Nadatnan niya roon ang kaniyang katrabahong abala sa pagluluto ng kanilang makakain. Agad nitong kinamusta ang resulta ng kaniyang pagpapatingin at halos malaglag ang panga nito nang sabihin niya ang balita.
“Hindi kaya may nakagalaw sa’yo noong nag-inom tayo at namalagi sa Cebu kasama sila captain?” tanong nito sa kaniya, nang makarkula nilang tatlong buwan na ang nakalipas simula noong sila’y mamalagi sa Cebu.
“Sino naman ang gagalaw sa akin doon, eh, si captain lang naman ang kasama nating…” napatigil siya nang mapagtantong ito lamang ang lalaki sa kanilang silid.
“Teka, lasing din kasi ako noon, tawagan ko lang ang iba nating kasama noong araw na ‘yon, tayong dalawa lang ang nag-inom no’n, hindi ba?” tanong nito sa kaniya dahilan upang mapatango na lang siya habang inaalala ang mga nangyari.
Mayamaya pa, dumating na ang dalawa nilang kapwa flight attendant, umiiyak ang dalawang ito habang paulit-ulit na sinasabing, “Nakita ko, ginalaw ka, ginalaw ako, ginalaw tayong lahat,” dahilan upang labis silang manlumo at manginig sa takot.
Ngunit dahil nga siya ang nagdalang tao sa pangyayaring iyon, nilaksan niya ang kaniyang loob upang makuha ang hustisya ng kanilang pagkababae.
Sinuplong niya ito sa kanilang kumpanya kinabukasan. Noong una’y hindi pa siya pinaniwalaan dahil tanyag na ang naturang pilotong iyon sa kanilang ahensya, ngunit nang ibahagi ng dalawa niyang kasamahan ang detalyadong pangyayari sa Cebu at sa tulong ng mga CCTV na naroon na nakahagip ng ilang pangyayari, napatunayang pinagsamantalahan nga sila nito.
Agad na tinanggal sa trabaho ang pilotong iyon at sinampahan ng kaso na labis nilang ikinatuwang apat.
Napagdesisyunan niya ring ipagpatuloy ang pagbubuntis dahil napagtanto niyang walang kasalanan ang bata. Nangako naman ang pilotong susuportahan ito gamit ang mga naipong pera sa naturang trabaho.
Hindi man niya alam kung paano matatanggal sa isip ang nakaka-traumang pangyayari, pinili niyang magpakatatag sa buhay para sa kaniyang sarili at mga mahal sa buhay.