Ganti ng Kalikasan

“May bago akong proyekto para sa’yo,” sabi ng manager ni Ricky at inilapag ang isang bungkos ng papel sa kaniyang harapan.

Napatalon siya sa gulat. Kanina pa kasi siya wala sa sarili. Iniisip pa rin ang balita na nabasa kanina.

“Isla Hermosa.”

Agad na nakuha ang kaniyang atensiyon sa sinabi nito. Yun ang balitang hindi mawala wala sa kaniyang isip.

“Yung isla na maraming namamat*y?” hindi na patanong ang kaniyang tono.

Alam niya na ang bagay na iyon. Nabasa niya na at narinig sa balita. Nakuha agad ang kaniyang atensyon, lalo na at ang paniniwala ng mga residente ay isinumpa sila diumano.

“Naniniwala ako na isinumpa kami ng taga-bantay ng dagat. Ang sirenang iyon. Nakita ng asawa ko! Sinabi niyang nakita niya ang sirena tapos bigla siyang namat*y!” umiiyak na sinabi nito.

Ang buong isla, iyon ang pinaniniwalaan.

Advertisement

“Ewan ko ba sa mga tao, hanggang ngayon nagpapaniwala pa rin talaga sa mga iyan! Sirena? Hindi totoo iyon!”

Kumunot ang kaniyang noo rito.

“Hindi ka pala naniniwala, e! Bakit mo binibigay sa akin? Malamang, nalason sila! Kaya namat*y!” pagpapahayag niya ng kaniyang sariling hinuha.

“Wala pang napapatunayan diyan. Hirap ang media na puntahan ang lugar. Tayo lang ang nakalusot, at dahil diyan ay dumami ang nanonood sa atin. Kaya dapat, madugtungan natin ang kwento,” sabi nito sa kaniya sa masayang tono.

Sumimangot si Ricky.

“Kung gusto mo palang malaman ang tunay na kwento diyan, bakit ako ang ipapadala mo? Hindi naman ako ang tamang tao para diyan. Feature writer ako, Len.”

“Kaya nga! Hindi naman kasi yung totoo ang kailangan ko, Ricky. Ang kailangan ko, misteryo. Magaling ka dun. Dapat magmukhang misteryoso lalo ang isla. Mas misteryoso, mas aabangan ng masa!”

Tumanggi siya sa sinabi nito. Sobra ang pagtutol. Ngunit wala na rin siyang nagawa kaya kinabukasan, madaling-araw pa lamang ay umalis na siya para tumulak si isla.

Advertisement

“Isla Hermosa po,” sinabi niya sa nagmamaneho ng motor.

Natigilan ito at lumingon sa kanya. “Bakit ho?” tanong niya kahit na nahuhulaan niya na ang rason sa likod nito.

“Sigurado kayo, ser? Dun talaga kayo pupunta? Turista ho ba kayo?”

Tumango siya sa tanong nito. Parte kasi ng trabaho niya na hindi sabihin ang tunay niyang propesyon.

“Di niyo ho ba nabalitaan? May krisis kasi dun. Maraming namamat*y, nalalason sa mga kinakain. Ang balita ko, dahil yun sa sirena na nagbabantay. Pinaparusahan ata kami.”

Kagaya ng nasabi sa balita, iyon ang sinasabi nito. Sirena ang dahilan.

“Hindi naman totoo yun! Wala namang sirena! Saka kung totoo man siya, bakit naman niya kayo paparusahan, ‘di ho ba?”

Kumamot ito sa ulo sa kanyang tanong. Ngumiti siya rito.

Advertisement

“Sige ser, basta ingat na lang kayo doon, ha!” ngumiti ang bangkero sa kaniya.

Ilang minuto pa ay narating niya ang napakagandang Isla Hermosa. Kung titingnan sa unang tingin ay mukha itong paraiso, ngunit alam niya na malayo iyon sa katotohanan.

Kabi-kabila ang nadaaanan niyang burol. Naghanap muna siya ng matutuluyan sa ‘di kalayuan bago nagtungo sa isang burol ng yumao. Ang pinakabagong biktima, si Mang Kulas.

“Magandang araw ho, ako si Ricky. Bibisita lang ho sana kaso mukhang hindi maganda ang pagkakataon,” paliwanag niya sa isang residente na nakikiramay rin.

Binigyan siya nito ng pagkain. Pulos tinapay kaya alam niyang ligtas kainin.

“Salamat ho.”

Nagtanong siya tungkol sa nangyayari sa isla, ngunit kagaya ng bangkero at sinabi sa balita ay iyon din ang sinabi nito.

“Naniniwala talaga ako na gawa ito ng sirena. Siya ang dahilan kung bakit ito nangyayari.”

Advertisement

“Eh, may nakakita na ho ba nung sirena?”

Iling ang sagot nito ngunit pinanindigan ang sinasabi. Paniwalang-paniwala talaga ito at kumbinsido.

“Sinumpa niya ang dagat para gantihan kami!” galit nitong turan.

Kinabukasan ay sumama siya sa pangingisda ni Manong Pepe. Tinanong niya kung bakit mangingisda pa rin ito kahit na mapanganib ngunit ang sagot nito ay: “Wala naman akong magagawa. Kailangan kong pakainin ang pamilya ko.”

Kaya nang araw na iyon ay sumama siya rito. Sa gitna ng karagatan, ay nagambala ang mapayapang panghuhuli ni Mang Kulas.

May isang malaking barko, malakas ang tunog galing dito. Umahon si Mang Pepe, habol ang hininga.

“Ano ‘yan?” Tanong nito habang nakatingin pa rin sa barko.

Unti-unti, dumaloy ang itim na langis galing dito. Mabilis na kumalat sa dagat na kanina lamang ay kulay asul sa linaw.

Advertisement

“Mang Pepe, ‘di ba sabi n’yo karamihan sa mga kasama niyo ay dito nanghuhuli sa parteng ito?” tanong niya habang nakamasid pa rin sa malaking barko.

“Oo. Bakit?”

Tumango siya at nabuo ang teorya sa isip. Teorya na kaya niyang patunayan.

“Walang sirena, Mang Pepe,” paliwanag niya.

Nang makabalik sa dalampasigan ay iyon agad ang kanyang isinulat. Hindi totoo ang sirena, walang sumpa sa karagatan.

Ang rason ng epidemiya ay pagkalason. Nalalason ang mga isda sa langis na ikinakalat sa dagat. Ngunit, sa huli, bumabalik ito sa mga tao.

Ang mga inosenteng tao na siyang nadadamay sa ilegal na gawain ng malalaking kompanya.

Isinulat niya ang artikulo at umani agad ito ng maraming atensyon pati na ng gobyerno na nangako na pagbabayarin ang mga responsable.

Advertisement

Naging leksyon naman ito sa lahat ng tao na wag pabayaan at abusuhin ang kalikasan dahil lahat ng ginagawa ay babalik sa mga tao sa bandang huli.