Inday TrendingInday Trending
Pinagsabihan ng Nurse ang Doktor Dahil Nanginginig Ito sa Nerbyos Habang Sinasagip ang Buhay ng Pasyente sa Emergency Room, May Mas Malalim Pala Itong Pinaghuhugutan

Pinagsabihan ng Nurse ang Doktor Dahil Nanginginig Ito sa Nerbyos Habang Sinasagip ang Buhay ng Pasyente sa Emergency Room, May Mas Malalim Pala Itong Pinaghuhugutan

Walong taon nang nurse si Geraldine sa ospital na pinapasukan. Sanay na siya sa mga kasamahang dumarating at nawawala rin kapag nakakita ng ibang ospital na mas malaki ang bayad, kadalasan ay nag aabroad ang iba, mas pinipiling maglingkod sa mga banyaga dahil mas malaki ang bigayan doon. Hindi naman niya masisisi ang mga kasamahan dahil may pamilyang umaasa sa mga ito. Siya naman ay dalaga pa, kaya mas pinipili niyang magsilbi sa kapwa Pilipino, sapat na sa kanya ang maliit na kinikita ng nurse dito sa Pinas. Isang gabi ay naka-assign sa emergency room si Geraldine, hindi naman palaging may isinusugod doon. Mas marami nga ang mga gabing tahimik lang at nililibang niya na lang ang sarili sa pagsasalansan ng files ng mga pasyente. Kadalasan sa mga kasama niyang doktor ay iyong mga bagong graduate, nagsisilbing practice ng mga ito ang emergency room. Nataranta ang lahat nang isugod sa ospital ang isang batang babae, sumasakit ang appendix ng bata. Dali daling rumesponde ang mga nurse, kitang kita naman ni Geraldine ang pamumutla ng doktor. Napailing na lang siya, siguro ay di pa ito sanay. Kita niya sa mga kamay nito, habang hinahawakan ang bata, habang iniinjectionan ito, na nanginginig ang doktor. Tagaktak rin ang pawis nito, at maluha luha pa. Hindi maiwasang mainis ni Geraldine, sa lahat ng nakasama niyang doktor ito ang pinakamahina ang loob. Hindi pwede iyon sa ganitong propesyon, sigurado naman siyang may mga training ito sa pag oopera at hindi ito ang first time nito kaya di maintindihan ng nurse kung bakit nagkakaganito ang lalaki. Buti na lang nailigtas nila ang bata. Nang masigurong malayo na sa peligro ang pasyente ay dali daling tumakbo ang doktor sa banyo. Paglabas nito, mukha itong nahimasmasan na kaya kinausap na ito ni Geraldine, mas matanda siya rito ng ilang taon. “Doc, pasensya na po pero I have to say this. Hindi po pwedeng ganyan kayo kahina lalo na sa trabaho po natin. Hindi po ito ang pinakamalalang makikita nyo, maari pa tayong mamatayan. Hindi na po yon bago.” sabi niya rito. “Naiintindihan ko, I’m sorry.” sagot lang nito. Lumapit na ito sa pasyente na noon ay medyo gising na. Sa gulat ni Geraldine ay hinawakan nito ang kamay ng pasyente. “Sana okay kana maymay..” sabi nito. Hirap man ay pinilit magsalita ng pasyente. “Okay na po ako, thank you po…kuya.” Ikinagulat ng nurse, kapatid pala nito ang pasyente! Sa kabila ng takot na mawala ang mahal sa buhay ay nagawa ng doktor na panindigan ang sinumpaan nitong propesyon, nagpakatatag ito at matagumpay na isinagawa ang panggagamot.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement