Inday TrendingInday Trending
Nagdalawang-Isip ang Doktora Na Iwan ang Kanyang Trabaho Para sa Anak, Isang Trahedya ang Nagmulat sa Kanya sa Katotohanan

Nagdalawang-Isip ang Doktora Na Iwan ang Kanyang Trabaho Para sa Anak, Isang Trahedya ang Nagmulat sa Kanya sa Katotohanan

Isang doktora si Joy sa pribadong ospital sa Manila, dalaga pa lamang siya ay pangarap na niya ang maging isang doktor katulad ng nanay niya. Habang tumatagal ay lalo siyang nagpupursigi para lalong mas maging proud ang kanyang ina sa kanya. Palagi kasi siyang kinukumpara ng ina sa successful nitong career noon. Ngunit ‘di maiiwasan ng karaniwang babae ang ma-inlove sa isang taong hindi niya inakalang mamahalin niya ng buong buhay niya. (Photo for illustration Sa una ay isa lang ito sa mga pasyenteng nagpapa-medical dahil isa iyon sa requirement nito abroad. Hanggang sa kinuha ni Jake ang number niya, at doon ay naramdaman niya na may gusto din ang lalaki sa kanya. Nagpatuloy ang pag-uusap nila sa text at madalas na rin itong tumawag sa kanya. Ilang buwan lang ang lumipas at sinagot na niya ang binata. Nagkaroon sila ng pormal na pagkikita para mag date at makapag-usap ng personal. Two years bago sila ikasal ay nabuntis siya sa kanilang panganay na anak na si baby James. Hindi naman hadlang ang kani-kanilang pamilya sa relasyon nila kaya’t walang naging problema, nagpasya naman si Jake na bumalik abroad para makapag ipon at mag-business nalang sa Pilipinas. Si Joy naman ay mas nagpursigi pa sa pagtatrabaho. Ngunit hindi niya maalagaan ng maayos ang kanyang anak hindi tulad ng kanyang mga nagiging pasyente. At yun ang nagiging problema nya sa sarili. Nagbigay ito ng lungkot sa kanya. Ngayon ay tinatanong niya ang sarili kung itutuloy pa ang pagtatrabaho para makamit ang pangarap na tularan at higitan pa ang kanyang ina sa pagiging doktor, o tumigil na para mabantayan at maalagaan ng buong buhay ang kanilang anak na si James. Hanggang isang araw, tumawag ang yaya ng bata. “Madam! Nagsusuka po si Baby James!” humahangos na sabi nito. Hindi nakakibo agad si Joy sa telepono, hindi siya makapaniwala sa narinig. Sanay naman siya sa mga pasyenteng nagkakasakit pero iba pala ang pakiramdam kapag anak na niya ang involved. “S-sige, papunta na ako manang!” sabi niya rito, dali dali siyang umuwi at dinala ang bata sa ospital. Galing na siya sa ospital at nagpabalik balik na siya pero ewan niya ba, magulo ang kanyang utak at tarantang taranta siya. Nabigyan agad ng lunas ang bata at umigi ang pakiramdam nito. Samantalang si Joy naman ay tulala sa tabi ng bata, wala siyang ibang maramdaman kundi pasasalamat. Alam niya, tinulungan na siya ng Diyos na magdesisyon. Isang dagok lamang ito upang maisip niya kung ano talaga ang mahalaga sa kanya, wala na siyang ibang pipiliin pa, kundi ang maging ina.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement