Inday TrendingInday Trending
Iniuwi at Ipinakilala ng Lalaki sa Anak ang Bagong Kasintahan Kasama ang mga Anak sa Unang Asawa; Kamalasan Pala ang Hatid ng mga Ito sa Kanila

Iniuwi at Ipinakilala ng Lalaki sa Anak ang Bagong Kasintahan Kasama ang mga Anak sa Unang Asawa; Kamalasan Pala ang Hatid ng mga Ito sa Kanila

Hindi makapaniwala si Carlito nang ipakilala sa kaniya ng amang si Tiofilo ang bago nitong kasintahan na si Georgia.

Ilang taon na rin nang sumakabilang buhay ang ina kaya naman malayang umibig muli ang ama. Hindi lang ipinakilala ang babae sa kaniya, sa malaki nilang bahay na rin nila ito pinatira kasama ang mga anak nito sa unang asawa na sina Diego at Cecile.

“Mula ngayon ay dito na sila titira, anak. Ituring mong tunay na ina ang Tita Georgia mo at mga kapatid sina Diego at Cecile,” sabi ng ama.

“Wala naman pong problema sa akin, papa,” tugon ng binata.

Sa una ay maayos naman ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya ngunit habang tumatagal ay nag-iiba ang ugali ng mag-iina lalong-lalo na ang mga anak nito.

“Hoy, Carlito, ipag-igib mo nga ako ng tubig at maliligo ako. Mahina ang patak ng tubig sa gripo kaya hindi ako makapagbuhos!” utos ni Diego.

Dahil sadyang mabait si Carlito ay sinunod niya si Diego na mas nakatatanda sa kaniya.

Isang araw, nang lumabas siya sa banyo at bagong ligo ay naabutan niya si Cecile sa kusina at nakaupo. Wala siyang kaalam-alam na pinagnanasaan pala siya ng dalaga. ‘Di kasi maipagkakaila na magandang lalaki si Carlito at may matipunong pangangatawan kahit disi-siyete anyos palang siya. ‘Di rin alintana ng binata na nakainom ang dalaga na biglang lumapit sa kaniya at biglang dinakma ang kaniyang harapan.

“Oops, teka, Cecile! Ano’ng ginawa mo? Hindi ‘yan tama, kapag nakita tayo ni papa at ni tita ay magagalit sila!” anas niya.

“Binata ka na, Carlito. Lalaki ka at may lib*g rin sa katawan kaya ano pang nirereklamo mo? Maganda ako at sariwa at isa pa, hindi naman tayo totoong magkapatid kaya puwedeng-puwede mo akong tikman. Alam mo ba na mula nang makilala kita ay nahumaling na ako sa iyo? Kaya please, pagbigyan mo na ako!” pang-aakit pa ni Cecile.

“Hindi! Mali ang gusto mong mangyari sa atin. Itinuturing kita na parang kapatid ko na kaya hindi maaari ang gusto mo!” pagtanggi ng binata.

Dahil sa sobrang napahiya sa pagtanggi niya ay nainis si Cecile at biglang sumigaw.

“Tulong, tulungan niyo ako! B-bitawan mo nga ako!”

Narinig ng kaniyang ama, ni Georgia at Diego ang sigaw ni Cecile.

“H-huwag kang sumigaw! Wala akong ginagawa sa iyo!” gulat na sabi ni Carlito.

“Anong nangyayari rito? Bakit ka nagsisisigaw, Cecile?” nagtatakang tanong ni Tiofilo.

“Pinagtangkaan po akong pagsamantalahan ni Carlito. Niyakap niya ako at pinaghahalikan!” mangiyak-ngiyak na sumbong ng dalaga.

“Ano? Totoo ba iyon, Carlito?” galit na tanong ng ama.

“Hindi po totoo iyan! W-wala po akong ginagawang masama, papa!”

“Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa kapatid mo, Carlito. Akala ko pa naman ay mabait ka, iyon pala ay isa kang mapagsamantala!” anas ni Georgia.

“Gag* ka pala, e! Manyakis ka pala? Kapatid ko pa ang napili mong bastusin!” sabad ni Diego na biglang sinuntok sa mukha si Carlito.

Napasalampak sa sahig ang binata.

“Wala akong ginagawang masama. Hindi totoo ang ibinibintang sa akin ni Cecile. Maniwala po kayo sa akin!” pagmamakaawa niya.

“Pagsabihan mo iyang anak mo, Tiofilo. Maayos kaming tumira rito tapos ngayon ay gagawan niya ng kahalay*n ang anak ko? Hindi ako makakapayag ng ganyan,” wika naman ni Georgia.

“Anak, hindi ko akalaing magagawa mo ito. ‘Di ba sabi ko sa iyo, ituring mo silang tunay mong kapatid? E, bakit pinagtangkaan mo ng masama si Cecile? Hindi kita pinalaking utak-kr*minal, pinalaki ka namin ng iyong mama ng may respeto at takot sa Diyos!” sabi ni Tiofilo sa anak.

“P-pero, papa…”

“Hindi ko ito mapapalampas. Lumayas ka sa bahay na ito. Ayoko muna kitang makita!” singhal ng ama.

Hindi makapaniwala si Carlito na palalayasin siya ng sariling ama at mas pinaniwalaan pa nito ang kasinungalingan ni Cecile.

Walang nagawa si Carlito kundi ang umalis. Kahit naman anong paliwanag at pakiusap niya ay hindi rin pakikinggan ng ama kaya lalayo muna siya. Ayaw niyang pasamain ang loob nito dahil alam niyang may sakit ito sa puso at baka ang labis na galit pa nito sa kaniya ang maging sanhi ng kamat*yan nito.

Kahit masakit ay lumayo siya at nakitira muna sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan. Ngunit lumipas ang isang buwan ay nagulat na lang siya nang mabalitaang pumanaw na ang ama. Hindi man lang sa kaniya sinabihan ng ina-inahan at ng mga anak nito sa nangyari. Nang pumunta siya sa burol nito ay walang habas siyang pinalayas ng mga ito.

“Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang ama mo! Kaya wala kang karapatan dito!” singhal ni Georgia.

“Mula nang umalis ka ay kami na ang nag-alaga at nagmahal kay papa kaya wala ka nang babalikan dito!” inis na sabi ni Cecile.

“Umalis ka na at baka tamaan ka ulit sa akin!” sabad naman ni Diego.

“Wala kayong karapatang palayasin ako sa burol ng sarili kong ama! Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tungkol dito? Anong nangyari sa kaniya?” lumuluha niyang tanong.

“Inatake siya sa puso dahil sa iyo! Sa sobrang sama ng loob niya sa iyo ay bigla na lang siyang inatake na naging sanhi ng kaniyang pagkawala,” sagot ni Georgia.

“At hindi niyo man lang ipinaalam sa akin? Nalaman ko na lang na naka-burol na si papa at pati sa sarili niyang burol ay ipinagkakait niyo pa sa akin?” aniya.

“Itinakwil ka na ng ama mo. Sinabi niya na kapag nawala siya ay ayaw niyang pupunta ka sa burol niya. Sinusunod lang namin ang huling habilin niya,” tugon pa ni Georgia.

“Hindi ako naniniwala. Hindi ‘yan magagawa ni papa!”

“Sorry, pero iyon ang katotohanan. Kaya mabuti pa ay umalis ka na rito. Baka naman gusto mo pang tumawag pa kami ng mga pulis para ipadampot ka? Baka nakakalimutan mo, isang sumbong lang ni Cecile sa mga pulis tungkol sa tangka mong pananamantala sa kaniya. Ayaw mo naman sigurong maghimas ng rehas ‘di ba?” pananakot pa ng ina-inahan.

Dahil ayaw niyang bigyan ka pa ng kahihiyan ang burol ng ama, kahit labag sa loob niya ay lumisan siya roon na puno ng hinanakit at pagtangis. Hindi man lang niya nasilip ang ama. Napagdesisyunan niya na irespeto na lang ang burol ng yumaong ama at hindi na nakipagtalo pa sa ina-inahan at sa mga anak nito.

Nang sumunod na araw ay isang ‘di inaasahang bisita ang pumunta sa bahay ng kaniyang kaibigan kung saan siya pansamantalang tumutuloy.

“A-aling Melba? Anong ginagawa niyo rito?” nagtataka niyang tanong sa matandang babae na isa sa kasambahay nila.

“Patawarin mo ako, Senyorito Carlito. Hindi ko na kayang itago pa ang katotohahan sa iyo. Kailangan mong malaman ang tunay na nangyari sa papa mo,” hayag ng babae.

“Ano pong ibig niyong sabihin?”

May iniabot na isang sulat sa kaniya ang matanda. Nang tingnan niya iyon ay sulat kamay iyon ng kaniyang ama. Nang basahin niya ang nilalaman ay laking gulat niya sa natuklasan. Nakalagay sa sulat na mula nang umalis siya bahay ay bigla na lamang nanghina ang pangangatawan ng kaniyang ama na halos hindi na makabangon sa kama, iyon pala ay natuklasan nito na unti-unti itong nilalason ni Georgia at ng mga anak nito. May inihahalong gamot ang mga ito sa pagkain ng ama kaya unti-unti itong nanghina.

Nang matuklasan nito ang ginagawa ng mag-iina ay inamin ng mga ito na gusto ng mga ito na mawala na ang ama para sa kanila mapunta ang malaking bahay at ari-arian nila. Ibinunyag ng matandang babae na ginawa ng kaniyang ama ang sulat bago ito atakehin sa puso na kagagawan din ng mag-iina dahil sinabi ng mga ito na hindi totoong pinagtangkaan niyang halay*n si Cecile kaya sa sobrang sama ng loob ay inatake sa puso ang ama na tuluyang kum*til sa buhay nito. Bago pa man iyon naganap ay naibigay na ni Tiofilo kay Aling Melba ang sulat para ibigay sana sa kaniya. Kinausap din daw ni Georgia ang matandang babae na magpakalayo-layo na at manahimik sa mga nangyari. Binayaran din ang kasambahay ng malaking halaga para hindi magsalita ngunit inaming inusig ng kunsensiya kaya nagawang ipagtapat na sa binata ang buong katotohanan.

Labis ang galit at pagkamuhi ni Carlito sa ina-inahan at mga anak nito kaya hindi siya papayag na magawa ng mga ito ang inaasam kaya palihim niyang kinausap ang abogado ng kanilang pamilya para isiwalat ang kaniyang nalaman.

Isang araw ay nagulat na lamang ang mag-iinang Georgia, Diego at Cecile nang biglang dumating si Carlito sa burol kasama ang kasambahay na si Aling Melba at pulis.

“Anong ibig sabihin nito, Carlito at nagsama ka pa ng mga pulis at…” sabi ni Georgia ngunit nang makita nito ang matandang babae ay bigla itong kinabahan.

“Alam ko na ang ginawa niyong kasamaan. Kayo ang totoong pumasl*ng kay papa. Inamin niya sa akin sa sulat na ito!” At isinampal sa mukha ng ina-inahan ang sulat na ginawa ng ama.

“Ang akala niyo siguro ay maitatago niyo ang kasamaan niyo? Inamin na rin sa akin ni Aling Melba ang mga kahay*pan niyo at masamang balak. Ngayon, kayo ang magbabayad sa mga ginawa niyo kay papa!” singhal niya.

Labis ang pagsisi ng ina-inahan at ng mga anak nito na humingi pa ng tawad sa kaniya ngunit sa mga oras na iyon ay hindi niya pa kayang gawin iyon sa sobrang sakit ng idinulot ng mga ito sa kaniyang pamilya kaya hinayaan niya ang mga alagad ng batas na arestuhin ang mga masasamang budhi. Nakulong ang mag-iina at pinagdusahan sa kulungan ang mga nagawang kasalanan.

Panatag na si Carlito dahil nabigyan na niya ng katarungan ang pagkawala ng ama. Siya na rin ang nag-asikaso sa burol at libing nito.

“Patawad, papa, kung wala ako noon sa tabi mo. Wala na po akong sama ng loob sa inyo dahil nasiwalat na ang katotohanan at napagbayad na ang mga may sala. Hangad ko po ang inyong kapayapaan sa kabilang buhay. Mahal na mahal ko kayo ni mama, papa. Darating ang panahon na magkakasama ulit tayo,” lumuluha niyang sabi bago umalis sa puntod ng ama.

Advertisement