Inday TrendingInday Trending
Palaging Sinasaktan ng Lalaking Kapitbahay ang Kasama Nitong Babae; May Madilim Palang Sikreto Silang Itinatago

Palaging Sinasaktan ng Lalaking Kapitbahay ang Kasama Nitong Babae; May Madilim Palang Sikreto Silang Itinatago

Lumaking tahimik, matalino at mabait na anak si Gerard ngunit marunong siyang ipagtanggol ang sarili sa mga taong nagtatangkang umabuso sa kaniyang kabaitan. Ayaw na ayaw rin niya na may naaagrabyado sa kaniyang paligid lalo na ang kaniyang pamilya.

Isang araw, napansin ng mga magulang niya na may bagong lipat sa katapat nilang bahay.

“Gerard, anak, tingnan mo iyong mga bagong dating. Kay ganda nung babae na kasama nung guwapong lalaki na bagong lipat sa kabilang bahay,” wika ng inang si Aling Onia.

“Oo nga, maganda nga! Pero mas mukhang bagay kayo nung babaeng iyon kaysa dun sa lalaki,” nakangising sabi ng amang si Mang Roque.

“Inay, itay, hindi naman natin kilala ang mga iyan, e. Malay niyo ba kung masasama ang ugali ng mga iyan,” sagot ng binata.

“Naku, anak, huwag mo muna sila husgahan. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi pa natin sila lubos na kilala,” sabi ng ina.

“Hindi ko naman po sila hinuhusgahan, inay. Ang akin lang, hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga mayayaman dahil ang karamihan sa kanila ay mga mapagmataas at mahilig mag-agrabyado sa kapwa,” ani Gerard.

“Teka, paano mo naman nalaman na mayaman ang mga bagong lipat na iyon, anak?” nagtatakang tanong ng ama.

“Itay, halata naman sa mga suot nila at sa sasakyan nila, e,” tugon niya.

Kinagabihan ay biglang nagising sa mahimbing na pagkakatulog si Gerard sa mga ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Nakarinig siya ng mga boses na nagsisigawan. Dali-dali siyang bumangon sa kama para silipin sa bintana ang nangyayari. Kitang-kita niya kung paano saktan ng bago nilang kapitbahay na lalaki ang magandang babae na kasama nito. Ayaw pa naman niya na may inaagrabyadong babae lalung-lalo na at sinasaktan pa ito kaya agad siyang lumabas ng bahay at sinugod ang nagwawalang lalaki.

“Hoy, babaeng tao ‘yan pinapatulan mo? Humanap ka ng katapat mo!” sigaw niya rito.

Tiningnan siya nang masama ng lalaki.

“Ano bang pakialam mo? Huwag kang mangialam dito, tarant*do ka!” sagot ng lasing na lalaki.

“Please, huwag mo kaming pakialaman. Nakainom lang siya kaya ganiyan siya,” wika naman ng babae.

Mayamaya ay pahablot na hinila ng lalaki ang braso nito at sapilitang ipinasok sa loob ng bahay.

“Sa uulitin ay huwag kang nangingialam ha, g*go!” anito bago tuluyang isinara ang gate.

Pinigilan na lang ni Gerard ang matinding galit na nararamdaman ng mga oras na iyon. Simula nang masaksihan niya ang pananakit ng lalaki sa babae ay nagkaroon na siya ng interes rito. Nag-alala siya na baka maulit ulit ang ginawa ng lalaking iyon sa kasama nitong babae.

Nang sumunod na gabi ay nakarinig na naman siya ng mga kalabog at sigawan sa loob ng malaking bahay. Maging ang kaniyang mga magulang ay naalarma sa kaguluhang iyon kaya nagmamadali silang sumugod roon. Naabutan pa nilang nakabukas ang gate ng bahay at magulo ang mga gamit sa loob. May mga nabasag pang mamahaling vase sa sahig. Nakita nila sa isang sulok ang babae, nakaupo at halatang takot na takot. Kitang-kita nila ang duguang mukha ng babae na puno ng pasa at puno rin ng latay at sugat ang bawat parte ng katawan nito.

“Anong nangyari sa iyo, magsalita ka! Sinaktan ka naman ba nung lalaking iyon?” nag-aalalang tanong ni Gerard.

“Diyos ko, anong nangyari sa iyo hija?” sabi ni Aling Onia.

“Sinong may gawa sa iyo niyan? ‘Yung lalaki bang kasama mo rito?” ani Mang Roque.

“Parang awa na ninyo. Umalis na kayo rito. Hindi ninyo kilala si Lance, baka mapahamak lang kayo,” maluha-luhang sabi ng babae.

“Hindi kami aalis hangga’t hindi ka namin naililigtas kaya halika na!” nagmamadaling inalalayan ni Gerard palabas ang babae.

“Hindi ninyo ako kailangang tulungan, umalis na kayo at baka maabutan pa niya kayo!”

Dahil sa matigas ang ulo nito ay puwersahan na siyang binuhat ni Gerard ngunit hindi pa man sila nakakalabas ng bahay ay biglang sumulpot sa pinto ang lalaking kasama ng babae at galit na galit ito nang makita sila roon.

“Anong ginagawa mo rito? Ikaw na namang lalaki ka? Bitawan mo si Polette!” sigaw ng lalaki.

Hindi naman nito namalayan na nakalabas na ng bahay ang mag-asawang Roque at Onia. Dumaan ang mga ito sa likod bahay. Nagmamadali ang dalawa na nagpunta sa presinto para isumbong ang nangyayari.

“Napaka-hayop mo talaga, walang kalaban-laban sa iyo itong babae. Paano mong nagawa na saktan siya nang ganito?” gigil na tanong ni Gerard.

“Kung hindi ka ba naman tanga! Pilit mong ipinagtatanggol ang babaeng iyan. Wala naman kuwenta iyan. Dapat lng sa kaniya ang paghihirap na dinadanas niya. Kulang pa nga iyan, e!” tatawa-tawang wika ni Lance.

“Tama na, tumigil na kayo! Ikaw, umalis ka na sabi at iwan mo na kami!” pakiusap ng babae.

“Sorry ha, pero nanggigigil na ako sa lalaking ‘to, e. Bibigyan ko muna ng matinding leksyon,” sabi ni Gerard habang ibinaba sa pagkakabuhat si Pollete.

“Akala mo siguro ay natatakot ako sa iyo, nagkakamali ka,” ani Lance na bumunot ng baril sa likod ng suot na pantalon. “Mahilig ka rin lang mangialam, pagbabayaran mo ang pagiging pakialamero mo!”

Bago pa man naitutok ng lalaki kay Gerard ang hawak na baril ay mabilis nitong sinipa ang kamay ni Lance kaya nabitawan nito ang hawak na baril. Walang habas niyang pinagsusuntok sa mukha ang lalaki hanggang sa hindi na ito nakatayo pa. Bugb*g-sarado si Lance kay Gerard ng gabing iyon. Kahit payat at hindi katangkaran ang binata ay mahusay itong makipaglaban. Walang binatbat ang tangkad at laki ng katawan ni Lance.

Nakalabas na sila ng bahay nang dumating ang mga pulis kasama ang kaniyang mga magulang. Agad na dinakip ang lupaypay na si Lance sa tindi ng bugb*g na iginawad rito ni Gerard.

Kinausap naman ng binata si Pollete kung bakit kahit sinasaktan na ito ng lalaki ay nagawa pa rin nitong magbulag-bulagan sa mga ginagawa nito.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Ano bang relasyon mo sa lalaking iyon. Asawa mo ba siya?” pag-uusisa ng binata.

“Hindi ko siya asawa. K-kapatid ko si Lance. Anak siya ng isang mayamang negosyanteng si Don Mariano Alcantara. Siya ang tunay at legal na anak samantalang ako ay anak lang sa labas ni Don Mariano. Anak ako ng aming ama sa isang kabit. Nang malaman ng kaniyang ina na nagkaanak ang ama namin sa isang hamak na kabit ay inatake ito puso at namat*y. Dahil sa sobrang kalungkutan ay nagkasakit naman ang aming ama at ‘di nagtagal ay binawian rin ng buhay. Hindi naman natanggap ng aking ina ang nangyari kaya sa sobrang pagmamahal niya sa yumao naming ama ay nagpatiwak*l rin si inay. Sinisi naman ako ni Lance sa lahat ng kamalasang nangyari sa pamilya niya kaya ginawa niyang miserable ang buhay ko. Tinanggap nga niya ako sa buhay niya pero ginawa naman niyang impyerno ang buhay ko. Araw-araw niya akong sinasaktan, binubugb*g. Araw-araw niyang pinapaalala at pinaparanas sa akin ang lahat ng sakit ng ginawa ng aming ama sa kaniyang ina. Hndi lang niya ako binubugb*g, ilang beses din niya akong pinagsamantalahan. Paulit-ulit niyang ginamit ang aking katawan. Hindi ko rin siya naman siya masisisi sa lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sa akin dahil ang aking ina ang may kagagawan ng lahat ng nangyaring kamasalan sa pamilya niya kaya tama lang na ang ang naging pambayad-utang,” bunyag ng babae.

Hindi pa rin makapaniwala si Gerard sa ipinagtapat ni Pollete sa totoong pagkatao nito. Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Lance sa babae at nagagawa na palaging saktan ay dahil sa pinaghihigantihan nito ang sariling kapatid sa ginawa ng ina nitong paninira sa pamilya nito.

Nakulong si Lance at pinagbayaran nito sa batas ang lahat ng kasalanang ginawa. Nakalaya na nang tuluyan si Pollete sa kamay ng malupit na kapatid at nagsimula nang magpalayu-layo para magbagong buhay at kalimutan ang lahat ng nangyari.

Nagpasalamat naman ang dalaga sa ginawang pagtulong ni Gerard sa kaniya at nangako ito na babalik para mas makilala pa nila ang isa’t isa.

Advertisement