Inday TrendingInday Trending
Nag-Honeymoon ang Mag-Asawang Bagong Kasal sa Lumang Bahay ng Lalaki sa Probinsya; Nakalulungkot na Pangyayari pala ang Mararanasan Nila Roon

Nag-Honeymoon ang Mag-Asawang Bagong Kasal sa Lumang Bahay ng Lalaki sa Probinsya; Nakalulungkot na Pangyayari pala ang Mararanasan Nila Roon

Isang linggo pa lamang na naikasal sina Oliver at Mariette. Masayang-masaya ang mag-asawa dahil sa wakas ang pangarap nilang maikasal sa simbahan ay natuloy rin. Matagal nila itong pinag-ipunan at pinaghandaan kaya labis ang kasiyahang nadarama ng dalawa.

Agad na pumunta ang mag-asawa sa lugar ng kanilang honeymoon. Pumunta sila sa ancestral house ng pamilya ni Oliver sa Batangas. Napagkasunduan nila na doon nila gustong mag-honeymoon dahil bukod sa tahimik ay maganda ang lumang bahay na iyon ng mister.

“Ano, napagod ka ba sa biyahe, darling? Gusto mo ay magpahinga muna tayo?” tanong ni Oliver.

“Okay lang naman ako, darling. Nagutom lang ako sa biyahe natin,” tugon ng asawa.

“Hayaan mo at ipagluluto kita ng masarap na pagkain. Marami akong dinalang pagkain sa sasakyan. Magpahinga ka na muna sa kwarto at maghahanda lang ako ng lulutuin,” ani Oliver.

Matapos makapagluto ay sabay na kumain ang mag-asawa at pagkatapos ay sabay nang nagpahinga. Sa sobrang pagod ay agad na nakatulog ang dalawa. Nakalimutan na nila na honeymoon nila nang gabing iyon.

Maya-maya ay may nagbukas ng pinto sa sala. Hindi alam ng mag-asawa na pinasok sila ng mga ‘di kilalang mga lalaki. Dahil sa mga kaluskos na narinig ay nagising si Oliver at nakita ang limang lalaki na nakapasok sa loob ng bahay.

“Anong ginagawa niyo rito? Sino kayo?” malakas na tanong ni Oliver.

“Kumusta na, Oliver? Hindi mo na ba ako natatandaan? Ang dali mo namang makalimot!” sabi ng isang lalaki na tila lider ng grupo.

Nabigla si Oliver nang makilala ang lalaki.

“C-Carlos? A-anong ginagawa mo rito? B-bakit alam mong narito kami?” nauutal niyang tanong.

“’Di ba sinabi ko na sa inyo na hindi ako basta-basta susuko. Ang akala mo siguro ay masosolo mo na si Mariette? Ang akala mo’y nanalo ka na? Puwes, hinding-hindi iyan mangyayari!” tugon ng lalaki.

Agad na pinagtulungan ng apat na kasamang lalaki si Oliver at halinhinang binugbog.

“Ughh…walang hiya ka, Carlos! Hinding-hindi ko hahayaan na may gawin kang masama sa aking asawa!” hiyaw ni Oliver kahit na pinahihirapan siya ng mga kasama ng lalaki.

Biglang nagising si Mariette sa malakas na boses na narinig niya kaya nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Nagulat at natakot ang babae nang makita ang ang ‘di inaasahan nilang bisita.

“C-Carlos? A-anong ginagawa mo rito? Bakit niyo sinasaktan si Oliver? Tigilan niyo ang pananakit sa asawa ko!” hiyaw ng babae.

“Ang akala niyo siguro ay masaya na kayong dalawa dahil ikinasal na kayo, nagkakamali ka, Mariette. Pagsisisihan mo na hindi ako ang pinili mong pakasalan!” wika ni Carlos.

“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi kita mahal, Carlos?! Si Papa lang naman ang may gustong maikasal tayo , pero hindi ko matuturuan ang puso ko dahil si Oliver ang totoong mahal ko!” tugon ni Mariette.

Si Carlos ang masugid na manliligaw ni Mariette noon na anak ng matalik na kaibigan ng ama ng babae. Gustung-gusto ng ama ni Mariette na ito ang mapangasawa niya ngunit ibang lalaki ang itinitibok ng puso ni Mariette at iyon ay walang iba kundi si Oliver.

Mabilis na niyakap ni Mariette ang bugbog-sarado niyang mister.

“Pakiusap, Carlos, tama na! Tigilan niyo na si Oliver. Huwag niyo na siyang saktan!” pagsusumamo ng babae habang umiiyak.

Sa inis ni Carlos ay dinukot nito ang bitbit na baril sa bulsa ng pantalon at itinutok kay Oliver.

“Ano kaya kung pasabugin ko na ang ulo ng lalaking iyan para wala na akong kaagaaw sa iyo?” natatawang sabi ni Carlos.

Malapit nang kalabitin ng lalaki ang gatilyo nang biglang lumuhod sa harapan niya si Mariette at patuloy na nakiusap.

“Huwag, huwag, maawa ka Carlos! Pakiusap huwag! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang sasaktan si Oliver!” hagulgol ni Mariette

Napangisi si Carlos.

“Lahat, gagawin mo?” tanong ng lalaki.

“Oo! Huwag mo lang siyang sasaktan!”

Walang anu-ano ay agad na hinila ni Carlos si Mariette sa kwarto at pinagsamantalahan. Walang nagawa ang babae sa pananamantala ng lalaki. Hindi na mahalaga sa kaniya ang nawalang puri at pagkabirhen na dapat ay sa asawa niya inilaan, ang mahalaga sa kaniya ngayon ay mailigtas ang pinakamamahal na kabiyak kahit pa siya ang magdusa.

Nang makaraos ay saka nilubayan ni Carlos ang babae. Gaya ng napagkasunduan ay hindi na ginalaw pa ni Carlos si Oliver na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring malay sa sobrang bugbog na ginawa ng mga tauhan nito. Nakangising umalis si Carlos kasama ang mga tauhan, tuwang-tuwa na siya ang nakauna kay Mariette. Nang makaalis ang grupo ni Carlos ay agad na ginising ng babae ang asawa.

“D-darling, darling, wala na sila, umalis na sila!” aniya sa humihikbing tinig.

Nang imulat ng lalaki ang mga mata ay agad na kinamusta ang asawa.

“Nasaan ang hayop na Carlos na iyon? Anong ginawa nila sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.

“W-wala, darling. T-tinakot lang ako ni C-Carlos na papat*yin ka niya, p-pero hindi naman niya itinuloy. N-nagmakaawa ako sa kaniya at ayun umalis na sila,” palusot niya.

Niyakap siya nang mahigpit ni Oliver.

“Salamat at wala silang ginawang masama sa iyo, lalong-lalo na ang Carlos na iyon!” anito.

Pilit na itinago ni Mariette kay Oliver ang buong pangyayari nang gabing iyon hanggang sa makabalik sila sa Maynila.

Makalipas ang ilang linggo ay balik sa normal ang lahat. Hindi na sila nagsampa pa ng reklamo kay Carlos at sa mga kasama nito, mas pinili nilang manahimik para na rin sa ikatatahimik ng kanilang buhay. Alam nilang maimpluwensya ang pamilya ni Carlos kaya kinalimutan na lang nila ang mga nangyari.

Dumating ang araw na naisipan ng mag-asawa na ituloy na ang naudlot nilang honeymoon. Matapos na may mangyari sa kanila ay laking pagtataka ni Oliver sa natuklasan sa asawa.

“H-hindi ka na birhen?” gulat nitong tanong.

Napahagulgol na lang si Mariette sa sinabing iyon ng mister.

“Aminin mo sa akin, may iba bang nakauna sa iyo bago ako?” may galit sa tono ng lalaki.

Hindi na kayang paglihiman pa ng babae ang mister kaya ibinunyag na niya rito ang masakit na katotohanan.

“Nang gabing pinuntahan tayo ng grupo nina Carlos sa Batangas ay walang awa niya akong pinagsamantalahan. Pinagtangkaan niya ang buhay mo, Oliver kaya hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama sa iyo. Hinding-hindi ako papayag na mawala ka sa buhay ko kaya ipinaubaya ko ang aking sarili sa hayop na iyon para mailigtas lang kita sa kapahamakan. Patawarin mo ako kung itinago ko ang totoong nangyari. Nasa iyo na ang desisyon kung kaya mo pa rin akong pakisamahan kahit hindi na ako birhen,” hagulgol ng babae.

Napaiyak na rin ang lalaki sa ipinagtapat ng asawa.

“Ba-bakit mo inilihim sa akin ang ginawang kahay*pan ni Carlos? Sana ay sinabi mo sa akin para nagbayad ang hay*p na iyon!” maluha-luhang wika ng lalaki.

“Ipinasa-Diyos ko na lang ang lahat. Ayoko na kasing balikan pa ang nangyaring iyon sa atin kaya pinilit kong kalimutan ang lahat.”

“Anuman ang nangyari sa iyo ay hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko sa iyo, Mariette. Mahal na mahal kita. Kung hindi mo ako hinayaang mapahamak at hindi pinabayaan nung gabing iyon ay mas lalo kitang hindi iiwan at papabayaan ngayon dahil mag-asawa na tayo at magkasama na tayo sa hirap at ginahawa.” anito.

“Salamat, mahal ko!” himihikbing sabi ni Mariette.

Masuyong hinalikan ni Oliver ang asawa sa labi at magdamag na ipinalasap rito ang tunay na kaligayahan.

Nagsampa ang mag-asawa ng kasong kriminal laban kay Carlos at sa mga kasama nito. Agad namang nadakip ang mga ito at pumanig naman sa kanila ang hustisya kaya nakulong si Carlos at ang mga kaibigan ng lalaki. Matapos iyon ay panatag na ang mag-asawa dahil nakamtan na nila ang katarungan na nararapat sa kanila.

Advertisement