Inday TrendingInday Trending
Sinubukang Akitin ng Dalaga ang Kaniyang Pinsan; Magtagumpay Kaya Siya sa Masamang Plano?

Sinubukang Akitin ng Dalaga ang Kaniyang Pinsan; Magtagumpay Kaya Siya sa Masamang Plano?

“Ito na ba si Angela? Ang ganda at ang tangkad mo na, ah!”

“Oo, malaking bulas talaga ang batang iyan! Manang-mana sa akin siyempre!”

Kauuwi lang galing sa Bicol ni Manolo. Pumunta siya sa Maynila para dalawin ang kaniyang tiyahin at ang pamilya nito. Matagal niyang hindi nakasama ang mga ito at iba niyang kamag-anak dahil sa probinsya siya nagtatrabaho kaya susulitin niya ang isang linggo niyang leave sa opisina. Sa kaniyang pagdating ay una niyang napansin ang pinsan na si Angela. Anak ito ng kaniyang tiyahing si Milagros. Bumungad kasi sa kaniya ang magandang mukha ng dalaga.

“Kumusta, Kuya Manolo?” medyo nahihiyang bati ng pinsan niya.

“Noong huli kitang makita ay uhugin ka pa, pero ngayon ay ang ganda-ganda mo na!”

Napangiti at pinamulahan ng pisngi si Angela. Hindi kasi ito sanay na napupuri ngunit ‘di maikakailang sumilay sa labi ng dalaga ang kakaibang ngiti nang makita si Manolo. Hindi kasi maipagkakaila na guwapo at matipuno ang binata na sa edad na trenta y uno ay wala pa ring nobya o asawa.

Nang minsang papasok sana sa banyo ang dalaga ay hindi sinasadyang nakabukas ang pinto at nakita nitong nakasuot lang ng underwear ang pinsang lalaki dahil kakatapos lang nitong maligo.

“Oops, sorry, Kuya! Akala ko ay walang tao!” gulat na sabi ni Angela.

“Wala iyon! Ako naman ang may kasalanan, e. Dapat kasi dun na ako nagbihis sa kwarto,” anito.

Hindi doon natapos ang engkwentro nilang magpinsan dahil isang gabi, nang lumabas sa kwarto si Manolo para kumuha ng tubig sa kusina ay nakita niyang nakaawang ang pinto sa banyo at nakabukas ang ilaw.

Nakarinig siya ng ungol na nagmumula sa loob ng banyo.

Dali-dali siyang pumasok sa loob at laking gulat niya nang makita ang pinsang si Angela na nagsasariling-sikap habang nakaupo sa inidoro. Gulat na gulat at halos mawindang si Manolo nang makita ang ginagawa ng pinsan. Agad niya itong sinaway at dali-daling tinakpan ng tuwalya ang harapan ng dalaga.

“B-bakit mo ginagawa iyan dito?” gulat niyang tanong.

“Kuya? Kasi… ano, e!” halos magkanda-utal ang dalaga. Hindi malaman kung ano ang isasagot.

“Bakit mo ginagawa iyan? Hindi ka ba natatakot na baka may makahuli sa iyo? Babae kang tao, dapat ay hindi mo iyan ginagawa sa sarili mo!” galit na sabi ni Manolo.

“Sorry, kuya! Hindi ko na kasi napigilan e!”

“Napigilan ang ano?”

“M-mula nang dumating ka, kuya, ay labis-labis ang aking kasiyahan! Aaminin ko sa iyo na mula pa noong bata pa ako ay crush na crush na kita at ngayong beinte tres na ako, hindi pa rin nawala ang pagkagusto ko sa iyo, Kuya Manolo! Kaya nung nakita kitang nakahubad at naka-underwear lang ay ‘di ko napigilan na mag-init ang katawan ko. Alam ko namang imposible na may mangyari sa atin dahil magpinsan tayo, kaya ganito na lang ang ginagawa ko!” bunyag nito.

Nagimbal si Manolo sa ginawang pag-amin ng pinsan na mayroon itong pagtangi sa kaniya. Pagtangi na may halong kamunduhan.

“Hindi iyan tama, Angela! Magpinsan tayong dalawa, anak ka ng kapatid ng nanay ko, magkadugo tayo kaya kalimutan mo na iyang nararamdaman mo sa akin!” sabi niya sa kausap.

Nang bigla siya nitong niyakap nang mahigpit. Naramdaman niya ang nag-iinit nitong katawan na dumapi sa kaniyang balat. Bilang lalaki ay may naramdam din siyang init sa kaniyang katawan.

“Mahal kita, Kuya Manolo! Noon pa man ay mahal na kita!”

Pilit siyang nagpumiglas sa pagkakayakap ni Angela ngunit sadyang mapusok ang dalaga.

“Bitiwan mo ako, Angela! Hindi maaari ang gusto mo!” aniya sa naiinis na boses.

‘Di niya namalayan na nahalikan na pala siya nito sa labi. Mainit at mapusok ang halik na iyon kaya hindi na niya nagawang pigilan pa.

“A-Angela… huwag, please! Baka may makakita sa atin! Mali ito!” ungot niya hanggang sa itinulak nang malakas ang pinsan.

“Tumigil ka, Angela! Pakiusap!” aniya sa galit na tono.

“Bakit, kuya, ayaw mo ba?” nabiting tanong ng dalaga.

“Ayoko! Dahil masama ang ginagawa mo at kasalanan ito sa Diyos! Mahiya ka naman sa mga magulang mo, lalo na sa nanay mo at igalang mo naman ang sarili mo, ang pagkababae mo!”

Nang marinig ang tungkol sa mga magulang ay biglang natauhan ang dalaga.

“S-sorry, kuya! Hindi ko napigilan ang sarili kong damdamin. Pakiramdam ko napakasama kong tao!” anito habang napaupo sa lapag at hindi na napigilang maiyak.

“Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin, dahil wala itong pupuntahan! Makakatagpo ka rin ng lalaking karapat-dapat sa pagmamahal mo!” paliwanag niya rito.

Nang biglang may nagbukas ng pinto sa banyo. Nagising ang kaniyang tiyahing si Milagros.

Gulat na gulat ang dalawa nang makita nilang pumasok ng banyo ang tiyahin na nakapikit ang mata. Umupo ito sa inidoro at umihi. Halos hindi sila nakakilos sa presensiya nito na nasa loob ng banyo.

Maya-maya ay tumayo ito at lumabas na sa banyo nang nakapikit pa rin. Wala itong kamalay-malay na naroon silang dalawa.

“Magbihis ka na at bumalik ka na sa kuwarto mo!” sabi ni Manolo sa pinsan.

Tumango naman ang dalaga. Agad na nagbihis at tahimik na lumabas sa banyo.

Napabuntong-hininga na lang si Manolo sa mga nangyari. Buti na lang at hindi sila nakita ng tiyahin habang nakahubad ang kaniyang pinsan kundi ay may masisirang relasyon. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na mauulit ang nangyari sa kanila ng kaniyang pinsan. Ayaw niyang magkasala sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.

Mula noon ay nagbago na si Angela, napagtanto ng dalaga na mali ang kaniyang nararamdaman kay Manolo dahil sila ay magpinsan. Kinalimutan na ng dalaga ang nararamdaman at inatupag na lamang ang pag-aaral nang mabuti sa kolehiyo. Si Manolo naman ay bumalik na sa probinsya para ipagpatuloy ang kaniyang trabaho at tuluyan na ring kinalimutan ang nangyari sa kanila ng kaniyang pinsan.

Advertisement