Tumatanggi ang Babae na may Mangyari sa Kanila ni Mister; May Nakatutuwang Lihim pala ang Babae na Handang Malaman ng Kaniyang Mister

Bagong kasal sina Alexis at Julianne ngunit hindi pa rin sila nagsisip*ng na mag-asawa. Napaka-banidoso kasi ni Alexis. Masyadong mahal ng lalaki ang kaniyang katawan at ang kaniyang maputi at makinis na kutis. Napakaselan din ng lalaki, ayaw na ayaw nito ng marumi at mabahong katabi ngunit iba na kapag kasama na ang kaniyang misis, palaging nitong niyayaya na magniig sila ni Julianne ngunit tumatanggi ang babae at hindi pa raw ito handa na gawin nila ang sagradong gawain na ginagawa lang ng mga mag-asawa.

“Labs, dalawang linggo na tayong kasal, wala pa ring nangyayari sa atin?” tanong ng lalaki.

“A, e hindi pa kasi ako handa, labs. Alam mo namang first time ko at galing ako sa konserbatibong pamilya,” tugon ng babae.

“Kailan ka pa magiging handa na gawin natin iyon?”

“B-basta, mangyayari rin ang gusto mo!”

Minsan tuloy ay nagdududa na si Alexis sa asawa kung bakit ayaw nitong magsiping sila. Isang araw, narinig niya ito na may kausap sa telepono. Ang tagal ng pag-uusap ng kaniyang misis at ng kausap nito sa kabilang linya. Maya-maya ay nag-usisa siya.

“Labs, sino ba iyang kausap mo? Kanina mo pa kausap iyan, ha!” sabi niya sa asawa.

“W-wala iyon, labs. Si Patty lang iyon. May itinanong lang sa akin,” sagot nito.

Advertisement

“Sinong Patty?”

“S-si Patty, iyong kaklase ko dati nung high school. Nagtatanong kung kailan daw ba ang reunion namin.”

“Totoo ba iyang sinasabi mo?”

“Teka, bakit naman ako magsisinungaling sa iyo?”

Dahil sa parang nakakahalata na ang asawa ay tinigilan na niya ang pagtatanong.

Kinagabihan ay niyaya na naman niya ito na magniig sila.

“Labs?” aniya habang hinihimas-himas ang balikat ni Julianne.

“Ano?” ingit ng babae.

Advertisement

“Baka naman puwede na akong makaiskor? Umuulan sa labas, o. Malamig, kaya tamang-tama lang na gawin na natin ang dapat nating gawin bilang mag-asawa na tayo.”

“Labs, ‘di ba sabi ko sa iyo mangyayari rin ang gusto mo sa tamang panahon? Huwag lang ngayon, please!” pakiusap ng babae.

Nakaramdam ng inis ang lalaki at nagtalukbong na lang ng kumot at pinilit na natulog.

Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ay tumunog naman ang cell phone ni Julianne na naiwan nito sa sala. Wala ang asawa na nasa loob ng kwarto at nagbibihis. Napansin ni Alexis ang panay na pagtunog ng cell phone kaya tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nagulat si Alexis dahil pangalang “Darling” ang naka-register sa cell phone ng asawa.

“Darling? Sinong darling ito? Ito kaya ang palaging kausap ng asawa ko?” gulat na tanong ng lalaki sa isip.

Bigla tuloy nakaramdam ng pagseselos si Alexis dahil sa nalaman.

“Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa akin, Julianne,” sabi pa ni Alexis sa sarili.

Isang gabi, habang magkatabi sila sa kama ay bigla na namang tumunog ang cell phone ni Julianne.

Advertisement

“Hindi mo ba sasagutin iyan, labs?” tanong niya rito.

Umiling ang babae. “Naku, labs baka si Patty lang iyan. Ayokong sagutin dahil baka mangulit na naman iyon tungkol sa reunion!” anito.

Hindi na nakapagpigil si Alexis at kinompronta na ang misis.

“Si Patty ba talaga ang tumatawag o ang ‘darling’ mo?” gigil na tugon ng lalaki.

Nagulat si Julianne sa sinabi ng mister.

“P-paano mong nalaman na…” gulat na sabi ni Julianne na hindi na natapos ang sasabihin.

“Bistado na kita, Julianne. Akala mo ay hindi ko malalaman na ang palagi mong kausap sa cell phone mo at sa telepono ay ang ‘darling na iyon? Aminin mo nga, sino ang lalaki mo?!” sigaw ni Alexis.

Biglang natawa si Julianne sa reaksyon ng mister.

Advertisement

“Pinagseselosan mo talaga si darling?”

“Oo, pinagseselosan ko siya! Umamin ka sa akin, siya ba ang kinalolokohan mong lalaki?!”

“Tama ka na ang palagi kong kausap sa cell phone at sa telepono ay si ‘darling’. Siya si Doktora Darling Esguerra, malapit kong kaibigan nung college. Siya ang Dermatologist na tumitingin sa akin!” bunyag ni Julianne.

“D-Dermatologist? Bakit ka komukunsulta sa isang Dermatologist?” takang tanong ng lalaki.

“Aaminin ko na ang totoo, labs. Kaya ayaw ko munang may mangyari sa atin ay dahil ayaw kong makita mo ang maitim kong lihim…”

“A-anong maitim na lihim?”

At ipinakita nga ni Aliora ang sinasabing maitim na lihim. Hinubad ng babae ang pang-ibabang saplot at ang underwear ang bumungad kay Alexis ang maitim na lihim ng asawa.

“Heto, itong SINGIT kong ubod nang ITIM! Ito ang pinakatago-tago kong lihim, labs. Ayokong pandirihan mo ako, kaya naisip kong magpakonsulta kay Doktora Darling para sa operasyon na magpapaputi sa maitim kong singit,” wika ni Julianne. “Ayoko kasing makipagniig sa iyo na ganito kaitim ang singit ko, e, nakakahiya sa iyo kaya gusto ko munang paputiin.”

Advertisement

Hindi na napigilan ni Alexis na matawa sa sikretong ibinunyag ng kaniyang misis. Hindi pala totoong may kinahuhumalingan itong lalaki, nagpapagamot lang pala ito para mawala ang pangingitim ng singit nito.

“Ano ka ba, labs? Dapat ipinagtapat mo na sa akin ang totoo para hindi na kita pinag-isipan pa ng hindi maganda. Balewala naman sa akin kung maitim iyang singit mo, ang mahalaga sa akin ay mahal na mahal kita. Wala akong pakialam sa kung anuman ang kapintasan mo sa katawan, ang importante sa akin ay ikaw at ang buong pagkatao mo, labs. I love you, Julianne!” sabi ni Alexis sabay halik sa mga labi ng asawa.

“Sorry, labs!” tugon ni Julianne.

At nangyari na ang dapat mangyari. Wala nang pakialam si Alexis kung may maitim man kay Julianne, ang mahalaga ay nagmamahalan silang dalawa.