Inilihim ng Estudyanteng Dalagita ang Kaniyang Pagbubuntis at Panganganak sa mga Magulang na Nasa Lalawigan; Paano Kaya Nila Ito Malalaman?

Masuyong tinitingnan ni Danica, 18 taong gulang, ang kaniyang kasisilang na anak na si Baby Daniel. Isang buwan pa lamang simula nang siya ay manganak. Nabuntis siya ng kaniyang nobyong si Fred na hindi na niya ngayon alam kung nasaang lupalop na ba ng daigdig.

newborn baby and mother - asian mother holding a baby stock pictures, royalty-free photos & images

Nasa ikatlong taon na sana ng kursong Edukasyon si Danica nang maganap ang kaniyang pagbubuntis. Nag-aaral siya sa Maynila habang ang kaniyang mga magulang naman ay nasa lalawigan ng Agusan Del Sur. Malaking problema niya ngayon kung paano niya sasabihin sa mga ito ang nangyari sa kaniya. Itinago niya ang kaniyang pagbubuntis at panganganak sa loob ng siyam na buwan.

“Ano na ang balak mo Danica? Hindi habambuhay na maitatago natin ito,” tanong sa kaniya ng kasera ng dormitoryong kaniyang tinutuluyan na si Aling Ester. Mabuti na lamang at mabait ito. Ito ang nag-alaga sa kaniya sa panahon ng kaniyang pagbubuntis, at nag-asikaso sa kaniyang panganganak. Nakiusap si Danica na itago o ilihim sa kaniyang mga magulang ang lahat dahil siya mismo ang magsasabi sa mga ito.

“Hindi ko naman po balak itago. Kumukuha lang po ako ng tiyempo. Hindi ko po alam ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila.”

“Aba, talaga namang magagalit sila. Hindi naman basta-basta ang nangyari, anak. Ganoon talaga. Wala kang magagawa kundi harapin ang anomang magiging reaksyon nila. Huwag mo na sanang patagalin pa. Sapat na siguro ang siyam na buwang pagtatago sa pamilya mo, tungkol sa mga nangyari. Kung gusto mo sasamahan kita.”

“Talaga po ba, tita? Sasamahan ninyo ako?” tanong ni Danica.

“Oo. Sasamahan kita kung natatakot kang magpaliwanag sa inyo.”

Maya-maya, may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ito ni Aling Ester. Napapitlag at napamaang si Aling Ester nang makita kung sino ang kumatok.

Advertisement opportunity knocking - old hand knocking on the door stock pictures, royalty-free photos & images

“Magandang umaga ho, Aling Ester. Lumuwas po kami ng Maynila para sorpresahin ang anak namin na si Danica,” nakangiting sabi ni Mang Isidro. Sa tabi nito, ang kaniyang misis na si Aling Norma.

“S-Sige ho… tuloy ho kayo… nasa kaniyang kuwarto ho si Danica…” hindi maintindihan ni Aling Ester ang kabang nararamdaman niya. Totoo ang sinabi niyang sasamahan niya si Danica sa pag-uwi sa lalawigan upang ipabatid sa mga magulang nito ang nangyari sa kaniya, subalit hindi siya handa sa ngayon, lalo pa’t ang mga ito pa ang lumuwas ng Maynila upang bigyan ng sorpresa ang anak.

Napaantanda na lamang si Aling Ester. Bahala na.

Hindi nakakilos si Danica nang masilayan ang mga magulang. Kalong niya noon ang anak, pinasususo. Tila hindi naman nakahuma ang dalawang matanda sa pinto ng tinutuluyang kuwarto ni Danica. Walang sinuman sa kanila ang nagnais na magsalita. 

“I-Itay… I-Inay…”

Bumuhos na ang mga luha ni Danica.

Hindi nagsalita sina Mang Isidro at Aling Norma. Sa halip, lumapit sila sa kaniya. Niyakap siya. Malayo sa inisip niyang sasampalin siya, o mabubugb*g siya. Yakap na may pang-unawa. Yakap na mapagpatawad. 

“Patawarin po ninyo ako sa pagkakamali ko. Patawarin po ninyo ako sa paglilihim ko…” nanginginig ang pagsasalita ni Danica.

Advertisement

“Anak, nagalit kami, oo. Pero matagal na naming alam at hinhintay lamang namin na sa iyo manggaling ang lahat. Kinutuban na ako dahil iba ang hitsura mo sa tuwing nag-uusap tayo sa video calls. Alam ko ang hitsura ng isang nananaba lamang dahil sa pagkain, at nananaba dahil sa pagbubuntis. Nanay ako. Kaya naihanda na namin ang mga sarili namin anak…” umiiyak na sabi ni Aling Norma.

“Sino ba ang hayop na ama niyan?” usisa ni Mang Isidro.

“Hindi ko na po alam kung nasaan siya Itay, pasensiya na po…”nahihiyang saad ni Danica. 

“Alam mo anak, gusto ko sanang magalit sa iyo subalit nariyan na ‘yan. Hindi na natin mababago pa ang mga nangyari. Gusto kitang sampalin o suntukin ngayon dahil sa mga maling desisyon mo sa buhay. Masakit sa aming mga magulang mo na makita kang ganiyan. Ngunit wala na tayong magagawa kung ayaw kang panindigan ng lalaking minahal mo at pinag-alayan mo ng puri. Huwag kang mag-alala, narito kami ng Inay mo upang umagapay sa iyo,” paliwanag ni Mang Isidro. Hindi na nito napigilang hindi maiyak.

unhappy retired asian senior couple sitting on the sofa while elderly wife comforting her sad husband at home. - sad old asian couple stock pictures, royalty-free photos & images

Kaya naman, isinama na nina Mang Isidro at Aling Norma ang kanilang anak at apo pabalik sa Agusan.

“Inay, Itay, ipinapangako ko po, na aalagaan ko nang mabuti si Baby, at sisikapin ko pong hindi matulad sa kaniya ang mga nangyari sa akin. Palalakihin ko sila kagaya ng pagpapalaki ninyo sa akin. Pagkatapos nito, babalik po ako sa pag-aaral,” pangako ni Danica sa kaniyang mga magulang.

Napagtanto ni Danica na hindi dapat naglilihim sa mga magulang, dahil sila ang unang-unang aagapay sa isang anak na naligaw ng landas, at nangangailangan ng matatag na sandigan.