Nagbalik ang Lalaki Upang Ipaghiganti ang Kaniyang mga Magulang sa Tiyuhing Sakim; Magawa Ka Niya ang mga Balak na Limang Taon Din Niyang Pinagplanuhan?

Inilabag ni Crisanto ang mga biniling bulaklak sa puntod ng kaniyang mga magulang. Ibinaba ang kaniyang salaming de-kulay, luminga-linga sa paligid. Gabi. Kauuwi lamang niya sa Pilipinas, at ang unang pinuntahan niya mula sa airport ay ang sementeryo.

“Limang taon, Ma, Pa. Limang taon. I’m back…”

portrait of a man doing sports training - asian man serious stock pictures, royalty-free photos & images

Walang pakialam si Crisanto kung sa pag-upo niya sa nitso ay madumihan ang puwitang bahagi ng kaniyang pantalon.

Nangibang-bansa si Crisanto at nagpayaman simula nang sabay na mawala ang kaniyang mga magulang. Hindi sila sumakabilang-buhay dahil sa aksidente o sakit. Kinamkam ng kaniyang tiyuhin ang ari-arian nila. Sila ang dahilan. Nakaligtas siya at pinili niyang mangibang-bansa upang magtago. Matapos pasukin ang iba’t ibang mga trabaho, nag-ipon, at nagpayaman, muli siyang nagbabalik sa Pilipinas para sa isang mithiin: paghihiganti.

Gaganti siya. Lintik lang ang walang ganti.

“Humanda sila sa pagbabalik ko, Ma… Pa… hindi ako papayag na tumatawa sila ngayon, na nagpapakasasa sila sa yamang kayo ang naghirap, nagbata, nagpatulo ng pawis. Ipatitikim ko sa kanila ang ganti ng isang ulilang-lubos, na pinagkaitan nila ng karapatang makasama kayo,” umiiyak na sabi ni Crisanto.

Alam niyang kapag nakita siya ng kaniyang sakim na tiyuhin na si Don Emilio, tiyak na baka pasunurin siya sa kaniyang mga magulang. Hindi magiging madali ang paghihiganti. Kailangang pag-isipan, kagaya ng ginawa nitong pambibilog sa ulo ng kaniyang Papa upang mapasakamay nito ang lahat ng ari-ariang ipinamana ng kaniyang mga abuelo at abuela.

Kaya naman bilang paghahanda, nagparetoke siya. Pinabago niya ang hugis ng kaniyang ilong. Sa loob ng limang taon, tiyak niyang hindi na siya kilala ng mga ito. Ang totoo, wala na siyang balita sa kalagayan ng kaniyang sakim na tiyuhin. 

Advertisement

Matapos makapag-alay ng dasal para sa kaniyang mga magulang, nilisan na ni Crisanto ang sementeryo, at nagtungo na sa hotel na kaniyang tinutuluyan. Bukas na bukas din, balak niyang magtungo sa dati nilang mansyon. Kasado na ang kaniyang pagpapanggap. Magpapanggap siya bilang isang investor at gagamitin niya ang pangalang Mauro Gonzales. Narinig niya kasing ipinagbebenta na raw ang mansyon. Hindi niya malaman kung bakit. Iyan ang aalamin niya.

Kinabukasan, maaga siyang gumayak. Dalawang oras ang minaneho niya patungo sa dati nilang mansyon. Nanariwa sa kaniya ang nakaraan. Hindi niya mapigilang hindi mapaiyak nang masilayan niya ang naging santuwaryo nilang mag-iina noon. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na makukuha niya ulit ito, alang-alang sa alaala ng kaniyang mga magulang.

Hindi siya nakilala ng matandang kawaksi nila noon: si Aling Guada. Gusto niya sanang yakapin ito ngunit nagtimpi siya. Masisira ang mga balak niya.

“Upo po kayo, sir. Kukuha lang po ako ng maiinom ninyo. Bababa na po si Don Emilio,” saad ni Aling Guada, na ilang beses niyang nahuhuling tila pinakatititigan siya. 

Maya-maya, bumaba na nga ang kaniyang sakim na tiyuhin na si Don Emilio. Ngunit nabigla si Crisanto. Hindi na ito gaya ng dati. Humpak ang mga pisngi at matandang-matanda na. May alalay ito na isang private nurse na lalaki. Nakaupo na ito sa isang wheelchair.

mature japanese man sitting in wheelchair - old asian man in wheelchair stock pictures, royalty-free photos & images

“I-ikaw ba si M-Mauro Gonzales? Nice meeting you…” inilahad ni Don Emilio ang kaniyang kanang kamay. Tinitigan ito ni Crisanto. Ayaw niyang mahawakan ang mga kamay ng taong naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang mga magulang. Ngunit kailangan niyang magtimpi. Masisira ang kaniyang mga plano. Nakipagkamay siya. Naupo na sila. 

“This is really a nice place, ‘no?” basag ni Crisanto sa katahimikan. 

“Yes. It is. Buweno, narito na ang lahat ng mga papeles na kailangan mo…”

Advertisement

Iniabot ni Don Emilio ang mga kinakailangang papeles para sa pagbili ng mansyon sa halagang milyong piso. Ang balak niya, kapag naipangalan na sa kaniya ang mga dokumento, saka niya aaminin na siya si Crisanto. Wala siyang balak na bayaran ang mansyong kung tutuusin ay kanila naman. Kapag nakuha na niya ang mga dokumentong nakapangalan sa kaniya, saka niya ipaliligpit ang tiyuhin.

Matapos makita ni Crisanto na nasa kaniya na ngang pangalan ang mga dokumento, nagulat siya sa tinuran ni Don Emilio.

“Hindi mo na kailangan pang magpanggap, Crisanto… isinasauli ko na ang mansyong ito. Patawarin mo ako pamangkin ko.”

Napapitlag si Crisanto.

“T-Tinawag mo akong C-Crisanto…?”

“Nang makipag-ugnayan ang tauhan mo sa tauhan ko para sa pagsasabing isang Mauro Gonzales ang interesado sa mansyong ito, nagpaimbestiga ako. At napag-alaman kong ikaw ang aking pamangkin. Crisanto, patawarin mo ako sa lahat-lahat. Alam ko kung bakit mo ito ginagawa. Gusto mong maghiganti. Iniisip mong ako ang naging dahilan kung bakit nawala ang mga magulang mo. Totoo iyon. At ngayon, kinarma na ako…”

At ipinaliwanag ni Don Emilio na may taning na ang kaniyang buhay. Siya ay may stage 4 colon c@ncer. Anomang oras, maaari na siyang mawala. 

Hindi na nakapagpigil pa si Crisanto.

Advertisement

“Hindi mo alam kung gaano ako nasusuklam sa ‘yo! Pinaghandaan ko ito, Emilio. Pinaghandaan ko! Gusto kong ipatikim sa iyo ang lupit ng ginawa mo sa pamilya ko. Gusto kong iparanas sa iyo ang pakiramdam na mawalan. Kaya nagpayaman akong mabuti, nagpabago ng hitsura, upang magbalik at pasakitan ka!”

“Subalit langit na ang gumanti para sa iyo at sa mga magulang mo, Crisanto. Nakarma na ako… sa lahat ng mga pagkakamaling ginawa ko, ito na ang napala ko. Patawarin mo ako… patawarin mo ako…”

Inilabas ni Crisanto ang kaniyang baril. Wala ito sa kaniyang plano, pero ito na ang tamang pagkakataon. Iniumang niya ang sandata sa tiyuhin. Ilang segundo lamang ay maaari nitong puksain ang taong naging dahilan kung bakit naging miserable ang kanilang mga buhay.

cropped hands aiming with gun - a hand holding a gun stock pictures, royalty-free photos & images

Subalit natigilan si Crisanto. Kitang-kita niya ang sinserong pagsisisi at paghingi ng tawad ng kaniyang tiyuhin. Tila ito tumiklop na maamong tupa, mula sa isang palalong diyos na leon.

Kung gagawin niya ang pagkuha ng batas at hustisya sa kaniyang mga kamay, wala rin siyang pinagkaiba sa kaniya. Bitbit ang mga dokumento, nilisan niya ang mansyon. Umiiyak siya. Iisa lamang ang direksyong nais tahakin ng kaniyang kotse: sa sementeryo.

Buong bangis at luhang inilapag sa puntod ng mga magulang ang mga dokumento ng mansyon.

“Ma, Pa… tagumpay tayo! Tagumpay tayo! Pero bakit hindi ko magawang maghiganti? Bakit? Hindi ko kayang dungisan ng dugo ang aking mga kamay…”

Ilang araw lamang, nabalitaan na lamang ni Crisanto na sumakabilang-buhay na ang kaniyang tiyuhin. Langit na ang humusga sa kaniya, at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi nadungisan ang kaniyang mga kamay dulot ng matinding pagkasuklam.

Advertisement

Pinaayos ni Crisanto ang mansyon at pinili niyang mamuhay rito, magsimulang muli, kaakibat ang masasayang gunita  noong kasama pa niya ang mga magulang niya, na alam niyang masayang-masayang nakatingin sa kaniya.