Inday TrendingInday Trending
Ilang Dekada Man Ang Ating Agwat

Ilang Dekada Man Ang Ating Agwat

Kailan mo nga ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao? Kapag kinikilig ka? Kapag siya ang magpapasaya sa’yo? Kapag siya ang bumubuo ng araw at buhay mo? Paano nga ba? Paano naman kung magmamahal ka ng taong mas matanda sa’yo at para ka na niyang anak? Mali ba iyon?

Labing pitong taong gulang pa lang si Samuel ay minahal na niya si Chelsea. Noong panahon na iyon ay kwarenta’y singko anyos na ang babae. Maaga itong na biyuda at may apat na anak, samantalang si Samuel ay binatang-binata at batang-bata pa. Marami namang magaganda at bata pang babae na kaedad niya, pero hindi niya mawari bakit mas tumitibok ang puso niya kay Chelsea.

“Hi Chelsea,” masayang bati niya sa babae. May edad na ito pero maganda at sexy pa rin si Aleng Chelsea, hindi nga mapaghahalataan na kwarenta’y singko anyos na ito.

Natawa naman ito sa kaniya at sabay gulo ng kaniyang buhok. “Ikaw talagang bata ka, may pagkapasaway ka rin,” anito tsaka siya nilampasan.

Crush na crush niya talaga ang ginang. Kaso bata pa siya at sigurado siyang hindi siya nito papansinin. Kaya naghintay siya ng mahabang panahon hanggang sa naging bente dos na siya habang nasa singkwenta’y anyos naman si Aleng Chelsea. Alam niyang wala pa rin itong asawa at naka-pokus lamang ang buong atensyon nito sa mga anak. Alam niya lahat dahil lagi nga niya itong sunusubaybayan. Ganun niya ito kamahal.

“Hi Chelsea,” nakangiting bati niya sa babae. Tulad noon ay isang matamis na ngiti at sabay gulo sa buhok niya ang ginawa nito.

“Wala kang galang sa nakakatanda ah? Ate Chelsea dapat,” nakangiting saway nito. “Binatang-binata ka na ngayon, Samuel ah. Ang bilis lumipas ng panahon ano,” masayang tugon niya.

“Oo nga e, binata na ako at pwede na akong manligaw sa’yo. Tama ka rin na mabilis lumipas ang panahon pero hanggang ngayon hindi pa rin lumilipas ang pagmamahal ko sa’yo,” wika niya dahilan upang matawa ng malakas si Chelsea.

“Ewan ko sa’yo,” anito at akmang tatalikuran na siya nang pigilan ni Samuel ang babae.

“Seryoso ako, Chelsea. Gusto kita noon pa,” seryoso niyang pag-amin.

“Ano ka ba naman, Samuel? Naghahanap ka lang yata ng sakit sa ulo e. May mga anak ako at matanda na ako, huwag mo nga akong pagtripan d’yan,” tatawa-tawang wika nito.

“Ano naman ngayon kung mas matanda ka kaysa sa’kin? Anong magagawa ko kung ikaw lang ang gusto ng puso ko,” wika ni Chelsea.

“Ikain mo na lang ‘yan, Samuel, mabubusog ka pa,” sagot ng babae sabay lagpas sa kaniya.

Itinuloy ni Samuel ang panliligaw sa babae kahit lagi siya nitong tinataboy. Wala rin siyang pakialam kahit pinagtatawanan siya ng mga kapitbahay nila dahil daig pa daw niya ang pumulot ng bato upang ipampukpok sa sariling ulo.

“Ano ba kasi ang gusto mo sa’kin, Samuel? Experience lang ba? Naku! Ipagpatawad mo, sampong taon na ako mahigit na naging biyuda at matanda na ako kaya wala na akong hilig sa s*x. Bata ka pa at gwapo kaya sigurado akong marami ka pang ma hahanap na babaeng maganda at babagay sa’yo,” wika ni Chelsea.

“Bakit mo ba ako pinapasa sa iba? Ikaw nga ang gusto ko ‘di ba? Mula noon hanggang ngayon, kaya bakit mo ginagawa sa’kin ito?” naiinis niyang wika sa babae.

“Nahihibang ka na, Samuel! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Pinagtatawanan ka nila dahil nagmahal ka ng matandang babae at bukod pa dun ay may apat ng anak at isang biyuda! Nahihibang ka lang kaya mas mabuti pang tantanan mo na ako!” naiinis na ring wika ng babae. Nakukulitan na yata ito sa kaniya, pero walang pakialam si Samuel sa sasabihin ng iba, dahil ang mahalaga sa kaniya ay sila lamang.

“Basta mahal kita! Mahal kita mula noon hanggang ngayon. Hinding-hindi ako susuko sa pagmamahal ko sa’yo,” pinal niyang wika.

Ganun nga ang ginawa ni Samuel, sinikap niyang makuha ang matamis nitong oo. Nahirapan siya at minsan pakiramdam niya’y susuko na siya. Kung hindi niya lang mahal si Chelsea ay baka matagal na niya itong sinukuan. Ngunit kapag wagas at totoo ang pag-ibig mo, hindi nito alintana ang agwat ng edad at ang pahirap na nararanasan mo basta ang mahalaga para sa’yo ay mahalin ka rin niya. Kaya nagsikap siya upang patunayan sa babae ang pagmamahal niya na kalaunan ay na-appreciate naman yata ni Chelsea. Masaya siya kapag pinapansin siya ni Chelsea, buo na ang araw niya kapag ngumingiti ito sa kaniya.

“Sinasagot na kita, Samuel. Handa ka ba talaga sa lahat nang panghuhusga ng ibang tao?” alanganing tanong ni Chelsea.

“Oo naman. Wala naman tayong kasalanan sa kanila ‘di ba? At saka wala naman tayong inaapakang ibang tao kaya bakit tayo matatakot sa kanila? Kailanman Chelsea ay hindi krimen ang magmahal. Kaya bakit ka magpapaapekto sa kanila?” agad namang sagot ni Samuel.

“Mahal na mahal kita. Kahit ilang dekada pa ang agwat ng edad ko sa’yo. Sana maging matibay ka sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay natin,” nakangiting wika ni Chelsea.

“Noon pa man ay mahal ma mahal ka na ng puso ko Chelsea, kung alam mo lang. Ngayong natupad na ang matagal ko nang pinapangarap, sa palagay mo ba bibitawan pa kita? Wala akong pakialam kung mas matanda ka at mas bata ako. Bakit, natuturuan mo ba ang puso mo kung kanino nito nais tumibok?

Anong magagawa ko kung sa’yo lang tumitibok ang puso ko at ikaw lang ang minamahal nito,” mahabang deklarasyon ni Samuel dahilan upang makaramdam ng kilig si Chelsea. Pakiramdam niya tuloy bumalik siya sa pagkabata.

“Paano ‘yan? Hindi na kita mabibigyan ng anak,” malungkot na wika ni Chelsea.

“Problema ba iyon? E ‘di ikaw na lang ang baby ko,” aniya sabay gawad ng halik sa labi ni Chelsea.

Wala siyang ibang gusto mula kay Chelsea kung ‘di tanging ang pagmamahal lang nito. Minahal niya ang babae sa kabila ng katotohanang may edad na ito kaya bakit siya maghahanap ng bagay na alam niyang hindi na nito kayang ibigay? Ang makasama lang si Chelsea ay sapat na para lumigaya ang buhay niya. Nagpakasal sila upang patunayan sa lahat na wagas ang pag-iibigan nila. Kahit bata pa siya at may edad na ang babaeng kaniyang minamahal. Walang agwat ng edad ang makakapigil kapag puso na ang nagdikta kung sino ang nais niyang mahalin. Age is just a number ika nga.

Advertisement