Lumaki sa Tahanang Walang Kuryente ang Babaeng Ito Kung Kaya Isang Bagay ang Ginawa Niya Upang Hindi Ito Mangyari sa Iba
“Nay, hindi na po ba tayo magkakaroon ng ilaw?” malungkot na tanong ng labindalawang taong batang si Lexy sa kanyang ina. “Mahal kasi ang magpakabit ng ilaw anak,” paliwanag ni Aling Lerma sa anak. Simula ‘ata nang ipinanganak si Lexy ay hindi niya pa naranasan na mag-aral sa maliwanag na tahanan. Palagi siyang nag-aaral sa ilalim ng ilaw ng kandila. Hindi niya naman iniinda iyon pero palagi niyang naiimagine kung paano nga ba mabuhay na puro liwanag ang nasa kabahayan. Dahil sa sitwasyon nila ay palagi ring nagkakasakit ang mga kapatid niya. Kasalukuyang nasa ospital ang bunsong kapatid niya ngayon dahil sa sakit na dengue. Kaya naman pati pambaon niya sa eskwela ay siya na rin ang gumagawa ng paraan. Madalas niyang winawalisan ang bakuran ng katapat-bahay nilang mayaman para kumita ng kahit papaano. Ang sobra sa kinikita niya ay inaabot niya sa ina para pandagdag sa pagkain nila. Kahit napakahirap ng buhay ay hindi naging dahilan iyon para tumigil si Lexy sa pag-aaral. Sa halip ay lalo siyang nagsumikap upang maabot ang kanyang pangarap–ang magkaroon ng tahanang maliwanag. Ilang taon ang lumipas at mas lalo pa sila ng nahirapan lalo na nang yumao ang kanilang ina. Siya na lamang ang tumataguyod sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng sabay na pag-aaral at pagpasok sa eskwela ay sinikap ni Lexy na makapagtapos ng kursong Engineering. Dala ng pagdarasal at pagsusumikap ay natanggap agad siya sa trabahong inapplyan sa isang prestihiyosong kumpanya. Doon ay lalo niyang pinag-igihan. Kahit papaano ay nakakaipon na rin siya ng pampakabit ng kuryente nila. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho ay natuwa siya dahil sa wakas ay napakabitan niya ng kuryente ang munti nilang tahanan. Ngunit hindi lamang doon nagtapos ang pangarap ni Lexy. Nag-ipon pa siya upang makapagpagawa ng sariling bahay. Iyon ay sa tulong ng isang big-time na proyektong na-assign sa kanya. Iyon ang naging simula ng swerte ni Lexy. Hindi lamang ang pangarap na ilaw ng kuryente ang naabot niya, kundi ang pinakaaasam niyang maliwanag na bagong bahay. At dahil nagpapasalamat rin si Lexy sa kabutihan ng Diyos sa kanya ay hindi niya rin nalimutang tumulong sa kapwa. Nagsesearch siya ng mga tahanang walang ilaw at iyon ay pinapakabitan niya nang libre. “Salamat, napakabuti ng puso mo.” “Ayoko po kasing maranasan ng ibang bata ang mag-aral sa ilalim lamang ng ilaw ng kandila.” Masaya si Lexy sa narating niyang tagumpay. Masaya rin siya dahil naging susi ang kadiliman ng kanyang nakaraan upang magtungo sa maliwanag na buhay. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.