Inday TrendingInday Trending
Ayaw Magpakasal ng Babae Dahil sa Isang Sumpa, Sa Huli’y Mas Malaki pa pala ang Mawawala sa Kaniya

Ayaw Magpakasal ng Babae Dahil sa Isang Sumpa, Sa Huli’y Mas Malaki pa pala ang Mawawala sa Kaniya

Sa tinagal-tagal ng paghihintay ni Jolina ay natupad na rin sa wakas ang kaniyang pangarap at iyon ay ang maging isang ganap na doktor.

“May doktor na rito sa bukid natin! Sinong makakapagsabi na ang dating batang gusgusin ay doktora na ngayon?” wika ni Mang Benjie, tiyuhin ng babae.

“Naku, tito! Huwag mo na ako ipahiya pa sa mga bisita natin baka wala nang magpakunsulta sa akin niyan!” natatawang sabi naman ni Jolina rito. Ngunit biglang natahimik ang lahat nang lumabas ang nobyo ni Jolina at lumuhod ito sa likuran niya.

“Humarap ka!” mahinang senyas ng isang bisita sa dalaga at humarap naman nga ito saka nakita ang kaniyang nobyong may hawak na bulaklak.

“Para sa doktor ng buhay ko, will you marry me, Joana?” tanong ni Art, kasintahan ng babae.

Saglit na natahimik ang lahat. Inilibot naman ng dalaga ang kaniyang paningin sa mga tao saka ibinalik ang mga mata sa lalaki.

“’Wag ngayon, Art, patawad,” sagot ni Jolina at inalalayan na tumayo ang lalaki.

Parang natutunaw na yelo ang nararamdaman ni Art ng mga sandaling iyon ngunit mas pinili niyang ngumiti at tumayo saka niyakap ang nobya at itinuloy muli ang kasiyahan.

Hanggang sa silang dalawa na lamang ang natira at nagkaroon na ng pagkakataon ang lalaki na makausap ng masinsinan ang babae.

“Ang tagal na natin, Joana, halos magsasampung taon na tayong magkasintahan. Buong akala ko, proposal lang ang hinihintay mo sa akin para tuluyan kitang maging misis pero bakit?” malungkot na tanong ni Art sa nobya.

“Hindi mo naiintindihan, Art, hindi naman ako nanghihingi ng kasal. Huwag na tayong magpakasal, nagsasama naman na tayo ‘di ba? Wala naman tayong problema dun kaya huwag na tayong magpakasal,” tanggi ng babae.

“Pero bakit nga? Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag sa akin ang dahilan mo. Hindi ka pa ba sigurado sa akin? Ayaw mong matali? Ayaw mo ng anak? Ano ang dahilan, Joana? Kasal na lang kulang sa atin, pero bakit ayaw mo? Halos lahat ng babae gusto ‘yun, pero bakit ikaw, ayaw mo?” iritableng tanong ng lalaki at halatang gulong-gulo ito sa desisyon ng kaniyang kasintahan.

“Kasi may sumpa ang lugar namin,” mahina nitong sagot.

“Hindi mo ba napapansin, hindi mo ba nakikita na walang kinakasal sa angkan namin pero may pamilya sila. Dahil may sumpa sa lugar na ito,” bitaw muli ng babae at tinitigan niyang maiigi si Art.

“T@ng*na naman, Joana! Doktor ka na pero naniniwala ka pa sa sumpa? Ano namang kalokohan ‘to! 2019 na, wala nang ganun!” baling ng lalaki.

“Sa tuwing may ikakasal sa baryo namin o sa kahit sinong angkan ay may kasunod na papanaw,” paliwanag ng babae.

“Kahit kanino mo itanong, kaya nga iniwasan na ng mga taga-rito ang magpakasal para makaiwas na may mawala sa kahit sinong pamilya,” dagdag pa nito.

“Ano namang koneksyon nun! Malay mo naman may sakit o ‘di naman kaya oras na talaga ng tao. Ano’ng koneksyon ng kasal?!” sigaw ni Art kay Jolina.

“Hindi ka kasi taga-rito, Art, kaya hindi mo ako maiintindihan. Wala namang magbabago kung hindi tayo magpapakasal. Wala naman mawawala sa atin kung maniniwala tayo sa matagal na naming pinaniniwalaan dito. Walang mawawala sa ating dalawa, hindi tayo maghihiwalay, magkakapamilya tayo basta hindi na natin kailangan pang magpakasal,” baling din ni Jolina rito.

Saglit na natahimik si Art.

“Alam mo kung ano ang mawawala sa atin? Mawawalan ka ng kalayaan sa sarili mo at habang buhay kang makukulong sa paniniwalang iyan. Pasensiya na kung hindi ako naniniwala ngunit para sa akin, nagiging totoo lamang ang sumpa kung hahayaan nating mamuhay ito sa buhay natin, sa puso natin, sa isipan natin hanggang sa hindi natin namamalayan na ito na ang kumukontrol sa bawat galaw natin,” mahinang sabi ng lalaki.

“Ang laki ng mawawala sa atin, Jolina, ang tagal na natin at alam kong ang dami mong pangarap sa tuwing pinag-uusapan natin ang kasal natin noon pero heto ka ngayon, nakatali sa paniniwalang hindi mo malaman ang dahilan. Kapag lumaki ang magiging anak natin at tinanong kung bakit hindi tayo kasal gusto mo bang sabihin ko, na dahil may sumpa? Hanggang sa maipasa natin ito sa kanila at sa magiging buong angkan natin? Hindi ko maintindihan, Jolina,” ani Art saka yumuko na lamang ang lalaki.

Hindi naman nagsalita pang muli si Jolina dahil aminado siyang may punto ang nobyo. Napakarami na nilang plano tungkol sa kanilang pagsasama lalo na ngayong hinintay siya ng lalaking maging ganap na doktor ngunit hindi ito matupad dahil sa sumpang pinaniniwalaan niya.

Ilang buwan pa ang lumipas at nang tuluyang nakakuha ng bahay sila Jolina sa Maynila at ospital na pagtratrabahuhan roon ay nagpakasal ang dalawa. Hanggang sa naging maugong ang balita sa lugar ng babae. Ngunit walang yumao ni isang tao na taga roon, saka unti-unti nakalaya na rin ang iba sa paniniwalang may sumpa ang pagpapakasal.

Hanggang ngayon ay hindi na muling nabuhay pa ang sumpang iyon sa lugar nila. Wala na rin makapagsabi kung paano ito nag-umpisa o saan nanggaling kaya para sa mga taga-roon, tunay ngang nakalaya silang lahat sa sumpa.

Advertisement