Inday TrendingInday Trending
Binigyan na ng Babaeng Ito ng Maraming Tyansa ang Mister Ngunit Patuloy Siya Nitong Inaabuso; Panahon na nga ba Upang Siya ay Sumuko?

Binigyan na ng Babaeng Ito ng Maraming Tyansa ang Mister Ngunit Patuloy Siya Nitong Inaabuso; Panahon na nga ba Upang Siya ay Sumuko?

Nasa ikalimang taon na ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa si Jared at Susan at kasalukuyang nagdadalang tao si Susan sa pangatlo nilang anak.

May mga problemang pinagdaanan ang mag-asawa, ngunit mas pinipili nilang maging matatag. Sobra ang pagtitiis na ibinigay ni Susan para kay Jared. Lahat ng bisyo at mga pananakit nito ay pinapalampas na lamang ni Susan. Nagtitiis din Susan sa mga hindi magandang kwentong naririnig niyang ipinapakalat ng kaniyang biyenan tungkol sa kaniya para lamang pagtakpan ang ginagawa ng anak nito. Kinalilimutan na lamang iyon ni Susan upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya.

Mabilis mapagod si Susan dahil sa kaniyang kalagayan kaya sandali siyang tumigil sa paglalaba upang makapagpahinga. Nakatambak sa labas ang mga damit na hindi pa nalabhan ni Susan nang bigla namang bumisita ang nanay ni Jared sa bahay nila.

Nagkataon na may pasok si Jared noong araw na iyon kaya wala siyang kasama at katulong sa gawain kaya naman nadatnan din ng kaniyang biyenan na makalat pa ang bahay.

“Ano ba ’yan? Ang kalat-kalat naman dito!” sigaw ng matanda habang papasok na sa loob ng bahay.

Bigla namang nakasalubong nito ang panganay niyang apo.

“Nasaan ang mama mo? Bakit ang kalat-kalat dito sa bahay n’yo?” tanong ng nanay ni Jared sa panganay ni Susan.

“Kakapahinga lang po ni mama. Hindi pa po kasi siya tapos mag-laba.” Nag-init naman ang ulo nito at agad na pinuntahan sa kwarto si Susan.

“Aba, Susan, napakagaling mo! Naghihirap ang anak ko sa pagtatrabaho, ’tapos ikaw, maglalaba na nga lang hindi mo pa magawa!” sabi pa nito sabay hablot sa buhok ni Susan at kinaladkad palabas.

“Aray, ’nay, tama na po!” pakikiusap naman ni Susan sa biyenan.

Ngunit nang hindi siya tigilan nito’y hindi na napigilan ni Susan ang mapikon.

“Kayo ho! Kung hindi kayo marunong umintindi ng sitwasyon dito sa bahay, huwag na huwag na kayong pupunta dito!” hiyaw ni Susan sa matanda.

Dahil sa sinabi ni Susan ay lalong nagalit ang kaniyang biyenan, kaya’t nakatanggap siya ng malakas na sampal. Tila nagulat din ang nanay ni Jared sa nagawa niya kay Susan at dali-dali itong umalis sa bahay na iyon.

Hinintay ni Susan na makauwi galing sa trabaho ang kaniyang asawa. Ngunit pagdating pa lang ni Jared ay makikita sa mukha sa mukha nito ang galit!

“Susan, may sasabihin ako, doon tayo sa kwarto mag-usap!” maawtoridad pang utos nito.

Pagpasok sa loob ay hinila ni Jared ang buhok ng kaniyang asawa.

“Anong ginawa mo kay nanay?” galit na tanong ng lalaki.

“Sinabi ko lang naman na huwag siyang pupunta dito kung ayaw niyang makikitang makalat ang bahay!” paliwanag naman ni Susan.

“Baliw ka ba? Nanay ko ’yon! Pagsasalitaan mo ng ganoon?” Lalo namang humigpit ang kapit ni Jared sa kaniyang buhok.

“Sinaktan niya ako, Jared! Kinaladkad niya ako palabas ng bahay! Bitiwan mo ako, nasasaktan na ako!” pagpupumiglas ni Susan.

“Dapat lang na ginawa niya ’yon! Maglalaba ka na nga lang, hindi mo pa magawa!” Matapos sabihin iyon ni Jared ay sinampal niya si Susan.

Nawalan naman ng malay si Susan dahil sa ginawa ni Jared. Ilang oras matapos iyon ay nagising si Susan. Nakita niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya ang kaniyang anak, maging si Jared. Ni hindi siya nito dinala sa ospital. Mabuti na lang at hindi napaano ang batang nasa sinapupunan niya!

Agad tumayo si Susan upang mag-empake ng mga damit. Napagod na siya sa paulit-ulit na pag-intindi sa kaniyang asawa.

Nagulat naman ang magulang ni Susan nang umuwi siyang may pasa sa mukha. Sinabi ni Susan ang lahat ng nangyari at galit na galit ang kaniyang tatay kay Jared.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan at nang buksan iyon ni Susan ay nakita nito si Jared. Nagmakaawa si Jared kay Susan na umuwi na sa kanilang bahay. Ngunit dahil pagod na si Susan sa pagpapatawad sa kaniyang asawa ay nakipaghiwalay na lamang siya rito nang tuluyan.

Kahit anong pilit at paghingi ng tawad ni Jared kay Susan ay buo na ang desisyon niya na iwan ang kaniyang asawa.

Lumuwas papuntang probinsya si Susan kasama ang dalawa niyang mga anak. Doon ipinanganak ni Susan ang bunso nila ni Jared at hindi na nakita pa ni Jared ang mga anak simula noon.

Labis na pagsisi ang naramdaman niya buong buhay niya, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik pa ang kaniyang pamilya. Huli na dahil sinayang na niya ang maraming tyansang ibinigay sa kaniya ng asawa.

Advertisement