Inday TrendingInday Trending
Magustuhan Kaya ng Binatang Ito ang Babaeng Irereto sa Kaniya Kung Tagabundok Naman ang Ugali ng Babae?

Magustuhan Kaya ng Binatang Ito ang Babaeng Irereto sa Kaniya Kung Tagabundok Naman ang Ugali ng Babae?

Kilalang babaero at papalit-palit lamang ng babae ang binatang si Abel. Hindi kasi bago sa kaniya na pagkaguluhan o pilahan ng mga babae dahil sa gwapong lalaki nito at mas lalong hindi rin problema sa kaniya ang magpasagot ng babae at lokohin lang din ito.

“Pareng Cris, baka naman may irereto ka sa aking chiks, limang buwan na akong single!” wika ni Abel sa kaniyang kaibigan habang sila ay nag-iinuman.

“Ano ba mga trip mo sa babae, may kilala ako kaso baka naman paglaruan mo lang,” sagot naman ni Cris sa kanya.

“Ayos lang sa akin lahat basta ang importante maganda, mayaman o ‘di kaya naman may kaya! Kasi ayaw ko na gumastos,” natatawang sagot ng lalaki.

“Ewan ko sa’yo, pare, baka hindi ka magkaroon ng seryosong relasyon kung ganyan lagi ang tingin mo sa mga babae. Pero sige, tutal may kakilala akong gusto rin ng ka-date ay irereto ko sa’yo. Hindi ko muna ibibigay ang litrato at numero, iba-blind date ko kayo para naman may halong pagkasabik!” sagot naman ni Cris sa kanya. Natatawa at aminadong nasasabik na nga ang binata.

Kinaumagahan ay kaagad na inayos ni Cris ang kanilang pagkikita. Pumorma ang lalaki at nagpabango, alam niya sa ganoong itsura ay kaaagad na mahuhulog ang sino man sa kaniya.

Naghintay si Abel sa coffee shop hanggang sa nakita niya ang isang magandang binibini na papalapit sa kaniya. Sakto ito sa sinabi ni Cris kaya naman sigurado siyang ito na nga iyon.

“Sh*t, Cris! Jackpot ako!” bulong niya sa sarili.

Kaagad na kumaway ang babae sa kaniya at mabilis siyang tumayo, iaabot pa sana niya ang kaniyang kamay upang magpakilala nang biglang magsalita ang babae.

“Wow! Sh*t, Starbucks! Uy, libre mo naman ako, please! Hindi pa ako nakakapagkape rito. Ikaw si Abel, ‘di ba? Ako ‘yung nireto ni Cris, ako nga pala si Lara. Libre mo muna ako kape tara na!” malakas na wika ng babae. Halos malaglag ang panga ni Abel sa kaniyang nakita at narinig. Nakakahiya kasi ito sa lakas ng boses na mapagkakamalan mong bago sa Maynila.

“Pasensya ka na, ha, sosyal kasi nung kape rito. Pwede mo ba ako kuhanan ng litrato ‘yung nasa may counter ako kunwari bumibili,” dagdag pang wika muli ni Lara sa kaniya.

“Pwede bang hinaan mo kaunti ang boses mo?” pasimpleng bulong ni Abel sa dalaga.

“Hala! Pasensiya na!” sigaw pang muli nito at saka nagtakip ng bibig.

Walang nagawa si Abel kung ‘di sundin ang mga pabor ng babae na magpakuha ng litrato sa kaniya habang kumakain o umiinom ito ng kape.

“T*ngina! Hayop ka, Cris!” bulong niya sa sarili habang inis na inis sa babae.

“Uy, ito na nga. Ang sarap talaga pala ng kape at cake rito! Iba! Pang sosyal! Balik na tayo, teka, tara, motel tayo?” biglang yaya ni Lara sa kaniya.

“A, bakit doon?” nagtatakang tanong naman ni Abel sa kaniya.

“Para makapag-usap tayo, ganun ang mga date sa amin sa probinsya. Nagpupunta kami sa bayan tapos nagmomotel. Tara na!” yaya pang muli ni Lara sa lalaki at hinatak ito.

“Papatulan ko na nga ito, palay na ang lumalapit sa akin. Maka-isa man lang sa kahihiyan na ito,” wikang muli ni Abel sa sarili tsaka siya nagbayad ng kwarto.

Pagpasok nilang dalawa ay wala ng ginawa si Lara kung ‘di ikutin ang kwarto at mamangha sa mga kagamitan doon.

“Grabe! Ba’t ang ganda ng kwarto rito sa Maynila!? Samantalang sa bayan namin ay isang kamang maliit lang at isang electric fan, dito naka-aircon pa, grabe!” malakas muli na wika ni Lara sa kanya.

Parang gusto ng sumabog ng ulo ni Abel sa sobrang sakit ng ulo niya.

“Ano, ano bang gagawin natin dito?” diretsong tanong niya sa babae.

“Magkwekwentuhan,” sagot naman ni Lara sa kaniya sabay ngiti.

“Alam mo, didiretsuhin na kita. Mukhang pinagti-tripan ka lang ng kaibigan kong si Cris kasi hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo. Taga-bundok ka yata at ang ingay mo! Wala ka ring pera tsaka sobrang hindi kita type! Pero maganda ka, kaya kung gusto mo, mag-ano na lang tayo para naman hindi ako lugi sa araw na ‘to,” pahayag ni Abel sa babae tsaka siya naupo sa kama.

Saglit na natahimik si Lara at napa-upo ito.

“Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, pero gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi talaga kita type pasensiya ka na!” wika pang muli ni Abel sa kanya.

Lumapit si Lara sa kaniya at mabilis siyang naupo ng maayos.

“Alam mo, gwapo ka, pero bastos ka!” sigaw ni Lara sa kaniya saka niya ito binigyan ng isang malakas na sampal at tadyak.

“Para lang malaman mo, sinabi na sa akin ni Cris lahat ng baho mo. Akala ko pa naman ay marunong kang gumalang ng babae kahit na ano pa ang ugali nito, pero hindi pala. Walang sino mang babae ang dapat na makatuluyan ng isang tulad mong lalaki. Isa kang salot sa lipunan! Para sa kaalaman mo, isa akong doktor at akin ang hotel na ito! Kung hindi mo ako type, mas lalong isusuka kita! Lamunin ka sana ng lupa o ng impyerno!” galit na galit na wika ni Lara sa kaniya sabay alis ng babae.

Hindi naman makapaniwala si Abel sa kaniyang narinig at maya-maya pa ay tumawag si Cris sa kanya.

“Pare, ano ‘yun!? Anong trip ‘to?” galit niyang tanong sa kaibigan.

“Hindi ko alam, pare, basta sabi lang ni Lara ay susubukan ka raw muna niya. Kumusta ba? Big time ‘yan, mabait na ay tagapagmana pa. Kaya pare, ayusin mo ha,” sagot ni Cris sa kanya. Hindi na sumagot pa si Abel at napatakip na lamang ng kaniyang mukha.

Mabilis na humingi ng tawad ang binata kay Lara ngunit hindi na niya muli itong nakita pa. Nagsilbing malaking aral ito kay Abel at inabot ng halos pitong taon bago siya nagkaroon muli ng nobya na ngayon ay papakasalan na niya. Natutunan niya lalo kung paano tunay na respetuhin at mahalin ang mga babae.

Advertisement