Inday TrendingInday Trending
Pinaglaruan Niya ang Damdamin ng Isang Single Mom at Pinaasang Pakakasalan Ito Pag-uwi ng Pilipinas; Sising-Sisi Siya nang Magkita Silang Muli

Pinaglaruan Niya ang Damdamin ng Isang Single Mom at Pinaasang Pakakasalan Ito Pag-uwi ng Pilipinas; Sising-Sisi Siya nang Magkita Silang Muli

“Good morning, love. Miss na miss na kita. Kumusta ka diyan?” kahit sa chat lamang ay parating buong pusong naglalambing si Jolene sa kasintahang si Anton.

Buong akala niya kasi ay seryoso ito sa kaniya at akala niya’y ito lamang ang lalaking kaya siyang tanggapin kahit na mayroon siyang anak sa pagkadalaga.

“Hey, babe. Sino ‘yan?” pupungas-pungas pa ang babaeng katabi ni Anton sa kama na si Ellen nang tumunog ang cellphone nito.

“Ito na naman si Jolene. Chat nang chat. Teka lang, sasagutin ko para ‘di makahalata,” nakabusangot na sagot ni Anton.

“Oh, okay. Sige,” imbes mainis ay tumalikod pa si Ellen upang makapag-reply si Anton.

Ang hindi alam ni Jolene ay tatlong taon na siyang niloloko ni Anton sa pag-aakalang magagamit siya nito upang makauwi na ng Pilipinas.

Isang taon na kasing walang trabaho si Anton sa Amerika sapagkat pirme siyang natatanggal sa trabaho dahil sa pagiging tamad niya.

Kung hindi late ay palagi siyang absent.

Si Jolene naman ay masipag at madiskarte sa buhay. Trabaho at raket ang pinagkakaabalahan nito. Lahat na yata ay tinitinda niya at pati pagpapautang sa mga negosyanteng kaibigan ay pinasok na rin niya upang lalong lumago ang pera.

Dahil mahusay sa negosyo si Jolene ay lumago nang lumago ang pera nito. Madalas din niya itong nababanggit kay Anton kaya’t lalo namang umaasa ang lalaki na mapeperahan niya ang kasintahan.

“Ano ba ‘yan? Apat na taon na, wala ka pa ring nahihita sa babaeng ‘yan?!” nanggigigil na saad ni Ellen.

“Babe, hintayin lang nating mas yumaman pa s’ya. Pag nangyari yon, hindi na ‘to mag-aalinlangang magbigay ng pera kahit buwan-buwan pa. Hindi ko na rin kailangan pang makipagkita sa kaniya,” mahabang paliwanag ni Anton.

Ang hindi alam ni Anton ay nakakahalata na si Jolene. Paano ba naman ay madalas na siyang hindi sumagot sa mga chat at tawag nito at sa tuwing nagtatampo si Jolene ay nagdadahilan na lamang siya na may pinagdadaanan siya tungkol sa kaniyang ina.

Totoo naman iyon dahil nabaon na sa utang ang ina kakapadala ng pera panggastos ni Anton sa Amerika.

Imbes na siya kasi ang sumuporta sa mga kamag-anak na nasa ‘Pinas ay siya pa nga ang pinadadalhan ng ina.

Hanggang sa naisip na ni Anton na ipakausap ang ina kay Jolene upang magpaawa na naman at baka sakaling pautangin sila nito at makabayad sa mga pagkakautang ang ina.

Ngunit tila dalang-dala na si Jolene sa mga lalaking pera lamang ang habol sa kaniya.

Kung tutuusin ay marami naman siyang manliligaw ngunit tila kay Anton lamang nahulog ang loob niya.

Guwapo, malambing at magaling kasi itong magsalita kaya naman ganoon na lamang kahumaling si Jolene dito.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang hindi na nagparamdam si Jolene sa binata.

“Bakit hindi ka sumasagot? Kinakausap kita!” umuusok na ang ilong ni Ellen habang tulala naman sa kawalan si Anton.

“Sorry, Ellen. Parang hindi ko na kayang ituloy ang panloloko kay Jolene. Nang hindi ko na siya nakakausap at hindi na siya nagparamdam pa… Bigla kong na siyang hinahanap-hanap… Hindi na ako nakakatulog magmula nang bigla na lamang siyang naglaho na parang bula…”

Hindi pa natatapos sa pagpapaliwanag si Anton ay agad siyang inundayan ng malutong na sampal ni Ellen.

Mula noon ay hindi na rin siya tinulungan pa ng ikalawang kasintahan na si Ellen.

Pinalayas na siya sa tinitirhang apartment at maski kakainin sa araw-araw ay hindi niya alam kung saan kukunin. Palipat-lipat siya sa bahay ng mga kaibigan ngunit hindi na rin naging maganda ang trato sa kaniya ng mga asawa at magulang ng mga ito sa kaniya dahil hindi naman talamak sa kultura ng ibang bansa ang magpatuloy ng kung sino-sino sa kanilang mga tahanan.

Araw-araw niyang sinusubukang kontakin si Jolene ngunit tila nagpalit na ito ng numero.

Ultimo ang ina niya ay hindi niya na rin makausap.

Habang nakatulala na lamang sa parke si Anton ay pumukaw ng kaniyang atensyon ang isang masayang pamilyang naghahabulan sa may swing.

“Mom! Find me!” tila pamilyar ang boses ng batang iyon.

“Dad! I want some ice cream,” saad naman ng isa pang batang babae.

“Let’s go kids. Your mom has an appointment at the salon. She’ll be in monster mode if she gets in late because of us playing around,” nagbibirong tugon ng tila ama ng mga bata. Halatang Pinoy din ito dahil sa suot nitong Manny Pacquiao na jacket at pati na rin ang itsura nito.

Maya-maya pa’y tila nanigas si Anton sa nakitang mukha.

Si Jolene…

Malaki ang ngiti nito. Maganda, maaliwalas ang mukha at tila masayang-masaya.

Muntik pa siyang makita nito ngunit tinaklob na lamang niya sa mukha ang suot na hoodie jacket.

Sa sobrang pagkabalisa ni Anton ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan. Sinubukan niya ulit tawagan si Jolene at nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses nito.

“Nakita kita kanina sa park. Ano’ng nangyari sa iyo? Nasaan na si Ellen?” ang dating malambing at laging nag-aalalang tinig nito’y naging malamig na.

Doon nalaman ni Anton na sinabi pala ng kaniyang ina ang lahat kay Jolene at pinayuhan itong lumayo na sa kaniyang anak. Ipinakita rin nito ang mga larawan ni Anton kasama si Ellen upang makumbinse si Jolene na lumayo na sa anak.

At sa pagkakataong iyon ay sumampal sa mukha ni Anton ang reyalidad na wala na siyang ibang maaasahan pa bagkus ay ang kaniya na lamang sarili.

Nagsimula siyang maghanap muli ng trabaho ngunit wala nang tumatanggap sa kaniya sapagkat mayroon na siyang hindi magandang record.

Tinalikuran na rin siya ng kaniyang ina, mga kaibigan at iba pang mga kamag-anak.

Sinubukan niyang tawagang muli si Jolene at makipag-kita dito dahil baka sakaling may natitira pa itong pagmamahal sa kaniya.

Nagulat siya nang pumayag ito ngunit pahiyang-pahiya siya nang dumating ito na kasama ang asawa.

“Ito oh, sampung libo. Magsimula kang muli sa buhay mo. Subukan mo. Pakiusap ko na lamang sa iyo, huwag na huwag mo nang asaming manggamit ng ibang tao,” wika ng asawa ni Jolene habang matalim ang mga tingin nito sa kaniya.

Magkahawak kamay pa ang dalawa nang iwan siya sa cafeteria.

Advertisement