Inday TrendingInday Trending
Nagagandahan ang Baklang Parlorista sa Tomboy, Isang Gabi ay Hindi Inaasahang May Mangyari sa Kanilang Dalawa

Nagagandahan ang Baklang Parlorista sa Tomboy, Isang Gabi ay Hindi Inaasahang May Mangyari sa Kanilang Dalawa

Sinipat muna ni Rica ang sarili sa salamin, wala siyang make up pero ang ganda niya talaga. Hinawi niya ang buhok na bumagsak sa maamo niyang mukha, nang masigurong maayos na ang itsura niya ay pumunta na siya sa harapan ng parlor at pinalitan ang karatula ng ‘open’.

“Baklang Ricardo, early bird award ah. Ang aga mo talagang magbukas,” bati ng kaibigan niyang si Pearly, ang dami ng bitbit nito at naka-shades pa. Tinulungan ito ni Rica sa mga dalahin, tapos ay pabigla niyang hinubad ang shades.

“Uy, ano ba!” sabi nito.

“Yan! Yan ang sinasabi ko sayo bakla ka ng taon, may eyebag ka na naman! Jinombag ka na naman ng hayop na Mark na yan ano?” nakapamewang na sabi niya sa kaibigan.

“Away mag jowa lang naman yun, wala ito. Nagkatampuhan lang, hindi ko kasi sya naibili ng shoes na naipangako ko, kaya nagtantrums si baby boy,” paliwanag ng kaibigan.

Umiling iling siya, “Kaya ako, ayoko ng pag ibig pag ibig na yan, okay na akong maganda lang,” sabi niya. Naaawa siya sa kaibigan pero alam niya namang di ito makikinig sa kanya kahit katukin niya pa ang utak.

Sasagot pa sana ang kausap niya nang tumunog ang windchime ng pinto nila, sabay pa silang napalingon.

“Ikaw na, mag aalmusal lang ako,” sabi ni Pearly. Inihanda na ni Rica ang ngiti at sinalubong ang customer, pero agad siyang napasimangot nang makilala iyon.

“Welcome, umagang kay Ganda ano’ng maipaglilingkod ng pobreng bakla-” tumaas ang kilay niya.

Si Gin, ang tomboy na masungit. Tuwing unang linggo ng buwan ito nagpapagupit, bakit nga ba nawala sa isip niya?

“Dating gawi, clean cut,” sabi nito na hindi tumitingin sa kanya, umupo na ito sa bangko at tinignan siya nang hindi siya kumikilos.

“Ano, titigan tayo?” taas ang kilay na sabi nito.

Napaismid naman si Rica, gwapings sana ito eh. Kaya lang tomboy, di sila talo. Sinimulan niya nang gupitan si Gin at di niya maiwasang titigan ito sa salamin, kapag naman tumitingin ito sa kanya ay siya ang nauunang umiwas.

Ayaw mang aminin ni Rica, matagal niya nang gusto ang tomboy. Kaya lang, may jowa yata ito. Tsaka hello, matitipuhan ba siya nito, eh beki siya, may espada pa rin.

Makalipas ang ilang linggo, nakauwi na ang mga kasamahan ni Rica sa parlor, siya ang naatasang magsara. Ikinakandado niya na ang pinto nang magulat siya dahil may nakahandusay sa gilid noon.

“Diyos ko po! Na-riding in tandem ka ba? Sino ba ito? Ay!” nagulat siya nang mamukhaan ang nakahandusay, si Gin.

Wala namang dugo at humihinga naman, lasing lang pala.

“H-hi magandang beks, gupitan mo ako please? hik!”

“Ay lasing nga, susmaryosep kang babae ka,” sabi ni Rica. Lumingon siya sa paligid, wala nang tao.

Hindi niya naman matitiis na iwanan ito sa ganoong sitwasyon kaya binuhat niya na, at iniuwi.

“Ano ba ang nangyari sayo? Diyos ko ka, eh kung na-rape ka doon. Ate, paalala ko lang ano, may keps ka pa rin.” sabi niya rito.

“Inom pa tayo please?”

“Ay nako ayoko!” sabi niya, nakapantulog na siya ngayon at narito sila sa bahay niya.

“Iniwan niya na ako, di niya na ako mahal. Binigay ko naman lahat eh, bakit ganon? Mahirap bang mahalin ang mga tulad natin? Totoo naman ang pag ibig na ibinibigay natin diba?”

Napatitig siya rito, awang awa siya. Ang sumpa niyang hindi iinom ay nabali. Dahil makalipas ang dalawang oras, mas lango pa yata siya rito.

“Taray! Gandara park mo rin eh no, kaya crush kita eh. Cute cute mo,” sabi ni Rica, hinaplos haplos pa ang mukha ng nakangiting tomboy.

“Ikaw rin, crush kita. Kaya lang hindi tayo talo eh, ang lansa mo,” natatawang sabi nito.

Ilang sandali pa ang dumaan at namayani ang katahimikan. Di na nila namalayang naglapit na ang mga labi nila at nakapikit sila, ninanamnam ang isa’t isa.

Kinabukasan ay pagkalakas lakas ng sigaw ni Rica nang pagmulat niya ay pareho silang nakahubad ni Gin.

“Walang hiya ka ni-rape moko!”

“Kapal naman ng mukha mo, ikaw tong..t-tong tumusok sakin!” sa kauna unahang pagkakataon ay nakita niya itong nahiya at namumula ang mga pisngi.

Hindi maintindihan ni Rica pero napakalakas ng pintig ng puso niya, para bang gusto niyang yakapin si Gin pero nauna na ang hiya at paninibago sa nangyari. Umalis ang tomboy sa bahya niya na walang imik.

Ilang linggo ang nakalipas ay hindi sila muling nagkita. Pero tila nangungulila si Rica, di niya na natiis at pinaghanap niya na ang bahay ni Gin. Naabutan niya itong nasa salas, hawak hawak ang sentido.

“Mag isa ka rin pala,” Napapitlag ang tomboy nang marinig siya. Sasagot pa sana ito pero bigla itong napaduwal at tumakbo sa banyo. Nanlalambot pa ito nang lumabas at sinalubong siya.

“B-buntis ako,” mahinang sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Rica, pero aminin niya man o hindi, sa puso niya ay nakaramdam siya ng tuwa. At hindi niya inaasahan ang sumunod na mga salitang namutawi sa bibig niya.

“Subukan natin?”

Napatingin sa kanya si Gin at tila nag usap ang puso nila, sabay silang napangiti. Hindi umalis si Rica sa tabi ni Gin habang ipinagbubuntis nito ang kanilang anak, nang isilang ang bata ay lalo silang napamahal sa isa’t isa.

Di nagtagal, nagkaaminan rin ang dalawa.

“I now pronounce you, husband and wife!” masayang sabi ng pari, nagpalakpakan ang mga tao.

Hindi tipikal ang kanilang kasalan dahil si Gin ang nakapolo at si Rica ang naka-gown. Kakaiba man sila kumpara sa lahat ay di na nila iyon alintana, basta kapit kamay silang dalawa, kakayanin nila kahit na anong pagsubok.

Dahil ang pag ibig, walang pinipiling katauhan.

Advertisement