Inday TrendingInday Trending
Naging Legal na Mag-asawa ang Dating Magkalaguyo; Magsama Kaya Sila Nang Matagal at Maluwalhati?

Naging Legal na Mag-asawa ang Dating Magkalaguyo; Magsama Kaya Sila Nang Matagal at Maluwalhati?

Wala pa man sa pinto ng condo ay umaatikabong halikan, yakapan, at kapaan ang naganap sa pagitan ng bagong kasal na sina Wilfredo at Sabina. Kapa dito, kapa doon. Himas dito, himas doon. Wala silang pakialam kahit makita pa sila ng utility boy, na noon ay abala sa paglilinis ng sahig. Napakamot na lamang ito ng ulo.

Ni hindi na sila umabot pa sa sofa.

Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto, hinubad ni Wilfredo ang mga saplot ni Sabina na kaniyang bagong misis, gayundin naman si Sabina, na hinubad na rin ang mga saplot ng bago niyang mister na si Wilfredo.

At pinagsaluhan nila ang masarap na pagsasanib ng kanilang mga katawan, puso at kaluluwa.

Umabot sila sa ikapitong glorya. Patayo.

Hingal na hingal silang nahiga sa sahig.

“Hayop ka talaga, Wilfredo! Wala kang pinagbago. Para namang unang beses natin itong ginawa! Sabik na sabik?”

“Masisisi mo ba ako,” tugon ni Wilfredo habang hinahabol ang hininga. “Ito ang unang beses na gagawin natin ito na legal na tayong mag-asawa. Salamat naman at natapos na rin ang annulment ng kasal ko.”

“At hindi na ako tatawaging kabit ng asawa mong si Myra… ay mali pala, ng dating asawa. Ako na ngayon ang legal na misis, Mrs. Sabina Maniarez! Hindi na niya ako makakanti pa. Subukan lang niya at mata lang niya ang walang latay!” ani Sabina na dating kabit lamang, ngayon ay na-promote na bilang legal wife.

“Huwag na nating pag-usapan si Myra. Ang mahalaga ngayon, nagtagumpay tayo sa ginawa nating panlilimas sa pera niya, naloko natin siya, at ngayon, pumayag siyang madaliin na ang annulment namin dahil natakot ang gaga na ilalabas ko ang mga baho niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya,” wika ni Wilfredo.

“Pero totoo ba talaga na may nangyayari sa kanila ng boss niya?”

Natawa si Wilfredo. “Hindi. Pakana ko lang ang lahat ng iyon. Pinakasalan ko lang ang babaeng iyon para sa pera niya. Kaya kinuntsaba ko ang boss niya, na nagkataon laway na laway rin sa kaniya, at kaklase ko noong hayskul. Pumayag naman ang loko. Mainam na iyon kaysa naman sa nauna kong plano kay Myra.”

“Ano ba dapat ang una mong plano sa dati mong misis?” usisa ni Sabina.

“Hindi ko ba nakuwento sa iyo?”

“Hindi. Ano nga?”

“Balak kong ipasag*sa siya. Kunwari, biktima siya ng h*t and run. Pero syempre, may konsensya pa rin ako. Hindi naman halang ang bituka ko kaya hinayaan ko na lang siyang mabuhay. Nasa akin ang huling halakhak dahil mas mautak ako sa kaniya,” nakangising pagmamalaki ni Wlfredo sa ginawa niyang panggigipit sa dating asawa, para lamang mapapayag itong ibigay sa kaniya ang kalahati ng yaman nito, at padaliin pa ang annulment.

Banta niya rito, ikakalat niya ang video nito kung saan kitang-kita ang ginawa nilang kataksilan ng boss sa mismong opisina nito sa kompanya. Pamilyado na rin ang boss nito.

“Baka naman gawin mo rin sa akin iyan ha, kapag nagsawa ka na sa akin?” biro ni Sabina sa kaniyang dating kalaguyo na ngayon ay legal na mister na.

“Hindi ah. Iba ang gagawin ko sa iyo.”

“Ano?”

“Uubusin ko’ng katas mo…”

Umaatikabong pangalawang round.

Pareho silang plakda. Nakatulog na sila sa sahig.

Bandang 10:00 ng gabi, nakaramdam ng gutom ang mag-asawa.

“Ipagluluto kita,” nakangiting sabi ni Sabina. “Tutal, ako na ang misis ngayon, ipapatikim ko sa iyo ang specialty ko.”

“Mas masarap pa sa iyo?” pilyong tanong ni Wilfredo.

“Oo naman. Makakalimutan mo ang pangalan mo…”

“Hindi na baleng makalimutan ko ang pangalan ko, huwag lang ang pangalan mo…”

Kinilig naman si Sabina sa pambobola ng mister. Lumapit na siya sa kalan sa kusina at pinihit na ang stove. Ang gaas nito ay LPG.

“Ikaw talaga… mamaya ka…”

Isang malakas na pagsabog… Boom!!!!

Sa labis na lakas ay nabasag ang mga salamin.

Sa labis na lakas ay halos mawasak ang mga gamit sa loob.

Duguan sina Wilfredo at Sabina.

Naglabasan ang ibang mga naninirahan sa kalapit-unit. Inakala nilang may bomba. May mga nataranta.

Agad na sumaklolo ang mga guwardiya. Nagtawag ng medic. Nagtawag ng ambulansya. Binasag ang lalagyan ng fire extinguisher at sinabuyan ang apoy sa loob ng unit nina Wilfredo at Sabina.

Hanggang sa maririnig na ang sirena ng ambulansya. Isinakay sina Wilfredo at Sabina. Parehong duguan. Parehong habol ang paghinga.

Pagdating sa ospital… wala na… DOA ang deklarasyon ng mga doktor. Malakas ang impact ng pagkakasabog ng tangke ng gaas, na may sira pala. Kulob ang unit nila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sumingaw na gaas mula sa sirang tangke ang naging dahilan ng pagsabog.

Pareho nilang naabot ang ikapitong glorya. Hindi bilang katawang-lupa kundi bilang kaluluwa. Sa glorya nga ba, o sa kailalimang walang hanggan?

Basta ang tiyak, na kay Myra ang huling halakhak.

Advertisement