Inday TrendingInday Trending
Matagal na Nagkawalay ang Mag-ama Dahil sa Hindi Maipaliwanag na Dahilan; Makalipas ang Ilang Taon, Muling Nagkrus ang Kanilang mga Landas sa Hindi Inaasahang Pagkakataon

Matagal na Nagkawalay ang Mag-ama Dahil sa Hindi Maipaliwanag na Dahilan; Makalipas ang Ilang Taon, Muling Nagkrus ang Kanilang mga Landas sa Hindi Inaasahang Pagkakataon

Bata pa lamang si Vanessa nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Matapos ang kanyang ika-5 kaarawan, madalang na lamang niyang makita ang ama, na natatandaan pa niya ang hitsura, hanggang sa tuluyan na nga silang nawalan ng komunikasyon sa isa’t isa.

Hindi na niya nalaman pa kung nasaan ito. Iba-iba ang narinig niyang kuwento mula sa kanilang mga kaanak, kung saan na nga ba napadpad ang kaniyang ama.

May mga nagsabing nambabae ito.

May mga nagsabing masyado itong naaburido sa pagsasama nila ng kaniyang ina, na masyado umanong bungagera.

May mga nagsabi pang diumano ay nawala na ito sa tamang pag-iisip ngunit walang nakaaalam kung saan ito naninirahan.

“Hayaan mo na ang Papa mo, Vanessa. Wala naman siyang kuwentang tao, kaya kalimutan mo na siya,” madalas ay sinasabi sa kaniya ng Mama niya noong maliit pa siya.

“Bakit po natin hahayaan si Papa eh, Papa ko siya at asawa mo po siya, Mama.”

Isang matunog na lagutok ng sinturon ang maririnig.

“Sinabi nang huwag mo na siyang mababanggit-banggit. Tama na yung tayong dalawa lamang anak. Huwag ka nang makulit.”

Simula noon ay hindi na nagtangka pa si Vanessa na usisain ang kaniyang Mama hinggil sa kaniyang Papa.

Nagpokus na lamang si Vanessa sa kaniyang pag-aaral, at sa kaniyang kinahihiligang gawin—ang photography. Gustong-gusto niyang kumuha ng mga litrato gamit ang tradisyunal na camera. Ayaw niyang gamitin ang mga camera ng cellphone.

At ang mas kakatwa sa kaniya, kinahihiligan niyang gawing subject o paksa ay mga taong grasa. Mga taong hikahos na nasa lansangan. Pagkatapos niya silang makuhanan ng litrato ay inaabutan niya sila nang kaunting pera o pagkain.

Nais lamang niyang mapagtuunan nang pansin ang araw-araw na buhay ng isang pulubi. Hindi rin niya alam sa kaniyang sarili kung bakit ito ang naisip niya, marahil ay dahil ito ang nakapagpanalo sa kaniya bilang kampeyon sa timpalak-photo essay para sa journalism ng kanilang paaralan, sa National Level.

Ngunit hindi niya inakala na dahil dito, magbabago ang kaniyang buhay at makikitang muli ang isang taong matagal na nawalay sa kaniya.

Ang kaniyang ama.

Isang araw, habang kumukuha siya ng litrato ng mga pulubi sa kalye, isang matandang lalaking pamilyar sa kaniya ang napasama sa mga litratong iyon. Tiyak niyang ito ang nawawala niyang ama. Ito ay walang iba kundi ang kanyang sariling ama.

Nang lapitan ni Vanessa ang kaniyang ama, nabagbag ang kaniyang puso nang mapagtantong hindi siya nito nakikilala.

Sobrang payat, marumi, at wala sa tamang pag-iisip.

Sinubukan niya itong kausapin, ngunit hindi ito sumasagot.

“Papa, ako ito, si Vanessa… 21 taon tayong nagkahiwalay, pero alam kong ikaw iyan. Ako ang anak mo kay Laura,” umiiyak na sabi ni Vanessa sa kaniyang ama. Sa kabila ng marusing nitong mukha, alam niyang ito ang kaniyang ama.

Wala siyang pakialam kahit napakabaho ng amoy nito.

Wala siyang pakialam kahit marumihan ang kaniyang katawan at damit sa pagyakap dito.

Napansin ng isang dumaang babae ang ginagawa niya at pinayuhan siyang huwag nang mag-abala dahil ilang araw na raw ang lalaki sa lugar na iyon at hindi kumikilos o nagsasalita.

Araw-araw, matiyagang binabalikan ni Vanessa ang lugar na iyon kung saan nakaupo lamang at nakatigil ang kaniyang amang taong grasa, kinakausap at inaalok niya ng pagkain.

Nakatulala lamang ito at parang tinatanaw ang isang malawak na walang hanggan Hindi niya alam kung makakaya ba niyang mapagaling muli ang kanyang ama. Ngunit hindi siya sumuko.

Minabuti niyang makipag-ugnayan sa isang pagamutan para sa mga taong may espesyal na pangangailangang pagkalinga sa isipan, na nakabase sa Mandaluyong. Doon ay inalagaan at sinikap na mapagaling ang kaniyang ama.

Nakilala lamang siya ng kaniyang ama nang makita nito ang kaniyang ina, si Laura. Nagulat si Vanessa nang maisiwalat ang katotohanan kung bakit bigla na lamang nawala ang kaniyang Papa noon. Galing na mismo sa bibig ng kaniyang Mama ang katotohanan.

“Patawarin mo ako kung pinagtaksilan kita noon at nahuli mo pa kami sa kama. Patawarin mo ako. Magpagaling ka na, at magsisimula ulit tayo,” umiiyak na sabi ni Laura sa kaniyang Papa.

Makalipas ang ilang buwang gamutan ay tuluyan na ngang gumaling ang Papa ni Vanessa. Pinatawad nito ang kaniyang Mama sa kasalanang ginawa nito sa kaniya. At muling nabuo ang kanilang pamilya.

Noong 2003, bilang isang mag-aaral, nagsimula si Kim ng isang photo essay tungkol sa mga pamayanan na walang tirahan at mga pulubi. Ipinagpatuloy niya ang proyekto at adbokasiyang ito ng mga ilang taon.

Advertisement