Inday TrendingInday Trending
Walang Pamilyang Dumadalaw sa Matandang Ito sa Hospital, Kung Kaya Ipinamana Niya ang Kanyang Kayamanan sa Isang Taong Hindi Niya Kaanu-ano

Walang Pamilyang Dumadalaw sa Matandang Ito sa Hospital, Kung Kaya Ipinamana Niya ang Kanyang Kayamanan sa Isang Taong Hindi Niya Kaanu-ano

Apat na taon nang nurse si Salome sa ospital na pinapasukan niya ngayon, kaga-graduate niya lamang noong nagsimula siyang magtrabaho rito. Noong una ay hindi niya naman talaga gustong maging nurse, pinilit lang siya ng tiyahin niyang nasa US, ito kasi ang nagpa-aral sa kanilang magkakapatid at maganda raw ang kita ng nurse. Nang magtagal ay natutunan nang mahalin ni Salome ang propesyon, marami siyang natutunan na di niya akalaing kaya niya pala. Na-enjoy niya na ang pagtulong sa mga doktor upang magligtas ng buhay, at pag aalaga sa mga pasyente. Nariyan din na nakikiiyak siya sa tuwing may babawian ng buhay. Kahit kailan ay di na siya nasanay, at sa tingin niya ay di na siya masasanay pa sa ganoong eksena, walang kasing sakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Naka-assign ngayon si Salome na magbantay sa ward at isa sa mga pasyenteng napalapit na sa kanya ay si Mrs. Cruz, mabait ang matanda at palaging nakangiti. Tanging kasambahay lamang ang madalas na kasama nito na umuuwi rin ‘pag gabi. Maputi makinis ang balat ng matanda, at halatang maganda ito noong kabataan dahil kahit kulubot na ay bakas pa rin ang mukha nito. Hindi nagtangkang magtanong si Salome kung nasaan ang mga anak nito dahil tila ayaw iyong pag usapan ng matanda. “Ma’am, kumusta po ang pakiramdam nyo?” nakangiting tanong niya rito isang umaga. Kinuhanan niya ito ng blood pressure, tinignan niya rin ang dextrose nito at ini-record iyon sa hawak niyang folder nito. “Ayos naman ako hija, ngayong nakita na kita. Ikaw lang ang nangungumusta sa akin,” sabi nito. “Ma’am, trabaho ko naman pong tignan kung ayos lang ang mga pasyente.” sagot niya rito. “Alam ko, pero bukod sa trabaho mo alam kong ginagawa mo yan dahil may concern ka sa amin. Sa mga nurse dito ikaw lang ang may malasakit talaga anak,” sabi nito. Tumaba naman ang puso ni Salome. Di niya akalaing may makaka-appreciate ng kanyang ginagawa. Maya maya pa ay iniabot ng matanda sa kanya ang isang panyo. May burda iyon, Ezperanza Cruz 111838. “Sa iyo na lang yan, mahalaga sa’kin ang panyong yan, magagamit mo yan pagdating ng panahon.” sabi nito sa kanya. Napangiti naman si Salome, di niya akalaing bibigyan siya ng matanda ng isang regalo, ganoon pala ito katuwa sa kanya. Tiyak na birthday nito ang naka-burdang mga numero doon. Ilang linggo ang nakalipas, pumanaw ang matanda. Walang kamag anak na pumunta para silipin man lang ito, katulong lang din ang nag-ayos ng lahat. Sa awa ni Salome ay pumunta siya sa bahay nito kung saan ito ibinurol at laking gulat ni Salome na napakalaki pala ng bahay ng matanda! Puro katulong lang ang naroon, at ilang mga kaibigan na di niya kilala. Maya maya pa ay nilapitan siya ng isang lalaking nagpakilalang attorney. “Ikaw si Nurse Guevarra?” tanong nito. “Ako nga ho.” sabi niya. Hinanap nito sa kanya ang panyo, at pagkatapos ay may pinapirmahan. Bago pumirma ay nag usisa muna si Salome, mahirap na basta basta umoo sa isang bagay na di siya sigurado. “Sa’yo ipinamana ng matanda ang lahat ng ari-arian nya. Ang nakaburda raw na numero sa panyong ibinigay niya ay ang pin code sa kanyang savings sa bangko, gamitin mo sana ng maayos hija.” nakangiting sabi ng attorney. Anong? Paanong? Magtatanong pa sana si Salome, pero muling nagsalita ang attorney. “Siguro ay sayo nakita ng matanda ang concern at pagmamahal na pinagkait ng sariling mga anak. Malaki ang tiwala niyang di mo sasayangin ang kanyang ipinamana.” sabi lang nito at umalis na. Di makapaniwala si Salome, sa simpleng kabutihang pinapakita niya rito at napakalaki pala ng magiging kapalit. Ginamit niya ang pera upang pag aralin ang mga kapatid, nagpatayo rin siya ng Home for the Aged na aampon sa mga matandang inabandona na ng pamilya katulad ni Mrs. Cruz. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement