Inday TrendingInday Trending
Bukod sa Pananakit ay Nilagyan pa ng Sili ng Nars ang Maselang Parte ng Inaalagaang Matanda; Magugulat Siya sa Ganti ng Bilyonaryang Pasyente

Bukod sa Pananakit ay Nilagyan pa ng Sili ng Nars ang Maselang Parte ng Inaalagaang Matanda; Magugulat Siya sa Ganti ng Bilyonaryang Pasyente

Anim na buwan pa lamang sa trabaho bilang nars si Anjinet. Isa siya sa mga naatasang mag-alaga sa isang matandang babae na walang pamilya at nag-iisa na sa buhay. Bukod sa kanya ay makakasama niya sa pag-aalaga ang kapwa niya nars na si Lauren. Pareho silang nagtatrabaho sa isang pribadong ospital sa gabi at sa umaga ay inaalagaan nila ang pasyenteng ini-assign sa kanila. Wala naman silang ibang gagawin kundi ang bantayan, pakainin, paliguan, palitan ng damit at painumin ng gamot ang matandang pasyente at pagkatapos niyon ay maaari silang magpahinga dahil may duty rin sila sa gabi. Ang nagbabantay naman sa matanda tuwing gabi ay ang pinaka-pinagkakatiwalaang kasambahay nitong si Aling Loleng na matagal na ring nagsisilbi rito na umuuwi pagsapit ng umaga.

Mabait, mapagpasensiya at maalaga si Lauren samantalang si Anjinet ay masama ang pag-uugali. Wala itong malasakit sa mga pasyenteng inaalagaan lalo na kapag matanda. Pinasok lang naman ng dalaga ang trabahong iyon para magka-pera dahil alam nitong malaki ang kita sa ganoong propesyon.

Ang matandang aalagaan ng dalawang babae ay si Mrs Armida Delos Santos, walumpu’t dalawang taong gulang, isang balo at na-stroke kaya hindi na nakakakilos. Mabait naman ang matandang babae na hirap na ring magsalita dahil sa kalagayan nito. Dahil mayroon namang pensyon at malaking ipon sa bangko ay naisip ng matanda na magpaalaga sa sarili nitong bahay. Mas gusto ng ginang na sa bahay ng namayapang asawa manirahan at doon alagaan ng dalawang nars na kinuha nito. Sa bahay rin kasing iyon naratay ang nasirang mister nang magkaroon ng malubhang sakit. Gusto nitong doon din ubusin ang natitirang mga araw sa mundo dahil ang bahay na iyon ang naging pundasyon ng pagmamahalan nila ng asawa.

“Anjinet, napakain ko na si Mrs. Delos Santos ng tanghalian, pasuyo nalang ng gamot niya ha?” sabi ni Lauren.

Napairap si Anjinet sa sinabing iyon ng kasama. Mabilis niyang kinuha ang mga gamot at dumiretso sa kuwarto ng matanda. Ni hindi na siya nag-abalang alalayan sa pagtayo ang kanyang pasyente. Kahit nakahiga ay sapilitan nitong ibinuka ang bibig ng matanda at ipinasok ang kutsara na may gamot.

“Hala, sige, lunok!” inis niyang sabi.

Nagkandaubo ang matanda at biglang nahirapang huminga.

“T-tubig, hija. P-Pengeng tubig,” anito.

Imbes na pakinggan ay hindi niya ito inasikaso sa halip ay kinuha sa bulsa ang selpon at kinutingting iyon.

“T-tubig pakiusap, pengeng tubig,” sabi ulit ng matanda na napahawak na sa dibdib.

“Tumigil ka nga riyan, tanda! Ang arte mo naman! Lunukin mo na lang ng laway mo iyan. May pa-drama epek ka pa na kunwari’y nahihirapang huminga, parang uminom ka lang ng gamot, eh. Huwag kang mag-alala, hindi ka pa mamamat*y diyan kaya manahimik ka na okay?” singhal niya rito.

Ngunit hindi tumigil ang matanda.

“Pakiusap, pengeng tubig, hija, pakiusap. Nahirinan ako sa gamot na pinainom mo,” hirit nito na nagkakanda-tabinge na ang bibig habang nagsasalita.

Padabog na nilapitan ng dalaga si Mrs. Delos Santos.

“Puny*ta ka! Um!” sabi niya saka binato ng napulot na libro ang ginang.

Nasapol sa ulo ang matanda na labis nitong ininda bukod pa sa nahihirapan na itong huminga.

Maya-maya ay pumasok sa kuwarto si Lauren.

“O, anong nangyari? Anong ginawa mo kay Mrs. Delos Santos?” nag-aalalang sabi ng dalaga na agad na inalalayan ang matanda.

“Ewan ko ba sa gurang na ‘yan. Biglang nag-inarte. Pinainom ko na nga ng gamot kung anu-ano pang ka-dramahan ang ginagawa,” palusot ni Anjinet sa kasama.

Kahit masakit ang ulo sa ginawang pagbato sa kanya ay pilit na nagsalita ang matanda.

“Pengeng tubig, hija, pakiusap,” anito.

Dali-daling pinainom ni Lauren ang kanilang pasyente. Nang guminhawa ang pakiramdam nito ay napayakap ito nang mahigpit sa dalaga.

“Salamat, hija. Maraming salamat,” wika ng matanda.

“Walang anuman po. Magpahinga na po muna kayo. Mamaya na lang po ulit kami papasok rito sa kuwarto niyo kapag kailangan niyo ulit uminom ng gamot,” magalang na sagot ni Lauren.

Paglabas nila ng kuwarto ay kinausap ni Lauren ang kasamang nars.

“Ano ba talaga ang nangyari, Anjinet? Bakit parang hirap na hirap at takot na takot si Mrs. Delos Santos kanina?” pag-uusisa nito.

“Wala. Alam mo naman ang matandang ‘yon, masyadong maarte. Dina-dramahan ka lang niya at nagpapa-awa epek lang,” tugon ni Anjinet.

“Ikaw na ang umintindi, Anjinet. Mahina na si Mrs. Delos Santos at may mga nararamdaman na rin kaya tayo na lamang ang umunawa. Narito tayo para alagaan siya at paglingkuran sa abot ng ating makakaya. Iyan ang sinumpaan nating tungkulin ‘di ba?” paunawa sa kanya ng kasama.

Ngunit kahit sinabihan na siya ni Lauren ay hindi niya iyon pinakinggan. Hindi doon natapos ang pagmamaltrato niya sa matanda. Habang tumatagal ay namimihasa siya sa pang-aabuso rito palibhasa ay mahina na ito at hindi na nakakakilos, parang mas lalo siyang natuwa na saktan ang kaawa-awang pasyente. Palagi niya itong hinahampas ng unan, sinasampal-sampal, kinukurot-kurot, pinapaltukan at minumura. Dito niya ibinubuhos ang lahat ng pagkabuwisit niya sa kahit anong bagay. Masaya siya kapag nasasaktan ang matanda.

Isang araw ay mas lalo siyang nainis dahil umihi ito sa higaan. Wala si Lauren sa bahay dahil bumili ng gamot kaya siya lang ang naiwan doon.

“Anak ng! Ilang beses mo nang ginagawa ang pag-ihi mo sa higaan ha? Pagod na pago na akong magpalit ng diaper mo, tanda!” bulyaw niya.

Sa takot ay napaluha si Mrs. Delos Santos sa galit ni Anjinet. Nang makita ng dalaga na mangiyak-ngiyak na ang matanda ay mas lalo siyang ginanahan na takutin ito.

“Alam ko na para matuto ka, tanda. Sa gagawin ko ay tiyak na hindi mo na uulitin ang pag-ihi mo sa higaan. Teka,” wika niya at lumabas. Pagbalik niya ay may dala na siyang siling labuyo. Inangat niya ang suot na bestida ng matanda at ipinahid sa maselang bahagi ng katawan nito ang sili. Napaigik ito sa sobrang hapdi.

Napahagikgik si Anjinet habang nakikitang nahihirapan ang matanda.

“Ano? Matututo ka na ngayon?! Huwag ka nang iihi sa higaan!” natatawa niyang sabi.

Ganoon na ang ginagawa niya rito pag ‘di sinasadyang napapaihi sa kama, pinapahiran niya ng siling labuyo ang kaselanan ni Mrs. Delos Santos. Tinakot pa niya ang matanda na kapag nagsumbong ito sa kasama niya ay mas malala pa roon ang gagawin niya rito.

‘Di nagtagal, dahil sa kahinaan ay sumakabilang buhay na rin si Mrs. Delos Santos. Lihim na nagdiwang si Anjinet sa isip dahil sa wakas ay wala nang alagain. Tapos na ang pagsisilbi niya sa buwisit na matanda. Labis naman ang lungkot at iyak ni Lauren nang mawala ang kanilang pasyente, napamahal na kasi ito sa dalaga na itinuring na ring parang lola.

Nagulat ang dalawang nars nang dumating sa bahay ang may edad na lalaki na nag-asikaso sa burol at libing ng matanda. Nagpakilala ito na si Mr. Castro, ang abogado ng yumaong pasyente. Matapos na ihatid sa huling hantungan si Mrs. Delos Santos ay kinausap sila ng attorney.

“Ang sasabihin ko ay tungkol sa naiwang pera at ari-arian ni Mrs. Delos Santos. Alam ba ninyo na isa siya sa pinakamayamang negosyante sa bansa? Nagmamay-ari siya ng tatlong malalaking kumpanya rito sa Maynila at dalawang malaking hacienda sa probinsya. Napakarami rin niyang pera na nakaimpok sa bangko. Hindi lang milyon kundi bilyon ang pera niya. Sinadya niyang ilihim ang kanyang pagkatao dahil gusto niya na mamuhay lamang na simple. Isang tindero lang ng sapatos ang napangasawa niyang si Ernesto, ngunit kahit magkaiba ang antas nila sa buhay ay sila’y nagmahalan. Sa kasamaang palad ay hindi naman sila biniyayaan ng anak kaya nang pumanaw ang mister ay naiwang mag-isa si Mrs. Delos Santos. Mayroon siyang tatlong mala-mansyong bahay ngunit mas ginusto niyang tumira rito sa simpleng bahay ng kanyang yumaong asawa na simbolo ng wagas nilang pag-ibig sa isa’t isa. Dahil wala namang ibang nabubuhay na kamag-anak ang ginang ay naisip niyang ipamana ang lahat ng kanyang pera at ari-arian sa mga taong nag-alaga, tumulong at naghirap sa kanya,” wika ni Mr. Castro.

Nagulat ang dalawang nars sa sinabi ng may edad na abogado. Hindi sila makapaniwala na isa palang bilyonarya si Mrs. Delos Santos na sa kabila ng payak na pamumuhay nito sa maliit at lumang bahay ng asawa ay ubod pala ito ng yaman.

Sa narinig ay lumapad ang ngiti ni Anjinet. Sa isip niya ay isa siya sa pamamanahan ng matanda dahil isa siya sa mga naghirap na alagaan ito ngunit nawala iyon nang muling magsalita ang abogado.

“Ang lahat ng pera niya at ari-arian ay hahatiin at ibibigay sa pinakamatagal na niyang kasambahay na si Loleng na matiyagang nagbabantay sa kanya tuwing gabi, sa iba pa niyang kasambahay na nangangalaga sa tatlo niyang mansyon at sa mabait na nars na si Lauren na walang sawang nag-alaga sa kanya pagsapit naman ng umaga,” sabi ng attorney habang binabasa ang testamento.

Napamulagat si Anjinet nang hindi nito binanggit ang pangalan niya. Bagsak ang balikat niya sa nilalaman ng huling habilin ni Mrs. Delos Santos kaya ‘di niya naiwasan na magtanong.

“Teka, attorney, bakit hindi ako kasama sa binigyan ng mana? Nag-alaga rin naman ako kay Mrs. Delos Santos, isa rin ako sa naghirap sa kanya,” hirit niya.

Ngunit mas ikinagimbal niya ang isinagot ni Mr. Castro.

“Wala ka talagang nakuhang mana ni kusing dahil hindi ka naging mabuti kay Mrs. Delos Santos. Nakasaad dito sa testamento ang lahat ng pagmamaltr*to at pang-aabuso mo sa kanya. Lingid sa iyong kaalaman ay mayroong CCTV dito sa loob ng bahay niya kaya kitang-kita ang lahat ng ebidensiya sa ginawa mong pananakit sa kanya lalo na ang paglalagay mo ng sili sa maselang bahagi ng kanyang katawan na labis niyang ininda noong nabubuhay pa siya kaya kinasusuklaman ka niya. Hiling din niya na ipatanggal ka sa trabaho sa pinapasukan mong ospital para hindi na pamarisan pa ng ibang nars ang ginawa mo,” sambit ng abogado.

Gulat na gulat si Anjinet sa nalaman niya. Sobra siyang napahiya sa harap ni Mr. Castro at ng kasama niyang si Lauren na napapailing nang malaman ang mga pinaggagagawa niya sa pumanaw nilang pasyente.

Laking suwerte ni Lauren dahil sa kabutihang ipinakita niya kay Mrs. Delos Santos ay biglang yaman siya dahil sa pamana nito. Samantalang kinarma naman si Anjinet na natanggal na nga sa pinagtatrabahuhang ospital ay sising-sisi pa dahil wala siyang nakuha ni singkong duling sa bilyonaryang inapi-api at pinahirapan niya. Kung naging mabait lamang siya sa matanda ay nakahiga na sana siya sa limpak-limpak na salapi.

Advertisement