Pinagtawanan ng Babae ang Dating Kaklase Dahil OFW at Katulong Lang sa Ibang Bansa, Paglipas ng Panahon ay Kinain Niya ang Sinabi Niya
Nakaismid si Loribeth nang marinig ang sinabi ng kakwentuhan. Apat sila ngayong nakaupo sa balkonahe ng kanilang tahanan, magkakaklase sila noong high school. Kapitbahay rin niya ang mga ito kaya madalas silang magkuwentuhan. Sa kanilang apat, si Loribeth lang ang nakapag-aral ng kolehiyo kaya siya lang din ang may matinong trabaho, ang mga kaibigan ay asa lang sa mga asawang maliit naman ang kinikita. Kung hindi magchi-chismisan ay magbi-bingo naman sa tapat ng bahay nila, ayos lang iyon kay Loribeth dahil may pagkakataon siyang ipagyabang ang narating niya kaysa sa narating ng mga ito. Kaya naman ganoon nalang ang pagsimangot niya nang malamang pupuntang abroad ang kaklaseng si Marjorie. “Abroad? Paano ka naman pupuntang abroad aber?” nanghahamong tanong niya, hindi naman ito nakapag-college! “Nasa Qatar kasi ang tiyahin ko at sabi raw ay nangangailangan pa ng isang-” hindi natapos ni Marjorie ang sasabihin nang sumabat si Loribeth. “Ahh, katulong. OFW, mangangamuhan ka tama? Sabagay iyon lang naman talaga ang opening para sa inyo friend, kung college level siguro makakapag-opisina ka.” payo niya rito na may halong pang uuyam. Di naman iyon pinansin ni Marjorie. “Ano ba’ng inaasahan ko? Ang mga di nakapag-aral na tulad nila, tapos mahina pa ang ulo syempre magiging kasambahay lang sa ibang bansa. Kawawa naman, habangbuhay na silang ganyan.” Makalipas ang ilang taon. Nagmamadali si Loribeth na sumakay ng tricycle, male-late na kasi siya sa opisina. May mga araw talagang tinatanghali siya ng gising dahil sa pag aasikaso sa mga anak, minsan nga ayaw na niyang pumasok pero hindi naman pwede dahil maliit pa lang ang kanyang naipon. “Kuya ano ba yan bakit traffic?” asar na wika niya rito. “May construction yata te. Yung kina Marjorie ginagawa nang apartment, ang yaman nga eh. Balita ko pitong kwarto ang ipinapagawa diyan.” kwento ng driver. Ahh, baka binenta na ni Marjorie ang lupa dahil wala silang panggastos. “Saan na pala titira sina Marjorie?” tanong niya sa mama, excited marinig na nabigo ang ‘kaibigan’. “Ang alam ko, sa subdivision na. Balita ko nga ay binili niya rin ng bahay ang nanay niya. Iyan daw lumang bahay ay pauupahan na lang. Grabe, talagang nagsumikap si Marj ano, ubod ng yaman na daw ngayon eh.” sabi nito. Maya maya pa ay may tumigil na magandang kotse at bumaba roon si Marjorie. Sa unang tingin ay hindi makikilala ang babae, nakangiti ito sa mga trabahador at may dalang meryenda. Ipinadiretso na ni Loribeth ang tricycle, ayaw niyang magpakita dahil kinakain siya ng sariling hiya sa mga salitang binitawan niya rito noon. At hindi niya kayang makita siya ni Marjorie na naka-tricycle lang. Hindi siya makapaniwala sa narating nito. Halos nanginginig siya sa inis dahil sa sobrang pagkainggit. Paanong nalamangan siya ng babaeng yun? Para naman kay Marjorie, ginamit niyang inspirasyon ang bawat masasamang salita na ibinato sa kanya upang magtagumpay. Nagsumikap siya ng walang inaapakang tao. Pinangako niya sa sarili na hindi siya uuwi ng Pilipinas hangga’t wala siyang napapatunayan. Gusto niyang mapatunayan sa lahat na hindi sukatan ang kakulangan niya sa edukasyon upang magtagumpay. Ginamit niya ang diskarte, tiyaga at pagmamahal sa trabaho upang marating niya ang kinalalagyan niya ngayon. Tunay na ibinababa ang mga mapagmataas. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.