Inday TrendingInday Trending
Ikinagulat ng Babae ang Biglaang Pag-Uwi ng Nobyo Galing Saudi, Isang Kahindik-Hindik na Pangyayari Pala ang Kanyang Malalaman

Ikinagulat ng Babae ang Biglaang Pag-Uwi ng Nobyo Galing Saudi, Isang Kahindik-Hindik na Pangyayari Pala ang Kanyang Malalaman

Overseas worker si Jerwin sa Saudi Arabia. Dalawang taon na siyang naka-destino doon bilang office staff ng isang malaking kumpanya.

Sa ibang bansa nakakatagpo ang mga Filipino ng higit na magagandang kapalaran kaysa makikita sa sariling bayan. Kakaunti ang pagkakataon at mahirap na umunlad sa sariling bansa.

Isa sa maraming Pinoy si Jerwin na sa ibang bansa nakahanap ng maayos na trabaho. Naisipan niya na magpunta sa Saudi upang mapabilis ang pag-iipon ng perang pangkasal, pati na ang pambayad sa upa sa isang karaniwang tirahan, sapagka’t ibig na niyang lumagay sa tahimik. Nais na niyang mapakasal kay Enelyn, ang pitong taon na niyang kasintahan.

Masakit man sa kanyang kalooban ang mawalay kay Enelyn at ang mapalayo sa kanyang mga magulang at kapatid, nagpasiya pa rin si Jerwin na magtrabaho at magtiis kahit na kung saang lupalop ng mundo siya makarating.

Mahusay na empleyado si Jerwin. Matalino siya at masipag. Isa rin siyang tao na tunay at buo ang relasyon kay Hesu Kristo. Madasalin siya at mapagbasa ng Bibliya. Dala, marahil, ng marubdob niyang paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos, nakapanggagamot siya sa mga maysakit.

“Pastor, may kababayan tayo na nangangailangan ng tulong. Baka maaari niyong gamutin?” tanong ng isa niyang kasamahan.

“Saan natin puwedeng puntahan ang kababayan nating ito?” balik niyang tanong.

“Sumunod po kayo sa akin!” anito.

Kung may nagkakasakit at lumalapit sa kanya para magpagamot sa pamamagitan ng dasal, tinatanggap ni Jerwin, sa loob ng kanyang tirahan, ang ganoong mga nangangailangan ng tulong.

Maraming bawal sa Saudi sa dahilang naiiba ang kultura at relihiyon ng mga tao doon. Kinailangang makibagay sina Jerwin at ang kanyang mga kasamahan sa naiibang kaugalian at nang sila ay hindi mapasama. Ang pinaka-matindi sa lahat ng bawal ay ang paghahayag sa salita ni Hesu Kristo, ang pagbasa sa Bibliya, o ang pagdiriwang ng mga ritwal na pang-Kristiyano sa harap ng publiko, para makaakit ng mga disipulo. Naniniwala ang mga Muslim kay Hesu Kristo bilang propeta at pinapayagan ang mga Kristiyano na sumamba sa kanilang simbahan; ngunit ang gawaing pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay tuwirang paghamon sa paniniwala ng mga ito.

Isang araw sa Pilipinas, sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Enelyn ay may dumating na isang lalaki. Labis na ikinagulat ng babae nang makita ito.

“Jerwin, bakit ka narito, kailan ka pa umuwi galing Saudi?” Gulat na gulat na salubong ni Enelyn sa lalaki.

“Ah, e…” anito.

“Hindi, bale. Mamaya mo na ipaliwanag. Siguro gutom na gutom ka na. Umupo ka muna at dadalhan kita ng pagkain.”

Habang nakaupo at kumakain ang lalaki ay ‘di mapigil ni Enelyn ang yakapin ang lalaki at halikan ito sa pisngi, sabay bulong, “Magpapaalam ako sa aking boss, at nang makasabay na ako sa iyo sa pag-uwi.”

Walang tigil ang kuwento ni Enelyn. “Magugulat tiyak, pero matutuwa, si Inay. Palagi ka nga niyang kinukumusta sa akin. Bakit hindi ka muna tumawag sa cell phone bago ka umuwi?” aniya.

Ngunit tila tahimik ang lalaki at nakangiti lang sa kanya.

Sa may pintuan ng hotel ay nag-aabang na si Leonor at handa nang lumakad. Inabot niya ang kamay sa lalaki at lumakad sila na magkahawak ang mga kamay.

“Sinorpresa mo ako nang husto, Jerwin. Bakit nga di ka nagsabi na ikaw ay uuwi?”

“Mangyari ay…”

“Hay naku, pinaligaya mo talaga ako!”

Kinawayan ng dalaga ang isang taxi driver. Hinatak ang lalaki na sumakay na at sila’y mabilis na inihatid ng driver sa patutunguhan.

Sa kasabikan ni Enelyn ay siya na ang nagbigay ng direksyon sa driver. “Maligaya Inn sa Taguig, mama.” At habang nasa taxi ay walang tigil ang himas at satsat ng babae.

“Siguro ay marami ka nang naipon at tayo’y pakakasal na. Sasabihan ko ang ating mga kaibigan. Kanino ko kaya ipatatahi ang trahe de boda? Saan mo nga pala iniwan ang mga bagahe mo? Hindi, bale, mamaya na natin pag-usapan ang lahat ng iyan.”

Sa Maligaya Inn, sa loob ng malamig na kuwarto, ay nagkaroon ng pag-iisa at katahimikan ang magkasintahan na matagal nang hindi nagkikita. Nag-aapoy ang damdamin ni Enelyn. At ang lalaki na sa una ay maligamgam lamang ang pakiramdam, sa gayong pagkakataon, ay hindi maaaring hindi mag-init na rin sa pananabik. Nilingkis nito sa yakap ang kasintahan at binigyan ng maiinit na halik.

“Teka lang!” sabi ni Enelyn, “Hintay muna.” At siya ay naghubad ng damit. Pagkakatapos ay hinubaran ng damit ang lalaki. Inakay niya ito patungo sa banyo.

At doon ay nagsalo sila sa paliligo sa ilalim ng dutsa na nagsabog ng maligamgam na tubig sa kanilang mga nag-iinit na katawan.

‘Di nagtagal at itinanghal sa gitna ng malambot na kama ang pag-iibigan ng ng dalawa na kapwa punung-puno ng pananabik, panggigitil, at pagkawala sa sarili. May malaking salamin sa kisame, sa tapat ng kama, at ito ay ang naging natatanging saksi sa pagtatalik ng magkasintahan.

Sa paghaplos sa katawan ng lalaki ay napansin ni Enelyn ang malaking peklat nito sa leeg. Isinawalang bahala niya ang nakita. “Mamaya ko na siya tatanungin.” Sa pagkakataong iyon ay di mahalaga ang pangungusap. Di mahalaga ang paliwanag.

Nang matapos ang kanilang kaligayahan sa kama ay nagpaalam siya sa lalaki na pupunta muna siya sa staff ng Inn para kunin ang kanilang bill. Nang nasa reception area na siya ay napansin niya ang isang pahayagan na nakapatong sa mesa.

Hindi niya mawari ngunit parang may nag-uutos sa kanya na basahin iyon. Laking gulat niya nang makita ang litrato ng kasintahang si Jerwin na nasa headline ng pahayagan. Binitay ang lalaki sa Saudi sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo nito. Nagkamali ito sa pagiging matulungin. Iyong batang maysakit na ibig niyang pagalingin sa pamamagitan ng dasal ay hindi Kristiyano kundi anak ng mag-asawang Muslim.

Hindi gumaling ang bata bagkus ay lumubha pa ang karamdaman at nasawi. Isinisisi kay Jerwin ang pagkawala ng bata. Mabilis ang paglilitis. Napakabilis ng mga pangyayari. Dinakip ang lalaki, ikinulong, at hinusgahan kaagad na may sala. Ang mas lalo niyang ikinagimbal ay nangyari ang pagbitay nung nakaraang araw.

“Diyos ko, Jerwin… Hindi!” tangi niyang nasabi.

Dali-dali siyang bumalik sa kuwarto at nang tingnan iyon ay wala na roon ang lalaki.

Hindi na napigilan ni Enelyn na mapahagulgol ng iyak sa nangyari sa kasintahan.

“Kaya ka ba nagpakita sa akin? Kaya ba pinaligaya mo ako ng husto sa kama, iyon ay dahil alam mong hinding-hindi ka na babalik?” iyak niya sa isang tabi.

Napagtanto ni Enelyn na ang pagpapakita ng kasintahan ay ang paraan nito ng labis na pagmamahal sa kanya. Na kahit sa huling pagkakataon ay gusto siya nitong makasama at maipadama sa kanya ang pag-ibig na inialay nito sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement