Inday TrendingInday Trending
Isang Gabi ay Nagising ang Balikbayang Babae na Wala sa Tabi ang Mister; Nadurog ang Kaniyang Puso nang Mahuli itong Kasama ang Kanilang Katulong

Isang Gabi ay Nagising ang Balikbayang Babae na Wala sa Tabi ang Mister; Nadurog ang Kaniyang Puso nang Mahuli itong Kasama ang Kanilang Katulong

Matapos ang tatlong taong kontrata ni Rosa sa kaniyang pangingibang bansa ay umuwi siya ng Pilipinas. Masaya siyang sinundo ng kaniyang pamilya, napakahigpit ng pagkakayakap niya kay Victor na kaniyang asawa, at sa kanilang limang taong gulang na anak na si Savi.

“Mahal! Sobrang namiss ko kayong dalawa!” bati niya kay Victor habang hinahagkan ito.

“Namiss ka rin namin, mahal! Heto ang baby natin, ang laki-laki na.”

“Oo nga. Hi Savi, halika! Buhat ka ni mama.”

Sa kanilang pag-uwi ay nagaabang kay Rosa ang maliit na salo-salo na hinanda ng kaniyang pamilya, naroon ang ilan sa malalapit nilang kamag-anak at mga kaibigan.

“Rosa, kumusta naman ang buhay mo roon sa Taiwan? May balak ka bang bumalik?” tanong ng kaniyang tihayin.

“Maayos naman po tiyang, wala pa po akong plano sa ngayon, nag-aalala ako na baka lumaki si Savi na hindi ako kilala.”

“Tama yan, Rosa! Bantayan mo ang anak mo, lalo na ang asawa mo,” wika ng babae bago umalis.

Nagtataka man si Rosa sa ibig ipahiwatig ng kaniyang tiya ay hindi niya na ito binigyang pansin. Masyado siyang pagod sa byahe at gusto na lamang niyang makapagpahinga. Habang naglalakad papunta sa silid nilang mag-asawa ay nakasalubong niya ang isang estrangherong babae.

“Miss, sino ka? Bakit ka nandito sa bahay ko?” tanong niya.

“Ah Rosa, si Amy nga pala, siya yung nabanggit kong bagong yaya ni Savi,” sabat ni Victor.

“Ah ganun ba? Sige. Pasensya ka na ha? Magpapahinga na muna ako, mahal.”

Kinabukasan ay maagang umalis si Victor upang pumasok sa trabaho, naisipan ni Rosa na ipasyal ang kaniyang anak upang masolo niya ito.

“Amy? Pakigising mo naman si Savi, sabay kaming mag-aalmusal.” wika niya sa katulong.

Walang imik na sumunod naman si Amy sa kaniyang amo, pakamot-kamot siya ng ulo habang naglalakad patungo sa silid ng bata.

“Savi, gising na! Mag-aalmusal daw kayo ng nanay mo,” sigaw niya sa bata.

Nang bumangon si Savi ay inayos niya ang higaan nito at sinamahan patungo sa kainan.

“Aalis kami ngayon Amy, ikaw na ang bahala rito sa bahay ha?” bilin ni Rosa.

“Ah sige po, ate,” sagot ng katulong.

Sa isang linggong pananatili ni Rosa sa kaniyang tahanan ay ramdam niyang mayroong kakaiba sa kanilang katulong. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit napakalamig ng pakikitungo nito sa kaniya. Isang gabi ay nasagot ang lahat ng katanungan niya.

“Victor?” mahina niyang tanong habang kinakapa ang asawa sa tabi ng kama. Mahimbing na natutulog si Rosa ngunit nagising siya ng isang kalabog sa kanilang kusina. Nang bumangon siya ay wala sa kaniyang tabi si Victor.

“Wag kang maingay, baka magising si Rosa,” bulong ni Victor sa katulong habang hinahalikan ito sa leeg sa may palikuran.

“Bakit mo pa kasi pinauwi yan? Eh di sana hindi tayo nagtatago ng ganito.” wika ng babaeng nagtatampo.

“Wag kang mag-alala, kukumbinsihin ko siyang umalis na ulit. Hmm ang bango bango mo ngayon, Amy.”

Tinanggal ni Victor ang blusa ni Amy at saka hinubad ang kaniyang suot na boxer shorts. Walang kamalay-malay ang dalawa sa mga nanlilisik na mata ni Rosa habang pinapanood sila sa kanilang paghaharutan.

“Mga walang hiya kayo! Napakababoy niyo! Sa sarili ko pang bahay ha Victor?!” sigaw niya.

Hindi naman magkandaugaga ang dalawa sa pagtatago ng kanilang hubad na mga katawan.

“Rosa bitawan mo yang kutsilyo, mag-usap tayo!” Pakiusap ni Victor.

“Wala tayong pag-uusapan, kitang-kita ko lahat Victor, at ikaw Amy, kaya pala may padabog-dabog ka pa sa tuwing naguutos ako. ‘Yon pala kabit ka ng asawa ko!”

Sa sobrang galit ni Rosa ay pinalayas niya ang asawa at ang kalaguyo nito sa kanilang tahanan, wala namang nagawa si Victor dahil si Rosa naman ang nagbayad ng bahay na iyon.

“’Wag na ‘wag ka nang babalik Victor, kinasusuklaman kita!”

“Rosa, please! Wala akong pupuntahan.”

Pinagsaraduhan ni Rosa ng gate ang dalawa at pumasok sa loob ng bahay, labis siyang nalugmok sa kataksilan ng kaniyang mister. Nagtungo siya sa silid ni Savi at doon nahiga sa tabi ng anak.

Sa loob ng tatlong buwan ay na paulit-ulit na binalikan ni Victor ang kaniyang mag-ina ngunit hindi siya pinagbubuksan ng mga ito ng pintuan. Hanggang sa nalaman niya na lamang na ibinenta na ni Rosa ang bahay.

“Victor, magdadalawang linggo nang wala riyan ang mag-ina mo, balita ko ay naibenta na ni Rosa ang bahay,” wika ng kapitbahay.

Kung saan-saan niya rin hinanap ang kinaroroonan ng mag-ina ngunit naging mailap ang mga ito sa kaniya. Isa sa mga kamag-anak ni Rosa ang nakapagsabi sa kaniya na wala na sila sa Pilipinas at isinaman na ni Rosa ang kanilang anak sa Taiwan. Hindi na nakita ni Voctor ang kaniyang pamilya kailanman.

Samatalang si Rosa naman ay umaasa na magkakaroon ng panibagong buhay sa ibang bansa kasama si Savi, mahirap man ang kaniyang kalagayan doon ay pinilit niyang buhaying mag-isa ang bata.

“Anak, dito na tayo titira ha? Simula ngayon ay tayong dalawa na lang.”

“Wala na si Papa tsaka si Yaya Amy?” tanong ng bata.

“Wala anak eh, huwag ka mag-alala, hindi kita pababayaan.”

Niyakap ni Amy ang paslit habang naluluha. Umaasa siyang darating ang panahon na mapapatawad niya rin si Victor sa lahat ng ginawa nito sa kaniya at muling mabubuo ang kanilang pamilyang nawasak.

Makalipas ang ilang taon, tuluyan nang gumaling ang mga sugat sa puso ni Amy. Sa tulong ng anak niyang si Victor ay nakalimot siya sa mapapait na niranas niya sa dating asawa. Kaya naman hindi nagtagal ay isang lalaki ang bumihag ng kanyang puso. Isang pilipino rin na nakatira rin sa bansang iyon. Sa lalaking iyon niya naranasan ang tunay na pagmamahal, kaya naman hindi nagtagal ay ikinasal na rin silang dalawa. Bukod pa rito, buong puso ring tinanggap ng lalaki ang anak ni Amy.

Laking pasasalamat ni Amy dahil kung hindi nagloko ang dati niyang asawa ay hindi niya matatagpuan ang lalaking tunay na magpapaligaya at mag-aalaga sa kanilang mag-ina.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement