Isang Matandang Lalaki ang Pumasok Sa Pangmayamang Restaurant ang Pinaalis ng Babae Dahil Mukha Itong Pulubi, Agad Siyang Kinarma Kinabukasan
“Congrats, Mia! Deserve mo yan!” bati ng kanyang mga kaibigan. Dahil sa kanyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho, na-promote si Thelma bilang bagong Manager ng isa sa pinakamahal na restaurant sa syudad.
“Nako, salamat friend. Alam mo naman matagal ko na talagang ipinagdarasal itong posisyon na ito,” sagot ng dalaga.
“Kaya nga eh, saka alam naman namin na pinaghirapan mo rin talaga ito. Kaya nga sabi namin talagang deserve mo yan girl!” nakangiting sagot ng kanyang kaibigan.
“Salamat ulit, friend!” sambit ni Mia.
Mahal ang mga pagkain rito ngunit sobra rin namang sarap. Kaya kahit mga tao galing sa ibang lugar ay dumadayo rito para lang matikman ang ipinagmamalaking pagkain ng restaurant na ito.
Ngunit parang naging restaurant na rin ito ng mga mayayaman lang dahil halos nasa walong daan agad ang isang plato ng pagkain rito.
Kadalasan ang mga pumapasok at kumakain rito ay talagang mga nakabihis ng magagarang kasuotan. Kung may pumasok man na simple lamang ang pananamit, makikita pa rin sa kanilang relo o alahas na talagang sila ay may pera.
Noong una ay natutuwa sa kanya ang kanyang mga kaibigan dahil talagang napakasipag pa rin niya sa kanyang trabaho. Pero habang tumatagal ay napansin nilang tila nagbabago ang ugali ni Mia at nagiging mayabang ito.
Wala namang problema sa kanila ang mapagsabihan lalo na kung mali ang kanilang nagagawa sa trabaho. Pero pati ang paraan ng pagsasalita ni Mia patungo sa kanila ay nagbago na rin na parang wala siyang respeto sa mga kasamahan niya. Sinubukan nilang kausapin si Mia tungkol dito.
“Mia, pwede ka ba naming makausap?” tanong ng isa sa kanyang kaibigan na waitress sa restaurant.
“Ano ‘yon? Pakibilisan lang kasi may mga gagawin pa ako,” sagot ng dalaga.
“Kasi Mia, napansin namin na yung pagalit mo sa amin ay hindi na maganda. ‘Di ko naman sinasabing wag mo na kaming pagsabihan, pero sana maging makatao ka manlang kasi kung minsan ay para bang sobra na,” nakayukong sagot ng isa niyang kaibigan.
“Eh kung ginagawa niyo kasi ng tama ang trabaho niyo at di kayo pat*nga t*nga, eh ‘di sana ‘di ko kayo pinapagalitan. Sino ba sa atin ang b*bo sa trabaho? ‘Di ba kayo?” naiiritang sagot ni Mia.
Hindi nakasagot ang mga kaibigan ni Mia, kaya’t nagsalita muli ang manager, “Kung ayaw nitong napapagalitan, wag kayong tat*nga t*nga ha,” at sabay alis niya.
Mula noon ay hinayaan na lamang nila si Mia, pero iyon na rin ang naging pagtatapos ng kanilang pakikipagkaibigan sa kanya
Wala namang pakiala si Mia rito, sa kanyang isip, hindi niya naman kailangan ang mga taong iyon dahil manager na rin naman siya.
Bilang isang manager ng magarbong restaurant, isa sa mga trabaho ni Mia ang bumati sa reception ng mga taong papasok pa lang.
Isang araw mayroong matandang lalaki ang dere-deretsong pumasok sa restaurant na ito at agad na umupo sa isa sa mga bakanteng la mesa.
Iba ang nasa reception area ng mga panahon na iyon kaya’t hindi siya nakita agad ni Mia.
Pero nung napansin ng dalaga ang matandang lalaki na ito, agad niyang nilapitan ang matanda. Plano agad ng dalaga na paalisin ang matandang ito dahil halatang-halata naman sa kanya na wala siyang pera pambili ng kahit anong pagkain sa kanilang menu.
“Excuse me ho, naliligaw ho ata kayo,” entrada agad ni Mia nang makarating sa kinauupuan ng matanda.
“Ay hindi hija, pasensya ka na. Galing kasi ako sa mahabang paglalakad at ang kainang ito ang una kong nakita. Manghihingi lang sana ako ng isang basong tubig, at aalis na rin ako pagkatapos,” sambit ng nanghihinang matanda.
“Pasensya na pero wala nang libre ngayon. Kung hindi mo kayang bayaran ang baso ng tubig dito, umalis ka na lang at maghanap ng ibang mahihingan. May mga customer pa kami at kailangan na nila itong la mesa,” sagot ni Mia.
Agad namang tumango ang matanda at tumayo at dumeretso paalis ng restaurant.
Kinabukasan, habang maraming tao at talagang busy ang mga tao sa loob ng restaurant, isa sa mga waiter ang tumakbo papasok ng restaurant, ”Mga kaibigan! Nakita ko ang sasakyan ng may-ari ng restaurant na ito sa labas. Mukhang isa na naman itong sorpresang pagbisita. Ayusin ninyo na ang sarili niyo.”
Agad-agad na nag-ayos ng damit, mukha at buhok si Mia. Panigurado ay puri ang aabutin niya sa may-ari ng restaurant dahil sa kanyang kasipagan.
Ngunit, pagpasok na pagpasok ng may-ari ay namutla ang dalaga. Ang may-ari pala ng restaurant ay ang matandang lalaki na tinanggihan niya ng tubig kahapon. Agad siyang hinanap ng may-ari at kinausap.
Bago pa man makapagsalita ang matanda ay humingi na ng kapatawaran ang dalaga sa nangyari kahapon.
“Wag kang mag-alala, pinapatawad kita. Nagpapasalamat ako sa isang tulad mo na nagtatrabaho sa restaurant na ito, masipag ka,” sambit ng may-ari.
Napangiti ang dalaga sa narinig. Ngunit hindi pa tapos magsalita ang may-ari, “Pero, Mia, hindi lamang kasipagan ang mayroon dapat ang nagtatrabaho dito sa restaurant ko. Kahapon, ipinamalas mo ang ugaling hindi ko nagustuhan at hindi ko ito hahayaan dito.”
Gustong maglaho ni Mia ng mga oras na iyon mula ng sinabi sa kanya na wala na siyang trabaho. Ngayon, huli na ang lahat dahil nagawa na niya ang hindi niya dapat ginawa. Pero ito ay nagsilbing aral para sa dalaga. Tunay ngang nasa huli ang lahat ng mga pagsisisi.