Inday TrendingInday Trending
Babae sa Beerhouse

Babae sa Beerhouse

Maagang nabuntis si Chona. Katorse anyos lamang siya noon, tapos ay iniwan siya ng ama ng kanyang anak. Wala siyang ibang nagawa kundi ipamigay ang sanggol dahil di niya naman alam kung paano ito bubuhayin. Ulilang lubos na kasi siya.

Mula noon, nasira na ang kanyang buhay. Nawalan siya ng direksyon. Lumuwas siya sa Maynila at doon ay nagtrabaho bilang GRO. Kung sinu-sino ang nakabuntis sa kanya at tulad ng dati, ipinamimigay niya ang bata.

Hanggang ngayong kwarenta anyos na siya, tuloy pa rin ang trabaho. Nasa club pa rin siya, tutal ay hindi pa naman ganoon ka-tanda ang kanyang itsura.

Sige siya sa pag inom ng alak nang matanaw sa isang gilid ang gwapong lalaking mag isang tumutungga ng beer.

“Hoy, akin yan,” pasimple niya pang hinila ang buhok ng isa pang GRO na magtatangka sanang lapitan ang lalaki.

“Si mama naman. Ma-shonda kana! Bigay mo na sakin si pogi,”

“Basta doon kana! Wag kang nangingialam Carlota ha,” pagtataray niya.

“Huy. Wag mong sabihin ang pangalan ko ang baho. Carla ako rito. C-A-R-L-A! Carla!”

Hindi niya na ito kinibo at nagmamadali na siyang lumapit sa lalaki.

“Hi pogi,” bati niya. Tingin niya ay nasa trenta anyos na ito. Napansin niya agad ang singsing nito, tanda na kasal na ang lalaki.

Tinanguan lang naman siya nito at itinuloy na ang pag inom.

“Ay, may problema ka,” wika niya.

Ngumisi ito, “Nag away kami ni misis eh.”

“Ang bad naman ni misis. Kung ako ang misis mo, hindi kita aawayin. Paliligayahin kita.”

Natawa naman ang lalaki sa sinabi niya, “Look. Tita… miss… kung ano man ang itatawag ko sa iyo. Hindi ako narito para maghanap ng babae. Gusto ko lang talagang uminom,”

“Okay. Hindi naman kita pinipilit. Ang sa akin lang, mapagaan ang loob mo. Ano ba naman iyong tumikim ka ng ibang ulam paminsan-minsan, habang malamig pa ang misis mo. Ay! Ibig ko sabihin, habang malamig pa ang ulam na paborito mo.”

Umorder pa ito ng maraming alak, sinamantala iyon ni Chona. Nang mapansin niyang lasing na ang lalaki ay sinunggaban niya ito kaagad ng halik. Dahil na rin sa alak ay di na ito nanlaban pa.

Ang club nila ay may mga kwarto talaga para sa ganitong kaganapan, doon niya dinala ang binata at nagpaangkin siya rito.

Hindi niya naman akalain na babalik-balikan siya ng customer, na ang pangalan pala ay CJ. Akalain niya ba na ang isang thundercat na pakawala ay makakabiktima pa ng bata, gwapo at mayamang parokyano!

Ayon rito, malapit kasi ang loob nito sa kanya at natutuwa pang kakwentuhan siya. Ayaw mang aminin ni Chona ay parang napalapit na ang loob niya rito.

Maraming beses nang may nangyari sa kanila hanggang sa isang gabi ay yayain siya ni CJ.

“Saan tayo? Ayaw mo pa bang pumunta sa kwarto?” tanong ni Chona.

“Wag na dyan. Ang sikip at ang dumi. Hotel naman tayo para maluwag… maliwanag. Mas makikita kita.” masuyong sabi nito.

Kinikilig namang pumayag ang babae. Pagdating doon ay walang usap-usap, agad silang nagsanib ng katawan.

Dahil sa pagod ay nakatulog agad si CJ. Sinamantala naman ni Chona ang pagkakataon na mamasdan ito. Marami na rin naman siyang naging customer na gwapo noong kabataan niya pero ewan niya kung bakit iba ang tibok ng puso niya sa isang ito.

Tumayo siya at naligo sandali. Nagtuyo siya ng katawan pagkatapos, hihiga na sana siya ulit upang tabihan ito nang mapasulyap siya sa paa ni CJ na nakalabas sa laylayan ng kumot.

Nanlambot si Chona. Napaupo siya sa sahig.

May balat ang talampakan nito, katabi ng nunal.

Hinding-hindi niya malilimutan iyon… ang balat at nunal sa talampakan ng kanyang panganay na ipinamigay niya noon.

Dahil sa kalabog ng kanyang pagkakaupo ay naalimpungatan ang lalaki.

“Huy, okay ka lang-“

“Wag! Wag mo akong lalapitan…” nangangatog ang kalamnan na sabi ni Chona.

“Okay, okay.” natatawang sabi ng lalaki at itinaas ang dalawang kamay tanda na sumusuko ito.

“Sabihin mo, nasaan ang mga magulang mo?” halos ungol nalang iyon na lumabas sa bibig niya.

“Bakit mo naman naitanong? Pero sige. Ampon lang ako. Di ko alam kung nasaan sila. Ang nanay ko, katorse anyos raw nang manganak. Lumuwas sa Maynila… iniwan ako sa Negros Occidental. Matandang mag asawang di magkaanak ang nag alaga sa akin.”

Napa-tanda ng krus si Chona. Ito nga. Ang kanyang anak!

Dali-dali siyang nagbihis habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha. Tapos ay hinawakan niya ang dalawang pisngi ni CJ.

“Ayusin mo ang pamilya mo. Mangako ka sa akin na aayusin mo ang buhay mo. Patawarin mo’ko Nak,” iyon lang at nagmamadali niyang iniwan ang naguguluhang lalaki.

Minabuti niyang huwag nang ipaalam rito ang lahat para di magulo ang buhay nito. Nagpakalayu-layo si Chona.

Palagi siyang nagdarasal na sana ay mapatawad ng Diyos ang kanyang immoralidad. Hiling rin niya na sana, kung mabubuhay siyang muli sa mundo ay mabigyan siya ng pagkakataon na maging mabuting ina.

Advertisement