Isang Dalaga ang Nagbigay ng Isang Basong Gatas sa Estrangherong Ito, Hindi Niya Inaasahan na sa Ganong Paraan Susuklian ang Kanyang Kabutihan
Isang araw, isang mahirap na binata na nagngangalang Jim ay nagbebenta ng mga pagkain sa mga bahay-bahay para mayroon siyang pambayad sa kanyang eskwela.
Madalas ay wala itong dalang pera. Uhaw at gutom na siya at nakitang limang piso na lamang ang pera niya. Ito ay sapat lamang para siya ay makabili ng isang tinapay.
Sa sobrang uhaw niya ay nag desisyon siyang makisuyo ng tubig sa susunod na bahay na kanyang kakatukin.
Ngunit, nahiya siya nang makitang isang dalagang babae ang nagbukas ng pinto. Naglakas loob na lamang siya dahil sa sobrang gutom at uhaw niya.
“Miss, pwede ba akong makahingi ng isang basong tubig. Pasensya na ha. Sobrang nauuhaw lang talaga ako,” tanong ito.
Imbis na tubig binigyan siya ng isang basong punong puno ng gatas ng dalaga.
“Heto po,” at kanyang inabot ang baso sa binata.
Dahan dahan niya itong ininom at nang matapos ay tinanong, “Salamat po ha. Magkano po ang ibabayad ko?”
“Naku. Wala po. Wala naman pong bayad ‘yon. Tinuruan kami ni nanay na hindi dapat tumanggap ng bayad sa kabutihan,” sagot ng dalaga.
Nagulat ang binata sa kanyang sagot dahil wala pa siyang nakikilalang taong tumanggi sa bayad para sa maliit na pabor.
Nagpasalamat siyang muli, “Salamat ulit ha. Sana balang araw maibalik ko ang kabutihan mo.”
Dahil siya ay galing sa mahirap na pamilya, si Jim ay dumadaan halos araw-araw sa iba’t-ibang problema. Maraming beses na rin niyang ninais sumuko ngunit ang kabutihan ng dalaga ay nagbigay sa kanya ng bagong liwanag sa buhay.
Sa kanyang pag-alis sa bahay ng dalaga, hindi lamang lumakas ang kanyang pisikal na katawan ngunit siya rin ay napunong muli ng pag-asa.
Maraming taon ang lumipas at isang matinding sakit ang dumapo sa dalaga. Maraming tao ang nag rekomenda na bumisita siya sa pinakamagaling na doktor sa siyudad.
Tadhana ngang maitatawag dahil ang doktor na ito ay ang lalaking binigyan niya ng pag-asa noon dahil sa isang basong gatas.
Nang marinig ni Jim kung saang probinsya galing ang dalaga ay may kakaiba siyang naramdaman at hindi naiwasang mapangiti.
Agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at dumeretso sa kwarto ng pasyente.
Habang suot-suot ang doctor’s gown, binisita niya ang dalaga. At nang makita niya kung sino ito ay agad niya itong nakilala.
Ngunit hindi siya nakilala ng dalaga. Pero para kay Jim ang mahalaga ay ang pag-galing ng dalaga.
Simula noong araw na iyon ay determinado siyang iligtas ang buhay ng dalaga. Kaya naman simula noon ay binigyan niya ng espesyal na atensyon sa kaso ng dalaga.
At matapos rin naman ng matagal na panahon ay gumaling rin ito. Hindi naging madali ngunit sa wakas ay siya ay magaling na.
“Dok, salamat po sa paggamot niyo sa aming anak,” ani ng nanay ng dalaga.
“Trabaho ko po iyon, huwag po kayo mag-alala,” sagot niya habang nakangiti.
“Salamat po ulit dok sa pagpupursige niyong gamutin ako,” sabi ng dalaga habang naiiyak.
“Walang anuman. O siya, kailangan mo munang magpahinga para makalabas ka na rin ng ospital. Ituloy mo parin ang pagpapagaling mo sa bahay ninyo, okay?“ anito bago lumabas ng kwarto.
Ilang araw ang makalipas, kailangan nang tingnan ang medical bill. Kinakabahan ang pamilya ng dalaga dahil alam nilang malaki-laki ang kanilang babayaran.
Pero bago ito mapunta sakanila, idinaan muna ito kay Jim para sa kanyang approval. Tinignan niya ito at may isinulat sa baba ng papel bago ipinadala sa kwarto ng pamilya.
Natatakot ang pamilya dahil sigurado silang hindi sapat ang mga trabaho nila para bayaran ang lahat ng nagastos nila sa ospital.
Pagbukas nila sa papel tinitigan nila ito ng maigi at ang mga nakasulat sa pinakababa ang nakakuha ng kanilang pansin.
“Paid in Full – with one glass of milk.”
Hinding hindi makakalimutan ni Jim ang kabutihang pinakita ng dalaga sa kanya noon. Kaya naman ito lamang ang nakikita niyang paraan para maibalik ang kabutihan ito.
Walang nasabi ang dalaga at maging ang mga magulang niya ay naiyak sa kabutihang ginawa ni Jim.
Kaya naman, bago siya tuluyang umalis ng ospital ay minabuti niyang bumisita muna sa opisina ng doktor.
“Excuse me po,” anito matapos kumatok sa pintuan.
Naangiting nagkatinginan ang dalawa. Hindi agad nakapagsalita ang dalaga kaya naman si Jim na ang nagsimula nang kanilang paguusap.
“Namukhaan kita kaagad nang makita kita sa kwarto mo. Noong binigyan mo ako ng isang baso ng gatas, ay nabuhayan ako ng loob dahil sa kabutihang pinakita mo. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit ako nagpursige at naging doktor,” panimula niya.
“Naaalala kong sinabi ko sa’yo dati na sana masuklian ko ang kabutihan mo. Mabuti ang tadhana dahil nagkita ulit tayo para mabayaran ko ang kabutihan mo sa ganitong paraan,” dagdag niya.
“Hindi niyo na po iyon kailangang gawin, pero maraming salamat na rin po dahil hindi rin namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad kanina. Kaya salamat po talaga,” naiiyak na sabi ng dalaga.
Mula nang araw na iyon ay sila’y nakabuo ng isang magandang pagkakaibigan.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!