Inday TrendingInday Trending
Unang Gabi Natin Darling

Unang Gabi Natin Darling

Isang gabi bago ang araw ng kasal nina Ryan at Lyn, makikita ang binata na nakahilata sa kaniyang kama. Nakatulala sa kisame habang halos mapunit ang pisngi sa laki ng ngiti nito. Naaalala pa kasi niya, isang taon ng nakakaraan ng siya ay sagutin ng nobya niyang si Christine.

“Napakarami ng nanliligaw sa kaniya, halos lahat may mga kotse at magagara ang damit. Samantalang ako, simple lang, pero alam ko, may ipon ako at kaya kong bumuhay ng pamilya!” dedikadong banggit niya sa kaniyang sarili. Patuloy pa rin ang pagbabalik tanaw ng binata dahil puno rin ng kaligayahan ang kaniyang puso.

“Ano kayang ginagawa niya?” Tanong niya sa sarili na halos kilig na kilig. Matapos ay kinuha niya ang kaniyang telepono. Kahit na pinagbawalan silag huwag muna mag-usap dahil sa pamahiin, pilit niya pa ring kinontak ang nobya.

Patuloy sa pag-ring ang telepono ng nobya. Isa, dalawa, tatlong beses. Kabado na si Ryan dahil baka kung ano na ang nangyari kay Lyn. Ngunit maya-maya lamang ay sumagot na rin ito.

“Hay! Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo, mahal ko. Alalang-alala ako sa’yo, alam mo ba ‘yon?” tuloy-tuloy niyang wika.

“Sandali, ma…” naputol na banggit ng nobya.

“Ssshh. Huwag ka nang magsalita. Alam kong sasabihan mo lang akong hindi tayo dapat mag-usap dahil magagalit ang mama mo kapag nalaman niyang hindi natin siya sinunod. Hindi na bale, bukas ng gabi magkakasama na tayo, mahal ko. Sobra akong excited for that!” biglang wika naman ni Ryan sa kaniyang nobya na nakikinig lamang sa telepono.

“May gusto sana akong sabihin…” wikang muli ni Lyn ngunit ito’y muling naputol nang nagsalita ulit si Ryan.

“Alam ko, alam ko… Mahal mo ako? Oo, mas mahal kita at mamahalin pa kita habang-buhaaay!” maligayang wika ni Ryan sa nobya. At saka siya nagpaalam at sinabihang magpahinga na ito.

Dumating ang kinaumagahan. Hindi pa man tumitilaok ang mga manok at sumisikat ang araw, masigla na ang mga ngiti ni Ryan. Abala niyang tinatawagan ang mga nangangasiwa ng kanilang kasal ni Lyn. Aniya, ito ang araw na hinding-hindi makakalimutan ng kaniyang nobya. Isa pa, ayaw niyang masabihan ng ibang tao na nagkamali si Lyn sa pagpili sa kaniya. Gusto rin niya na mapabilib ang mga magulang ng nobya. Sobra kasing higpit ng mga iyon na kahit halik man lang ay hindi niya nakuha sa loob ng isang taong pakikipagrelasyon sa dalaga. Wika ng mga ito, hindi raw dapat dahil hindi pa sila kasal, na iyon ay hindi moral na gawain. Sa una man ay ayaw niyang sundin, ngunit dahil sa pagmamahal niya kay Lyn, natiis niya ito at nirespeto.

“This is it… Ito na ang babaeng mamahalin at makakasama ko habang-buhay…” nakangiting wika ni Ryan sa kaniyang isip. Tumutulo ang kaniyang mga luha habang nakikita ang kaniyang mapapang-asawa na naglalakad patungo sa kaniya. Kasabay nito ay ang mabagal at romantikong musika na siyang nagdagdag ng drama sa mga oras na iyon.

Natapos ang seremonya ng kanilang kasal. Abala ang dalawa sa mga bisita na dumarating at lumalapit upang batiin silang dalawa. Taas noo si Ryan dahil kita niya kung gaano ka engrande ang kasalan nilang dalawa. Para sa kaniya’y sulit ang lahat. Ngunit mapapansin sa kaniyang asawa na si Lyn ang lungkot sa mga mata nito. Ngunit wika na lamang niya sa kaniyang sarili, marahil ay hindi rin makapaniwala iyon na isa na rin siyang asawa.

Pagkarating ng gabi, pagod na pagod ang dalawa sa araw na iyon. Alam ni Ryan na iyon na ang pagkakataon upang mahagkan na niya sa wakas ang asawang si Lyn. Hindi na siya makapaghintay pa. Nauna siyang naglinis ng katawan at hinintay ang asawa sa kanilang kama.

Dumaan ang maraming oras, naalimpungatan si Ryan at naisip na marahil ay nakatulog siya dahil sa pagod. Ngunit nang mapansin niyang wala si Lyn sa tabi, agad niya itong hinanap sa buong bahay. Hanggang sa marinig niya ang hikbi ng isang babae sa kanilang balcony. Nagulat siya sa kaniyang nakita na naroon si Lyn at magang-maga ang mga mata nito sa kakaiyak. Agad siyang lumapit dito upang patahanin at tanungin ang problema. Ibubuka pa lamang niya ang kaniyang bibig ng mabigla siya sa sinabi ng asawa.

“Dati akong lalaki!” malakas na wika nito.

Mamimikit-mikit ang kaniyang mga mata at nanliliit dahil sa pagtataka sa sinabi ng asawa. “Ha? Ano’ng sinabi mo?” wika niya.

“Nagpa-opera lang ako… Isa na akong babae. Inayos ko lahat pati sa pangalan, lahat lahat!” sagot naman ni Lyn habang puno ng luha ang kaniyang mata at pisngi.

Binitawan siya ni Ryan na noo’y hindi halos makapagsalita. Bumagsak ang kaniyang damdamin habang lumalakad papalayo sa kaniyang asawang si Lyn na panay sa paghingi ng tawad.

Dumaan ang ilang mga linggo na hindi nag-uusap ang dalawa. Habang si Lyn, umuwi sa kanilang bahay at sinisisi ang kaniyang pagkatao. Ngunit bigla na lamang dumating ang araw na tinawag siya ng kaniyang ina dahil naroon daw si Ryan at gusto siyang kausapin.

Patuloy pa rin ang panlulumo nito. Alam niya sa kaniyang sarili na naroon lamang si Ryan upang magkaroon ng annulment dahil hindi siya kailanman matatanggap nito.

“Umuwi ka na sa bahay. Miss na miss na kita, mahal ko…” mga salitang galing mismo kay Ryan na siyang naglagay ng ngiti sa mga mukha ng dalawa. Pinatawad ng lalaki ang kaniyang nobya at sinabing hindi hadlang ang nakaraan nito para tanggapin siya. Alam niyang hindi anuman ang minahal niya sa asawa, kundi ang buong pagkatao nito at handa siyang tanggapin ang babae maging sinuman siya.

Advertisement