Inday TrendingInday Trending
Isang Dating Kaklase ang Nanghingi ng Isang Daang Piso sa Babae; Nang Subukan Nila Itong Supresahin ay Nahindik Sila sa Nalaman

Isang Dating Kaklase ang Nanghingi ng Isang Daang Piso sa Babae; Nang Subukan Nila Itong Supresahin ay Nahindik Sila sa Nalaman

“’Pa, may laman ba ‘yung e-wallet mo? Baka naman pwede mong pasahan ‘tong ibibigay kong numero. Kahit isang daang piso lang,” nagmamadaling sabi ni Rona sa kaniyang mister na kakalabas lamang sa banyo.

“Ang aga naman yata niyang mga inorder mo online, hindi pa nga tayo nag-aagahan ayan na kaagad ang bungad mo sa akin,” inis na sagot ni Eric ang mister ng babae.

“Ito naman napakamapanghusga, hindi ito para sa akin. Nag-chat kasi ‘yung kaklase ko nung hayskul nanghihingi ng kahit isang daan pangdagdag daw sa gamot ng anak niya e ang tagal na nun na hindi nagpaparamdam. Nakakagulat naman na ang aga ay nanghihingi kaagad siya, kawawa naman, ‘pa,” malungkot na sagot naman ni Rona rito.

“Sus, pangtatalpak lang ‘yan! Gan’yan na mga budol ngayon,” natatawang sagot naman ng lalaki.

“Hindi, maniwala ka sa akin, basta maniwala ka,” sagot muli ng babae at mabilis na pinasahan ang kaklase nito.

“Tingnan mo, nagbigay ka kaagad. Sa susunod ay palagi ka ng uutuin niyan, pusta ako,” singit pang muli ng kaniyang mister ngunit binalewala lamang ito ni Rona at saka niya kinausap muli ang kaklase sa Facebook.

“Pasensiya ka na talaga, Rona, ang aga kong nangistorbo sa inyo pero maraming salamat talaga. Makakabili na ako ng gamot ni baby,” sabi ni RJ ang dating kaklase niya.

“Wala ‘yun, sana gumaling na si baby mo,” sagot naman ni Rona. Gusto pa sana niyang kumustahin ito ngunit nararamdaman niya ang hiya sa lalaki kaya naman naisipan niyang buhayin muli ang group chat nila ng ilang kaklase noong hayskul sa Facebook.

“Hala, nanghingi na rin sa akin ‘yan nung nakaraang buwan naman. Pambili raw ng gatas ng anak niya,” sabi ng isa niyang kaklase.

“Pero alam ko mayaman ang pamilya niyan dati, ‘di ba? Ano’ng nangyari bakit nanghihingi na ng pera ‘yan?” tanong ng isa nilang kaklase.

“Ayon na nga, iyon din ang alam ko saka isa pa, hindi biro lumunok ng pride para manghingi ng pera sa mga taong hindi mo na nakakausap. Kaya baka naman hirap na hirap na talaga ‘yung kaklase natin na ‘yun,” nababagabag na wika ni Rona. Hanggang sa naglabasan pa nga ang iba pa nilang kaklase na hiningan ni RJ ng tulong pinansiyal at lahat ng mga nakausap niya ay isang beses lamang silang hiningan nito kaya naman alam ni Rona na may mabigat na pinagdaraan ang kanilang kaklase.

Kaya naman naisip nilang mag ambagan at sorpresahin si RJ at kasabay na rin nga nito ay ang pagkikita nila makalipas ang halong dalawang dekada.

“Mabuti na lang talaga at naisipan mong ganito ang gawin nating reunion, hindi lang basta kita-kita may matutulungan pa tayong tao,” wika ng isang kaklase ni Rona habang naghihintay sila sa iba pa para puntahan na ang bahay nila RJ.

“Kaya ako, naniniwala talaga ako na bilog ang mundo kasi akalain niyo, ang yaman nun dati pero ngayon humihingi na lang ng pera sa atin. Minsan pa nga naisip ko nung nanghingi siya sa akin ay baka naman niloloko lang ako pero hindi ko na lang din nilagyan ng malisya dahil isang beses lang naman siya nanghingi. Baka kapos din talaga,” sabi pa ng isa nilang kaklase.

“Hayaan niyo, lahat ng paghihinala natin ay matatapos na lalo na ngayong malapit na tayo kina Rj,” masayang wika ni Rona ngunit siya man din ay malaki ang baong pangamba dahil tutol ang kaniyang mister sa ideya niyang ito ngunit itinuloy pa rin nya.

Hanggang sa makarating sila sa bahay ng dati nilang kaklase at kitang-kita nilang lahat na hirap ito sa buhay. Halos kubo lamang ang tinitirhan nito, walang gamit at walang maayos na damit.

“Naku, huwag na talaga, nahihiya akong papasukin kayo sa bahay namin. Pasensiya na pero dito na lang sana tayo,” pagpapaumanhin ni RJ sa kanilang lahat.

“Salamat talaga at nag-abala pa kayo, sana hindi na kasi nakakahiya na ‘yung panghihingi ko sa inyong lahat,” nahihiyang wika muli ng lalaki.

“’Wag ka nang mahiya, p’re, reunion natin ngayon. Balak sana namin na dito na mag-inuman sa inyo para hindi ka na rin lumabas ng bahay. Dala na namin lahat ng kailangan, kwentuhan na lang ang kulang,” masayang wika ni David isa nilang kaklase.

Ngunit kahit anong pagpupumilit nila ay tila ba nagmamadali si RJ na mapaalis sila sa bahay nito at dahil nahiya na rin ang grupo nila Rona ay nagkusa na rin silang mauna. Iniwan na lamang nila ang isang sakong bigas at ilang mga pinamili para sa lalaki.

“Naku, kay RJ ba kamo kayo nagpunta? Akalain mo may kaibigan pa pala ‘yun na katulad niyo? Hindi niyo ba alam ang kalokohan ng lalaking iyan? Gusto na nga namin ipabarangay pero buti na lang at nakaalis na si Merry sa kaniya kaya hinayaan na lang namin,” sabi ng tindera na nakausap nila na malapit pa sa lugar ng lalaki nang huminto sila para bumili ng maiinom.

Doon na nila natuklasan ang totoo, na nakunan ang asawa ni RJ nang dahil sa pananakit nito at nang mawala na ang bata sa sinapupunan ng babae ay wala namang ginawa si RJ kung ‘di pags@m@ntal@han muli ang babae at bugb*gin ito kahit nga hindi pa ito nakakabawi sa kaniyang lakas. Lulong na rin sa bisyo at sugal si RJ ayon sa mga kapitbahay nila.

Sa oras ding iyon ay bumalik ang magkaklase upang kausapin si RJ at kompirmahin ang kanilang nalaman. Hindi nagsalita ang lalaki at naiyak lamang ito. Sa tulong nilang lahat ay dinala nila si RJ sa kinauukulan upang mapa-rehab ito. Halos isang taon din ang lumipas nang kumustahin muli ng magkaklase si RJ.

“Alam niyo, salamat sa inyo kasi hindi niyo ako sinukuan. Masyado na akong nalulong noon sa dr*g@ at wala na ni isa sa mga kapitbahay ko ang gustong tumulong sa akin kaya salamat sa inyong lahat!” naiiyak na siwalat ni RJ sa kanila. Napaluha na lang din ang lahat dahil hindi nila lubos akalain na ganito kalayo ang mararating ng pagtutulung-tulungan nila. Kahit nga marami silang pagdududa noon ay may isa silang buhay naman silang nasagip mula sa kadiliman ngayon.

Advertisement