Sa Sobrang Babaero ng Lalaki ay Sinundan Niya ang Magandang Dalagang Bumaba sa Bus, May Inihanda Pala Itong Sorpresa sa Kanya
Matinik sa babae at kilalang palikero si Bernado. May karapatan naman kasi siyang magyabang dahil bukod sa nagtataglay ng kaguwapuhan ay may ibubuga rin ang kanyang katawan kaya di maiwasan na mahumaling rin sa kanya ang mga babaeng dinidigahan. Ang ilan sa mga ito ay pumapayag na sumama sa kanya magdamag.
Isang gabi na napakalakas ng ulan ay nagmamadaling sumakay ng bus si Bernardo. Habang nakaupo ay napansin niya ang katabi niyang babae na ubod ng ganda at seksi. Maputi ito at may mahabang buhok. Mistulang galing sa opisina ang magandang dilag dahil sa suot nitong unipormeng pamasok. Halos magdikit na ang kanilang mga katawan dahil sa siksihan ang bus na nasakyan nila. Gumawa siya ng paraan para mapansin siya ng babae.
“Hi, miss anong pangalan mo?” tanong niya sa katabi.
Hindi kumibo ang babae. Sinulyapan lang siya nito.
“May pagka-suplada ang isang ito ha,” bulong niya sa isip.
Maya maya ang bumaba na ang babae. Hindi pa rin inalis ni Bernardo ang tingin kahit pababa na ito ng bus.
Hindi siya papayag na ganoon-ganoon nalang.Aba, never pang nangyari na wala siyang epekto sa isang babae, insulto ito pag nagkataon! Kaya kahit na malakas ang ulan ay sumugod siyang talaga.
“Susundan ko siya,” sabi niya sa sarili.
Lingid sa kanyang kaalaman ay napansin ng babae na sinusundan niya ito Halata namang naasiwa ito sa ginawa niyang pagsunod rito. Hindi niya alam ay lihim itong nagtataka at nagtanong sa sarili.
“Ano kaya ang kailangan sa akin ng lalaking ‘to?”
Biglang lumapit si Bernardo sa nagtatakang babae.
“Sandali lang miss, pakiusap!” aniya.
“Bakit mo ba ako sinusundan? Kung may masama kang balak sa akin ay huwag mo nang ituloy. Marunong ako ng self defense kaya huwag kang magtatangkang saktan ako!” matapang na wika ng babae.
“Please, pakinggan mo muna ako. Sinusundan kita dahil naiwan mo ito kanina sa bus,” hingal na sabi ng lalaki habang iniabot sa babae ang isang paper bag.
“Diyos ko, nakalimutan ko pala ang mga pinamili ko!” gulat na bigkas ng babae.
“Hindi ako masamang tao, miss. Inihabol ko lang ito sa iyo.”
Nakahinga nang maluwag ang babae. “Salamat ha, akala ko kasi mandurukot ka eh. Ako nga pala si Maxine. Halika, sumama ka sa akin sa bahay. Doon ka muna magpatila ng ulan. Pasasalamat ko sa pagbigay mo sa akin nitong paper bag,” yaya nito.
Ilang kanto lang ang nilakad nila nang marating ang bahay ng babae. Malugod siya nitong pinapasok sa loob at pinaupo sa sofa.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong nito.
“B-Bernardo ang pangalan ko. Bernard na lang ang itawag mo sa akin,” sagot ng lalaki sa tila nang-aakit na boses.
“Nice to meet you, Bernard,” makahulugang sambit ng magandang babaeng kaharap niya.
“Anong gusto mong inumin?” pahabol nitong tanong.
“Uhm..kape na lang,” aniya habang napapakagat labi.
Nagpaalam sandali si Maxine at sinabing maghahanda lang ito ng kape sa kusina.
“Mag-relax ka lang muna diyan at ihahanda ko lang ang kape mo.”
Napangiti naman si Bernardo sa ikinikilos ng babae. Naisip niyang mukhang madali niya itong makukuha sa mga titig nito sa kanya. Tamang-tama dahil tila wala itong ibang kasama sa bahay kaya madali niya itong maaakit.
Maya maya ay biglang lumitaw si Maxine. Inilapag nito sa maliit na mesa ang isang tasa ng kape. Napansin ni Bernardo na hindi naalis ang ngiti sa mukha nito na para bang nagpapapansin sa kanya.
“Kunwari pa itong hindi ako pinapansin sa bus kanina. Alam kong may itinatago ka ring landi sa katawan kaya humanda ka sa akin,” mahalay na bulong ng lalaki sa isip.
“Nainip ka ba, Bernard?”
Hindi mawari ng lalaki ngunit para siyang nahipnotismo ng babae sa ngiti at sa mga titig nito. Nagtaka naman ito sa inasal niya.
“O, natulala ka na?”
“Ay, h-hindi naman…”
“Inumin mo na iyang kape mo at baka lumamig,” utos nito.
Agad niyang ininom ang kapeng ibinigay sa kanya. Di nagtagal ay nakaramdam siya ng pagkahilo.
“Teka, parang nahihilo yata ako…”
Nang biglang di niya namalayan na mabitawan ang hawak na tasa at pati siya ay humandusay na rin sa sahig at nawalan ng malay.
Sa pagmulat ng mga mata ni Bernardo ay nakita niya ang sarili na nakahiga sa kama at nasa loob ng isang kuwarto. Naramdaman niya na medyo kumikirot pa ang sentido niya.
“T-teka, bakit ako narito?” aniya habang nagtatangkang bumangon sa higaan.
Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto at tumabad sa kanya ang hubo’t hubad na katawan ni Maxine. Kitang-kita niya ang lahat-lahat sa babae, ang malaki nitong hinaharap at ang pagkababae nito.
Nabuhay ang dugo ni Bernardo. Tama ang hinala niya na may itinatagong kulo ang babae kaya ngayon ay nakahanda na siya nitong atakehin.
Dahil sa nilukuban na siya ng kanyang ka-mundohan ay dali-dali na rin niyang hinubad ang suot na damit hanggang sa walang matira kundi ang hubad rin niyang katawan.
“Akin ka ngayong gabi,” wika ni Maxine sa nang-aakit na tono.
Lumapit na ito sa kanya at pinaghahalikan siya. Natupad ang plano niya na tuluyang maangkin ang babae.
Matapos ang kanilang kaligayahan sa kama ay pagod na pagod ang dalawa. Bagsak ang katawan ni Bernardo. Inubos ni Maxine ang kanyang lakas kaya nakatulog siya.
Alas dos ng madaling araw nang magising ang lalaki. Masakit pa rin ang katawan sa umaatikabo nilang bakbakan ni Maxine. Muling bumukas ang pinto at iniluwa ang babae ngunit laking gulat niya nang makita ito na may hawak na malaking itak at dahan-dahang lumapit sa kanya.
“A-anong ibig sabihin nito? Bakit may hawak kang ganyan?” kinakabahan niyang tanong.
Pinagpawisan siya ng malapot. Gusto niyang sumigaw ngunit parang napipi siya. Matinding kilabot ang namayani sa kanya nang ilapit nito sa kanya ang hawak na itak. Naging mabilis ang mga pangyayari.
“Huwaaaggg!!!”
Gumuhit sa buong kabahayan ang malakas na sigaw ni Bernardo.
Ilang saglit lang ay naglalakad na si Maxine pababa ng hagdan. Pumasok ito sa isang tagong kuwarto sa silong ng bahay. Bitbit ang tinagpas na pagkalalaki ni Bernardo ay inilagay niya iyon sa isang maleta kasama ng iba pang pugot na ari ng mga lalaking naging biktima niya.
“Nadagdagan na naman ang mga koleksyon ko,” natatawang sabi ni Maxine.
Tapos noon ay mabilis nitong nilisan ang bahay. Bagamat nanghihina naman si Bernardo ay pinilit niyang tumayo at humingi ng saklolo. Alam niyang ilang minuto nalang ay maaari siyang bawian ng buhay.
“Diyos ko may nabiktima na naman ang babaeng tirador ng mga lalaki,” sabi ng babaeng nag-uusyoso.
“Kawawang lalaki. Malamang naakit sa alindog nung babae kaya ayan siya ang sumunod na naputulan,” sabad ng isa pa.
Dahil sa pagiging mahilig ni Bernardo ay nakahanap siya ng katapat. Magsisi man siya ay huli na.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!