Inday TrendingInday Trending
Pakiramdam ng Babaeng Ito, Hindi na Siya Lumalago sa Relasyon Nila ng Kaniyang Nobyo sa Loob ng Siyam na Taon; Maghanap Kaya Siya ng Iba?

Pakiramdam ng Babaeng Ito, Hindi na Siya Lumalago sa Relasyon Nila ng Kaniyang Nobyo sa Loob ng Siyam na Taon; Maghanap Kaya Siya ng Iba?

“Oh bes, kumusta naman kayo ni Paulo?” tanong ni Celly sa kaniyang matalik na kaibigang si Pamela, na nakipagkita sa kaniya sa isang coffee shop.

“Hay, heto na nga bes… okay naman si Adrian. Alam mo naman ‘di ba? Noong una pa man siyang nanliligaw sa akin, talagang may naramdaman na ako para sa kaniya. Kaya masaya naman ako sa takbo ng relasyon namin. Kaya lang…”

“Kaya lang ano? May babae ba? O baka beki?” tanong ni Celine.

“Hindi… ano ka ba naman, patapusin mo muna ako,” at umikot ang mga mata ni Pamela.

“Pasensya na, advance mag-isip ang bes mo. Ganyan kasi ang madalas na problema ng iba ko pang mga kaibigan, kapag nagsasabi sila ng problema sa akin. Ako ang dakilang shock absorber ng lahat. Oh, anyway, ano nga iyon?” untag ni Celine.

“Sa palagay ko, mababaw lang ito. Pero… wala lang… kasi sa loob ng halos dalawang taong relasyon namin ni Adrian, sa tuwing lumalabas kami, lagi na lang kaming hati sa lahat. Magmula sa pamasahe, sa pagkain, sa panonood ng sine. Basta hati kami sa mga gastusin,” pagtatapat ni Pamela.

Nangunot naman ang noo ni Celine.

“Oh, anong problema ro’n? Ayaw mo ba? Wala naman akong nakikitang masama sa arrangement ninyo, bes. Ganyan ba ang kasunduan ninyo?” tanong ni Celine.

“Oo. Don’t get me wrong bes. Kaya lang syempre, hindi mo rin naman maaalis sa akin na gustuhin naman na maranasan yung tipikal na nararanasan ng ibang nobya—syempre yung sasagutin ng nobyo yung lahat ng gastusin sa isang date, bibilhan ng bulaklak, bibilhan ng bag o stuffed toys, o kung ano pa man. Parang noong nanliligaw lamang niya yata ginawa ‘yun. Simula nang naging kami, hayun, hati na kami sa lahat ng bagay. Pero ‘yun nga, gusto ko rin namang maranasang maging espesyal na babae, alam mo ‘yun…”

“Gets naman kita diyan, bes. Mabuti pa, kausapin mo si Adrian sa bagay na ‘yan,” payo ni Celine.

“Eh nahihiya ako! Hindi ko kaya,” saad naman ni Pamela.

“Bes, 2022 na, hindi na uso ‘yang hiya-hiya na ‘yan. Mas mabuti na yung ngayon pa lang, tapat at bukas ka na sa kaniya. Para napag-uusapan na ninyo ang mga bagay-bagay. Mahirap naman na hindi kayo sanay o nagkakailangan kayo kapag kasal na kayo. Mas mabuti na yung ngayon pa lang, sanay na kayong pag-usapan ang mga isyu ninyo,” sabi ni Celine.

“The best ka talaga bes! Ikaw na ang love guru!” papuri ni Pamela sa matalik na kaibigan.

“Ako pa ba, bes? Ilang relasyon na ba ang napagdaanan ko. Basta tatandaan mo bes. maaaring may rason si Adrian kung bakit ganito ang set up ninyo. Kaya mahalaga, magkausap kayo,” wika ni Pamela.

Tama naman si Celine. Marapat nga sigurong kausapin na niya ang nobyo tungkol dito.

Nang araw na kakausapin na ni Pamela ang nobyo, tamang-tama sa kanilang monthsary, inaya siya nitong magtungo sa isang eksklusibong subdibisyon sa Cavite.

Nagulat siya nang nasa harapan na siya ng isang dalawang palapag na bahay.

“K-Kanino ito?” tanong ni Pamela.

“Gusto ko lang ipagmalaki sa iyo hon, ang bahay na ito, na isang taon kong hinuhulugan. Tapos ko na ang buwanang equity, kaya magsisimula na ako sa buwanang amortization. Ibig sabihin, maaari na itong pagandahin, i-renovate, o tirhan. Balak ko, dito tayo titira kapag kasal na tayo,” sabi ni Adrian.

Hindi maipaliwanag ni Pamela ang kaniyang mararamdaman. Umaapaw ang kaniyang puso sa labis na kaligayahan.

Maya-maya, may inilabas na pulang kahita si Adrian mula sa kaniyang bulsa. Binuksan nito ang pulang kahita. Tumambad ang isang singsing na may adornong brilyanteng sa ibabaw.

“Kaya naman sa harapan ng ating magiging bahay sa hinaharap, gusto kong hingin ang kamay mo, hon. Will you marry me?” tanong ni Adrian sabahy-luhod sa kaniyang harapan.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Pamela. Isang malakas na Yes! ang isinagot niya.

Masuyong kinuha ni Adrian ang kaniyang kaliwang kamay. Ipinasok sa palasingsingan niya ang singsing na simbolo ng pagmamahal nito. Maya-maya, nagulat si pamela nang isa-isang lumabas mula sa loob ng bahay ang mga kaibigan niya at kaibigan ni Adrian na may mga hawak na lobo, bulaklak, at cake. Sinabuyan sila ng confetti. Nagpapalakpakan at naghihiwayan sila. Kabilang dito si Celine.

“Alam mo ang tungkol sa proposal na ito, hitad ka?” natatawang tanong ni Pamela sa matalik na kaibigan.

“Oo, at dahil Marites ako, sinabi ko kay Adrian yung napag-usapan natin! Oh, natatandaan mo ba yung sinabi ko sa iyo na baka may rason si Adrian kung bakit hati kayo lagi sa mga gastusin sa dates ninyo?” natatawang tanong ni Celine sa kaibigan.

Ngayon, alam na niya kung bakit sa tuwing lumalabas sila, matipid ang nobyo at naghahati pa sila sa mga gastusin. May mas mahahalagang bagay pa pala itong pinag-iipunan.

Sa raw na iyon, hindi lamang ipinaramdam ni Adrian sa kaniya kung gaano siya ka-espesyal bilang babae.

Ipinaramdam nito sa kaniya kung gaano siya nito kamahal. Kung gaano nito nakikita ang kanilang relasyon na pangmatagalan na.

Makalipas ang dalawang buwan ay natuloy na rin ang kasal nina Adrian at Pamela at tumuloy na sa kanilang bagong bahay!

Advertisement