Labis ang Pagluluksa ng Lalaki nang Malamang Nakasama sa Sunog ang mga Alagang Aso; May Gamot ba Para Mawala ang Paghihinagpis Niya

Masayang naghanda ng makakain si Mang Samuel para sa kaniya labing walong alagang aso. Araw-araw ay nagluluto siya ng tatlong kilong kanin at isang malaking kawaling ulam para sa kaniyang mga alagang aso.

Lahat ng alaga niyang aso ay inampon lamang niya iyong iba’y nakuha lamang niya sa lansangan at dinala sa kaniyang tahanan upang alagaan. Mahilig talaga siya sa mga aso kaya hindi nakakapagtakang malapit ang puso niya sa mga ito.

“Totskie, Basu…” isa-isang tinawag ni Samuel ang mga alagang aso.

Ngali-ngali namang nagsilapitan ang mga tinawag niya. Oras na ng kainan at alam na ng mga ito ang bagay na iyon. Sa labing walong alaga niya’y may anim na asong nakatali. Tatlo naman ang nasa loob ng dog house, habang ang iba ay malayang nakakagala sa kung saan-saan at kusa rin namang umuuwi ang mga ito na tila ba alam ng mga ito ang curfew hours.

“Kung saan-saan na naman kayong lahat gumala. Kanina ko pa kayo tinatawag ah,” kausap ni Samuel na para bang maiintidihan niya kapag sumagot ang mga ito.

“Aalis ko mamaya. Bibili ako ng makakain ninyo. Bantayan niyo itong bahay at huwag magpapasok ng magnanakaw ah,” bilin niya na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.

Nang matapos ngang kumain ang kaniyang mga alaga’y naghanda na si Samuel, sa kaniyang pag-alis. Paubos na ang pagkain ng kaniyang mga alaga at paubos na rin ang stocks niya sa bahay kaya kailangan na niyang mag-groceries. May sasakyan naman siya kaya hindi siya gaanong mahihirapan.

Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkaroon ng sunog sa barangay nila at nadamay ang kaniyang bahay. Nangyari ang sunog kung kailan wala siya sa bahay nila. Kaya imbes na tapusin ang pamimile ay ipinatabi na lamang muna niya ang mga iyon at nangakong babalikan.

Advertisement

Kailangan niyang iligtas ang mga aso niyang naiwan sa bahay. Hindi siya nag-aalala sa mga alagang malaya. Mas nag-aalala siya sa tatlong asong nasa loob ng dog house at sa anim na asong nakatali.

“Papasok ako! Nasa loob pa ang mga aso ko!” Mangiyakngiyak at natatarantang pakiusap ni Mang Samuel sa mga pulis na nakaharang sa lugar kung saan ang nasusunog.

“Pasensiya na po kayo sir, pero hindi na kami magpapapasok. Delikado na po ang sitwasyon at baka kapag pinayagan namin kayo’y, kayo naman ang mapahamak,” wika ng pulis.

Nahahapong napaupo si Samuel. Iniisip na sana nakaligtas ang mga aso niya. Nananalanging sana may taong nagmagandang loob na pasukin ang bahay niya’t pinakawalan ang kaniyang mga aso.

Nang maapula na ang sunig at natapos na ang lahat ay bumungad kay Samuel ang kaniyang sunog na sunog nang bahay. Ang gate na lang ang tanging natira at hindi inabutan ng napakalaking apoy na lumamon sa bahay niya.

Isa-isa namang nagdatingan ang kaniyang mga aso. At tama ang kinatatakutan niya kanina. Natusta nga ang siyam niyang aso dahil ang mga nakikita lamang siya ngayon ay ang siyam na alagang malayang nakakalabas.

Hindi napigilan ni Samuel ang mapahagulhol ng iyak. Masakit sa kaniya ang nangyaring pagkasunog ng pinaghirapan niyang bahay. Ngunit mas masakit para sa kaniyang malaman na kasama sa nasunog ang kaniyang siyam na aso.

“Patawarin niyo ako. Hindi ko alam na mangyayari ang bagay na ito. Kung alam ko lang ay hindi na muna sana ako umalis, maliligtas ko sana kayo.” Humahagulhol na wika ni Samuel.

Advertisement

Naabutan siya ng kaniyang asawa’t dalawang anak na umiiyak habang nakaluhod. Nahahabag na nilapitan siya ng mga ito at niyakap.

“Wala kang kasalanan papa,” mangiyak-iyak na alo ng kaniyang bunso na si Althea.

“Aksidente ang nangyari, Samuel,” wika naman ng kaniyang asawa.

Alam ni Samuel na aksidente ang nangyari, ngunit kailanman ay hindi pa rin mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Wala man lang kasi siyang nagawa. Hindi man niya nakita ay naiisip niya ang sakit at hirap na naranasan ng kaniyang mga alagang aso, bago nasunog ang mga ito at hindi niya maiwasang hindi maiyak.

Kung kaya lang niyang ibalik ang oras, ngunit alam niyang malabong mangyari iyon.

“Masakit mawalan ng mga alagang aso. Para ko na silang mga anak. Araw-araw kapag pumapasok na sa kaniya-kaniyang trabaho ang mga anak at asawa ko’y sila na ang nakakasama at nakakausap ko. Araw-araw ay wala akong ibang ginagawa kung ‘di ang alagaan sila at pakainin.

Naging parte na sila ng buhay ko. Kaya ang sakit isipin ang nangyari sa kanila at mas masakit kasi wala man lang akong nagawa,” mangiyakngiyak na kwento ni Samuel, sa mga kaibigan niyang dumalaw sa kanila kinabukasan upang kumustahin ang kalagayan nila.

“Magpasalamat pa rin tayo, Samuel, dahil may siyam na aso pang natira at nakaligtas,” malungkot na wika ng kaniyang asawa.

Advertisement

Tumango na lamang si Samuel at yumuko. Masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Pakiramdam niya’y walang salita ang makakapagpagaan sa bigat na nararamdaman niya.