Sa Galit ay Nagawang Suntukin ng Misis ang Kaniyang Mister; Ano nga ba ang Totoong Nangyari?

Bumibiyahe si Eliane patungo kay Mario, ang kaniyang dating asawa upang kunin ang ang perang para sa mga anak nila. Ninais niyang ipadala na lang nito iyon, ngunit mas nais daw ni Mario na kunin niya mismo. Sa madaling salita’y nais nitong pahirapan siya.

Nanggigigil pa siya sa huling pag-uusap nila kanina. Hindi man nito masabi ng diretso ay natutunugan niyang nais nitong sabihin na isa siyang malanding asawa.

“Akin na ang perang suporta mo sa mga anak mo, Mario!” naiinis niyang bungad ng buksan ni Mario ang pintuan.

“Oh! Naparito ka? Akala ko ba wala ka sa mood na pumunta rito at pagod ka,” nang-uuyam na wika ni Mario.

“Mario, gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi ako malanding tao—”

“Talaga ba? Kaya pala nagkawatak-watak tayo dahil sa katinuan mo, Eliane.” Putol ni Mario sa nais niyang sabihin.

“Bakit ba kailangan mong ulit-ulitin sa’kin ang kasalanan ko? Hindi pa ba sapat ang paghingi ko noon sa’yo ng kapatawaran!”

“Pasensiya ka na pero hindi talaga sasapat iyon sa ginawa mo sa’kin.” Matigas na wika ni Mario saka kumuha ng tatlong libo sa bulsa at ibinigay kay Eliane. “Umuwi ka na at nakaka-eskandalo na ang bunganga mo rito.”

Advertisement

“Ngunit imbes na umalis na si Eliane ay nanggigigil na sinugod nito si Mario at pinagsusuntok. “Isang beses lang akong nagkamali sa’yo pero grabe nang baba ang tingin mo sa’kin.” Galit na galit na wika ni Eliane habang nagsisigaw at nakakabulabog na sa mga kapitbahay.

“Manahimik ka na, Eliane! Nakakahiya na sa mga kapitbahay,” saway ni Mario sa dating asawa.

Ngunit hindi pa rin ito humihinto kaya nainis na si Mario, nagdilim ang paningin niya at nasuntok niya si Eliane sa kaliwang mata na agad naman niyang pinagsisihan ng makita itong natumba. Lalapitan niya sana ito upang humingi ng tawad ngunit galit na itinulak siya ni Eliane palayo at humagulhol ng iyak.

“D*monyo ka talaga! Ipapakulong kita,” wika ni Eliane sabay tayo at lakad palayo.

Makalipas ang tatlong araw ay nakatanggap si Mario ng sumon galing sa Barangay. Sinasabi roon na nais silang pagharapin ng kaniyang dating asawa na si Eliane.

“Ipapakulong ko po ang asawa ko dahil sa pananakit na ginawa niya sa’kin at sa hindi niya pagkusang magbigay ng sustento sa tatlong anak namin. Kapag po magbibigay siya’y dapat ako pa ang kukuha ng pera kahit pwede naman niyang itong ipadala na lang at ito po ang ebidensya ng pananakit niya!” Turo ni Eliane sa black-eye na natamo.

“Hindi ko intensiyon ang saktan ka, Eliane,” panimulang paliwanag ni Mario. “Somusobra ka na kasi sa pananakit mo sa’kin, physical man o emosiyonal. Sinuntok mo ako at ipinahiya sa ibang tao. Lalaki ako pero tao rin ako at nasasaktan.

Wala kang respeto sa’kin, Eliane. Sabagay kailan ka nga ba nagkaroon ng respeto sa’kin? Lolokohin mo ba ako kung nirerespeto mo ako bilang asawa mo? Pinatawad kita kahit nanlalaki ka, pero hindi ko na nakayanan ang ugaling meron ka. Kaya nagdesisyon akong iwan ka.

Advertisement

Hindi rin totoo iyong palagi mong sinasabi na ang baba ng tingin ko sa’yo. Iyon ang naiisip mo dahil guilty ka sa nagawa mo sa’kin. Kailanman ay hindi kita sinabihan ng malandi, pero lagi mong isinusumbat ang salitang iyon sa’kin, pero ang totoo ikaw lang naman ang nag-iisip no’n. Tapos sa’kin ka magagalit dahil nagkawatak-watak tayo.

Kung hindi ka nanlalaki, hindi tayo magkakaganito, Eliane. Alam mo ‘yan,” mahaba at mangiyakngiyak na wika ni Mario.

Agad namang bumalot sa buong paligid ang malakas na singhapan ng mga tao sa loob ng tanggapang iyon.

“Wala po akong alam sa batas, pero alam ko po na malaki ang kasalanan ko sa kaniya dahil nasuntok ko siya at may ebidensiya siya sa pananakit, na agad ko namang pinagsisihan. Humihingi ako ng kapatawaran sa kaniya at handa po akong makulong kung iyon ang magiging hatol niyo sa’kin.

Pero hanggang doon lang ang hinihingi ko ng tawad sa asawa ko. Dahil kung tutuusin ay mas marami pong pananakit na ginawa sa’kin si Eliane, wala nga lang akong hawak na ebedinsya para patunayan iyon,” nakayukong dugtong ni Mario dahilan upang matahimik ang lahat.

Dahil pareho naman silang may kasalanan sa nangyari kaya napagkasunduan na lang ng lahat na magkaayos silang dalawa. Pinayuhan rin sila ng kapitan na mas maiging mag-file na lang silang dalawa ng annulment sa ikakabuti nilang pareho.

Napagkasunduan din ng bawat kampo na gagawin ni Mario ang obligasyon niya sa kanilang mga anak at gano’n rin si Eliane.

Kapag ang babae’y sinaktan ng lalaki pisikal o pagbuhatan ng kamay ni lalaki si babae ay isa iyong napakalaking kasalanan. Pero minsan din kasi ay sumosobra na ang babae kaya napapatulan na ito ng lalaki. Respetuhin natin ang mga asawa natin gaya ng gusto nating gawin nila sa’tin.

Advertisement

Pare-pareho lang tayong mga tao, kung nasasaktan ka malamang ay nasasaktan din sila. Hindi nga lang sila kagaya sa mga babaeng agad umiiyak at mukhang mahina. Hindi natin sila nakikitang umiiyak dahil lalaki sila at isang kahinaan para sa kanila ang makitang umiiyak. Pero may puso pa rin sila at gaya sa mga babae ay nasasaktan din.

Huwag gawing kapansanan ang pagiging isang babae. Tandaan na pantay-pantay lang dapat ang tingin natin sa’ting kapwa, lalo na sa mga kasama natin sa buhay.