Inday TrendingInday Trending
Walang Pampagamot sa May Sakit na Anak ang Mag-Asawa, Kaya Napilitan Silang Gumawa ng Kalaswaan Upang Kumita

Walang Pampagamot sa May Sakit na Anak ang Mag-Asawa, Kaya Napilitan Silang Gumawa ng Kalaswaan Upang Kumita

Bagong lipat sa maliit na barung-barong ang mag-asawang Petra at Crispin kasama ang kanilang isang taong gulang na anakl. Isinilang na may kapansanan ang kanilang bata.

Hindi kumpleto ang parte ng katawan nito. Wala itong kanang braso. Palagi rin itong sakitin kaya minsan ay labas-masok sila sa pampublikong ospital. Doon lamang ang kaya ng mag-asawa dahil naglalabada lang ang trabaho ni Petra at kargador naman sa palengke si Crispin.

“Kahit anong kayod ang gawin natin ay hindi sasapat, Crispin!” wika ni Petra.

“Maayos naman ang kita mo sa paglalabada di ba? Ako, umeekstra na rin akong karpintero para may panggastos dito sa bahay at pambili ng gamot ni Ruru.”

“Kahit pagkasyahin natin ang kinikita mo at kinikita ko ay kulang pa rin para sa mga gamot ng anak natin. Nahihirapan na ako, Crispin!”

“Huwag kang mag-alala. Dodoblehin ko ang kayod ko at raraket pa ako sa palengke para makadagdag sa gastusin natin!”

Kinahapunan, habang tinatawid ni Petra ang makitid na tulay papunta sa paghahatiran ng mga damit na nilabhan ay mayroon siyang nakasalubong.

“P-Petra, ikaw na ba iyan?” gulat na tanong ng lalaki.

Sa una ay hindi niya iyon nakilala ngunit kapagdaka ay namukhaan ang lalaking kaharap.

“A-Abner?” aniya.

“Oo ako nga! Kumusta na kayo ni Crispin?” tanong ng lalaki.

“Ito, mahirap pa rin!”

“Anong pinagkakakitaan niyo ngayon?”

“Naglalabada ako at si Crispin naman ay nagkakargador sa palengke. Ikaw, saan ka na ngayon?”

“Nagtatrabaho ako sa Casa Minerva na pagmamay-ari ni Madam Rowena!” anito.

“Casa Minerva? Huwag mong sabihing. iyon ay…”

“Tumpak! Kung ano ang naiisip mo y iyon na nga ‘yun!” anito.

“Ganoon pa rin ba ng trabaho mo?” tanong ng babae.

“Oo. Wala naman akong ibang alam na trabaho, e. At mas malaki ang kitaan dun kumpara sa una! Gusto niyong subukan? Ipakilala ko kayo ni Crispin kay Madam Rowena!”

Napaisip si Petra sa sinabi ng lalaki.

“Ipaalam ko muna kay Crispin. Alam mo naman ang asawa ko.”

“Kapag interesado kayo tawagan o i-text niyo lang ako, ha?” sabi ni Abner sabay bigay ng numero kay Petra.

“I-save mo iyan, ha?” anito.

Kinagabihan ay walang tigil sa kaiiyak ang anak nila sa kuna. Hindi malaman ni Petra kung ano ang gagawin hanggang sa dumating na ang asawa.

“Anong nangyari kay Ruru?” nag-aalalang tanong ni Crispin.

“Kinukumbulsyon na naman siya, e. Dalhin na natin siya sa ospital!”

Muli nilang dinala sa ospital ang anak. Inasikaso naman sila ng mga staff na naroon ngunit nang malaman nila kung magkano ang halaga ng kailangan nilang bilhin na gamot ay nanlumo ang dalawa.

“Dalawang libong piso para sa tatlong pakete ng gamot? Napakamahal naman nito!” tanong ni Petra sa isang staff ng botika.

“Pasensya na po, pero iyan po talaga ang presyo niyan.” anito.

“Wala bang mas mura?” tanong naman ni Crispin.

“Wala na po,” sagot ng babaeng staff.

“Kulang ang pera, Crispin. Tatlong daang piso lang ang hawak natin!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Petra.

“Gagawan ko na lang ng paraan,” wika ng lalaki.

Nang maalala ni Petra ang sinabi ni Abner.

“Nakasalubong ko kanina si Abner, iyong dati nating kapitbahay. May inaalok siyang trabaho sa atin at malaki raw ang kita!” sabi niya sa asawa.

“At anong trabaho naman? Katulad sa kanya?” tanong ng lalaki.

“Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ngayon ay mabili natin ang gamot ni Ruru. Sabi ng doktor ay iyon lang ang makakapagpagaling sa anak natin!” aniya habang patuloy ang bulwak ng masaganang luha sa mga mata.

Niyakap nang mahigpit ni Crispin ang asawa. Nauunawaan nito ang gustong mangyari ni Petra.

“Huwag ka nang umiyak, mahal! Sige, pumapayag na ako!”

Agad nilang tinawagan si Abner. Sinabi naman ng lalaki kung saan matatagpuan ang Casa Minerva.

Nang marating ang lugar ay pareho silang nakaramdam ng kaba.Maaari silang ikahiya ng kanilang anak dahil rito, pero lahat naman ng ginagawa nila ay para lang madugtungan ang buhay nito.Sana balang araw, maintindihan ni Ruru.

Ang Casa Minerva ay isang torohan. Marami ang nagbabayad upang makapanood lamang ng dalawang magka-pareha na nagtatalik.

Ipinakilala sila ni Abner kay Madam Rowena. Malugod naman silang tinanggap ng matandang matrona na magtrabaho ng isang gabi sa casa nito.

Habang tinatanggal ang kanilang mga saplot ay niyakap nang mahigpit at hinalikan ni Crispin sa labi ang asawa.

“Handa ka na, mahal?” tanong ng lalaki.

“Oo, Crispin, para kay Ruru!”

Maya-maya ay sumalang na sila sa munting entablado at sinimulan ang mainit nilang eksena.

Hindi magkandatuto ang mga lalaking customer na hayok na hayok sa pinapanood. Ang isang matandang parokyano ay halos tumulo na ang laway sa ginagawang live show nina Petra at Crispin.

“Sige pa, galingan mo ang pagtira!” sigaw ng matanda.

“Ang laki ng s*so ng babeng ‘to, sarap lapirut-lapirutin!” sigaw naman ng isang lalaking lasing.

Pawisan na ang dalawa at halos hindi na magkandaugaga kung anong puwesto ang gagawin sa pagtatalik.

“Crispin!” ungol ni Petra.

“Petra..”

Wala silang kaalam-alam na parating na ang mga pulis para i-raid ang torohan. May nakapagsabi kasi sa mga ito na may ginagawang kababuyan sa nasabing casa.

Di nagtagal ay pumasok na ang mga pulis at pinaghuhuli ang mga parokyano sa loob ng casa.

“Walang kikilos! Raid ‘to! Huwag na kayong magtangkang tumakas!” sigaw ng isang pulis.

Nagkagulo sa loob ng torohan. Kanya-kanyang pulasan ang mga customer ngunit nanaig pa rin ang mga alagad ng batas.

Maging si Madam Rowena ay hindi makapaniwalang nilusob ang kanyang casa kaya lulugo-lugong sumama ang matandang matrona sa mga pulis na humuli sa kanya.

Habang nire-raid ang Casa Minerva ay nailabas na nina Petra at Crispin ang anak nilang si Ruru sa ospital. Naibili na rin nila ng gamot ang sanggol. Masuwerteng nakaligtas ang mg-asawa sa pag-raid sa torohan dahil bago pa man dumating ang mga pulis ay natapos na nila ang live show at mapayapang nakaalis sa casa. Binayaran din sila ni Madam Rowena ng limang libong piso para sa isang gabing palabas.

“Iyon na talaga ang huli, Petra. Hindi na natin ulit gagawin ang ginawa natin kanina, ha?”

“Pangako, mahal..iyon na ang huli!”

Nangako ang mag-asawa na hindi na talaga nila babalikan ang madilim nilang buhay sa torohan. Napakapit lamang sila sa patalim dahil sa hangaring mabili ang gamot ng may sakit na anak.

Matapos ang gabing iyon ay natutunan nilang mahalin ang kanilang mga trabaho. Si Petra ay ipinagpatuloy ang pagiging labandera at si Crispin ay nanatiling kargador sa palengke. Mga trabahong marangal na puwedeng maipagmalaki ng kanilang anak paglaki nito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement